00:00Inaasikaso na ng kapulisan ang magiging seguridad para sa nakatakdang ika-apat na State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09Ayon kay PNP Chief General Nicolás Torre III, nakikipag-usap na sila sa Sergeant at Arms ng Kamara para sa latag ng seguridad.
00:17Tiwala naman ang PNP na magiging maayos ang pagdaraos ng SONA sa gitna ng issue ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:24Sa ngayon, hindi pa masasabi ng PNP kung ilang polis ang ide-deploy sa mismong araw ng SONA.