00:00Tinututukan ngayon ang gobyerno ang pagsugpo sa iligal na droga mula sa malalaking sindikato hanggang sa maliliit na drug offenders.
00:08Yan ang ulat ni J.M. Pineda.
00:12Isa sa mga mahigpit na utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga law enforcement agency ang pagsugpo sa mga iligal na droga.
00:19Sa isang interview nga, nabanggit ng Pangulo na parehong tinututukan ng gobyerno ang big at small time drug offenders sa bansa.
00:25Asahan na daw na bukod sa paghuli sa mga malalaking sindikato at grupo ay tutugisin na rin ang mga kumakalat na mga small time drug offenders.
00:33Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, dalawang klase ang mga small time drug offenders.
00:38Nandyan ang mga users o gumagamit ng droga at pushers o yung nagtutulak ng droga.
00:43Biktima kung ituring ng ahensya ang mga gumagamit ng droga kaya dapat umanong matutukan sila at mabigyan ng pagkakataon.
00:50Pero ang mga tulak umanong ng droga ang mga walang kawala sa batas.
00:54Yung mga small offenders, yun na ngayon yung subject for rehabilitation, reformation.
01:00Dahil ito, ito yung dapat natin kaawaan sila dahil biktima sila.
01:04We need to identify them and very significant yung role ng BADAC, yung barangay, drug abuse council.
01:14Dahil doon sa barangay, doon pa lang kailangan ma-identify na natin kung sino yung mga biktima.
01:19On street level kasi by law, it is no bail.
01:22Ibig sabihin ito, ang mga small time users ay kailangan bigyan ng tsansa at gobyerno mismo mano ang tutulong dito para makapagbago.
01:30Malaki rin umano ang nagiging tulong ng iba pang law enforcement agency para masakuti ang mga maliliit at malalaki mga drug offenders sa bansa.
01:37Yung Philippine National Police talagang laki ng role doon sa street level.
01:40Of course, yung NBI tumutulong din sa atin sa mga dismantling of drug dents and even yung mga drug kingpins, tumutulong sila doon.
01:50Samantala, ngayong araw nga sabay-sabay na sinunog ng PIDEA ang nasa 5 milyong pisong halaga ng iba't ibang droga na nasakote ng mga otoridad.
01:58Kasama sa mga sinira ay mga shabu, marijuana, cocaine, ecstasy, liquid meth, liquid marijuana at liquid cocaine.
02:06Mahalaga o manong maipakita sa publiko ang ganitong operasyon ng ahensya para mapatunayan na hindi na bumabalik sa merkado ang mga iligal na droga.
02:15JM Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.