Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Aired (May 24, 2025): Tinalakay nina DJ Onse at Inah Evans ang mga pagsubok at stigma na kinahaharap ng mga baklang anak habang sila’y lumalaki, at kung paano nila ito nilalabanan. #YourHonor #YouLOL #YouLOLOriginals




YouLOL Originals presents 'Your Honor,' a one-of-a-kind vodcast that combines satire, showbiz, trending issues, and chismis.


Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing dito. Samahan sina Buboy Villar at Tuesday Vargas na imbestigahan ang iba’t ibang mga isyu natin sa life kasama ang mga celebrity resource person. Seryosong usapan pero matatawa ka. Gano'n naman ang hearing, 'di ba?


Catch the weekly session every Saturday, 7:15 pm, after Pepito Manaloto, on YouLOL livestream. Full episodes are available on YouTube, Spotify, and Apple Podcast.


For more 'Your Honor' Highlights, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PL_UmNDDvymmDqWGCl_2PTdPgbrtob4VDN


For more 'Your Honor' Full Episode, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PL_UmNDDvymmD6lOsY527r14_AkfuTOkX7

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Answer, ha.
00:01Ikaw ba, Onsi, nung bata ka, nung nag-out ka,
00:03sinabi yan ng nanay mo na,
00:05ayan, may mag-aalaga na sa'yo,
00:08buti may bakla kang anak.
00:09Ano ba yung stigma sa baklang anak pag lumalaki?
00:12Pero bago ko sagutin yan, ha,
00:14ang ganda ng sagot niya,
00:15so I accept as first runner up the day.
00:17Ate, yung concede ka na.
00:19Concede ka na.
00:20Concede ka na.
00:21Concede na.
00:22Oo, concede na.
00:24Hindi yung nanay ko.
00:25Nung bata ko, nung nalaman nilang bakla na ako,
00:28laging ang sinasabi ng mga kapitbahay,
00:31ng mga ano,
00:32uy, ikaw ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.
00:34Laging may ganon.
00:35Ah, ikaw ang ano,
00:36ikaw ang makakasama ng nanay mo,
00:38especially sa sitwasyon ng pamilya namin
00:40na produkto ko ng broken family.
00:43So, lumaki ako sa nanay ko.
00:44So, nakita na yung struggle ng nanay ko
00:46sa pagiging domestic helper sa ibang bansa.
00:49Dumaan kami.
00:50Ang daming hindi nakakaalam
00:52nung naging proseso ng buhay namin,
00:53bago yung buhay namin ngayon.
00:55Hindi kami well off ngayon, ha.
00:57Hindi kami nagugutom.
00:58Pero hindi kami well off na katulad ng iniisip ng iba.
01:01Kasi, di ba kapag,
01:02ay, nakikita lumalabas sa TV,
01:04may pelikula, may serye, may commercial,
01:06maraming pera yan.
01:07Which, in fact, hindi totoo.
01:09Uunang ka ng mga pinsan mo bigla.
01:10Exactly.
01:11Sa probinsya,
01:13hindi mabigay yung
01:15sweldo ng nanay ko na senior citizen.
01:17Alam mo naman,
01:18may politics when it comes to giving the money
01:20para sa mga senior citizen.
01:22Kasi, ah, hindi natin siya uunahin
01:23kasi may anak namang artista yan eh.
01:25Well, in fact,
01:26kailangan ng nanay ko yung pera.
01:27Yung mga ganon.
01:28Pero yes,
01:29tama ka doon.
01:29Nung bata ko,
01:30sinasabihan ako na
01:31ikaw mag-aahon sa pamilya,
01:33ikaw makakasama ng nanay mo.
01:34So, bata pa lang ako,
01:36nakaset na sa isip ko
01:37na ganon.
01:37And,
01:38hindi ko iniisip,
01:39pero nangyari.
01:40Kasi,
01:41dahil nga broken hearted,
01:42broken hearted,
01:43ang nanay ko
01:44at broken family kami,
01:45I stood as the father of our family.
01:48Kahit hindi ako yung panganay.
01:49Because,
01:50I earn more
01:51compared to my brother and sister.
01:53So,
01:53talagang mangyayari talaga siya eh.
01:56So, walang kinalaman sa pagkabakla.
01:58Parang naging matik ang breadwinner ng pamilya.
02:01Yes.
02:01Tinayuan mo.
02:02Tinayuan ko yan.
02:03Tapos,
02:04yung tanong mo kanina,
02:05paano magmahal yung katulad namin,
02:06gusto ko yung sagot ni Ina Evans na,
02:08hindi naman magmamatter kung,
02:10baklang anak ka,
02:11kung babaeng anak ka,
02:12lalaking anak ka eh.
02:13Magmamatter pa din yun
02:14kung paano mo minamahal
02:15at tinaalagaan ng pamilya mo.
02:17Kasi,
02:17at the end of the day,
02:18kaya lang naman,
02:19na-identify na,
02:20ah, kapag bakla,
02:22para sa nanay yan.
02:23Ah, kapag bakla,
02:23para sa magulang yan.
02:25Kasi nga,
02:26marami sa mga bakla,
02:27wala talagang relationship
02:28at the end of time.
02:30Marami sa mga bakla
02:31na kinukup-kup
02:32ang mga magulang nila
02:33dahil wala naman silang pamilya.
02:35Pero ako,
02:36I'm so lucky na
02:37kasama ko ang nanay ko
02:39bago dumating sa akin
02:40ng anak ko
02:40kasi hindi ko kakayanin
02:42yung pagpapalaki
02:43sa anak ko alone
02:44as a single parent
02:45kung hindi ko naman
02:46kasama yung nanay ko.
02:48Sabi nila,
02:48ang laki ng utang
02:49ng loob ng nanay mo sa'yo,
02:50no, bakit?
02:51Kasi lahat ng obligasyon
02:52ng tatay mo,
02:53ikaw ang sumalo.
02:54Ikaw ang naging katulong
02:55ng nanay mo.
02:56Pero ngayon ko nare-realize
02:57na kung hindi ko kasama
02:59ang nanay ko ngayon
03:00na siyang nag-aalaga
03:01sa anak ko
03:01kapag may taping ako,
03:02may trabaho ako sa comedy bars,
03:04hindi ko kakayanin
03:05na pagiging magulang
03:06at marami akong natutunan
03:07sa nanay ko
03:08na ginagawa ko ngayon
03:09sa anak ko.
03:11Siyang peg mo
03:12bilang magulang.
03:13Sana may chance ako
03:14as grand winner, ha?
03:16Meron na.
03:17Dahil sa sagot na ito.
03:19Paiyak na nga ako, eh.
03:21Kasi parang
03:22isang bagay na yung
03:24maging bakla
03:24pero parang
03:25maging baklang ama,
03:26di ba?
03:26Very inspiring.
03:27So parang
03:28toto'o.

Recommended