00:00Samantala, isang kotse ang umararo sa ilang mga estudyante sa isang pakaralan sa Taiwan, ilang individual kumpirmadong nasawi.
00:07Samantala, Romanians nagbunyi sa pagkapanalo ng kanilang pro-European candidate sa katatapos lang na presidential election.
00:15Ang detalye sa sentro ng balita ni Joy Salamatid.
00:19Trahedya ang sumalubong sa mga estudyante sa Taiwan, nambanggain sila ng isang rumaragasang sasakyan.
00:26Tatlo ang kumpirmadong nasawi at nasa labing dalawa pa ang sugatan na karamihan anila ay mga estudyante mula sa Sancia Junior High School.
00:36Ayon sa paunang investigasyon, bigla na lang umanong bumilis at lumabag sa Red Traffic Light Protocol ang 78 years old na driver.
00:46Nagnegatibo naman sa alkohol ang driver at kasalukuyang nasa hospital.
00:50Ay pinagutos na ni Taiwanese President Lai Ching Teh ang pagbuo ng task force na mag-iimbestiga sa insidente.
01:00Daang-daang mga mamamayan ang nagmartsang para ipahayag ang kanilang suporta at kasiyahan sa pagkapanalo ng pro-European candidate na si Niku Serdan sa pagkapresidente ng Romania.
01:12Natalo niya ang nationalist candidate na si George Simeon sa isinagawang run-off election kung saan nakuha ni Niku Serdan ang higit 53% ng mga boto.
01:24Bitbit ang mga placard at Romanian flag.
01:27Masayang nagtipo ng mga mamamayan sa hangad nilang pagbabago sa kanilang gobyerno at lipunan.
01:34Habang binigyan din ang bagong halal na Pangulo ang pagkapanalo rin anya ng demokrasya.
01:39Sa Indonesia, itinaas na sa highest alert level ang Mount Lewatobi Lucky Lucky matapos ang sunod-sunod nitong pagsabog nitong weekend.
01:51Umabot sa walo ang naitalang pagputok ng bulkan kung saan nagbuga ito ng abong umabot hanggang 5.5 km ang taas.
01:59Pinag-iingat naman ng otoridad ang mga residente sa loob ng 6 km danger zone at sa posibleng pag-agusa nila ng cold lava kapag umulan.
02:10Joyce Salamadin para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.