Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/15/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipaniliwanag ng mga eksperto kung ano ang mga posibleng dahilan ng pagkapanalo ng mga nanguna sa pagkasenador.
00:07Saksi, si Joseph Moro.
00:12Batay sa partial unofficial results as of 4pm ngayong araw, malinaw na frontrunner si Sen. Bong Go.
00:20Sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research mula sa datos ng COMELEC,
00:24halos kalahati ng boto ni Go base sa lampas 97% na transmitted ng mga election returns galing sa Mindanao,
00:32Eastern Visayas at National Capital Region kung saan nanguna siya sa limang lungsod o bayan.
00:37Sa 26 milyon na boto ni Go, 9 milyon ang galing sa Mindanao, habang lampas 5 milyon naman sa Visayas.
00:44Sa 82 probinsya sa Pilipinas, number one si Go, sa 45 na mga probinsya.
00:50Kabilang sa ilang probinsya sa Cordillera Administrative Region, Batanes, Nuevo Vizcaya at kahit sa latest sa Visayas,
00:57nakilalang baluarte ng mga Marcos at Romualdes.
01:00Paliwanag ng political analyst sa Prof. Gene Franco,
01:04ang mga botong ito para kay Go, suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:08Yung Duterte surge can be attributed to Bongo being number one and also yung nakapagtanim naman din siya in the sense na yung malasakit centers have been closely identified with Bongo.
01:23May mga nagulating number six sa bilangan si Congressman Rodante Marcoleta dahil mababa noon ang numero niya sa mga survey.
01:30Ayon kay Prof. Franco, nakatulong ang suporta ng mga Duterte.
01:33Ang sinasabi nila kasi iglesia, pero ang 2.8 million lang ang populasyon iglesia.
01:40So kahit mag-black voting pa sila, katakataka rin na ganun karami yung nakuha niya.
01:46At saka doon sa 2.8, eh di naman lahat doon registered voters.
01:50Si Marcoleta figured in during the Quadcom hearings.
01:54Kaya si Marcoleta na tubong tarlak, dinala rin ang Mindanao na nagbigay sa kanya na lampas limang milyong boto.
02:01Nakakuha rin siya ng apot-pitong milyong boto sa Luzon Regions at halos tatlong milyon mula sa Visayas.
02:07Ayon sa political analyst na nakausap namin may kinalaman yung sentimiento ng publiko sa nangyayari sa bansa at sa kanila mismo sa resulta ng election 2025.
02:18Like for example, if we're talking about the cases of Bam Aquino and Kiko Pangilinan,
02:26tingin ko po sila yung nagsilbing alternative candidates ng mga votante na sawang-sawan na doon sa pangayan na dalawang political camps,
02:36yung administration versus Duterte camps.
02:40Ang number 2 na si Aquino, top-notcher sa 21 mga probinsya.
02:4514 million sa 20 million niyang mga boto galing sa Luzon at abot 4 million ay sa Visayas.
02:51Pero nakakuha pa rin siya ng lampas-lalawang milyon sa Mindanao.
02:54Bam Aquino packaged himself as really the one who authored yung libreng college tuition.
03:01Then that would have moved some young voters and even the parents to select him.
03:08Secondly, yung ano din, yung the Aquino family name.
03:12Nag-habol naman sa Mindanao si Kiko Pangilinan sa mga huling araw ng kampanya at nakakuha pa ng endorsement sa ilang leader sa Mindanao.
03:20Nakakuha pa si Pangilinan doon ng 1.6 million pero tulad ni Aquino sa Luzon siya tumabo,
03:26lalo sa mga vote-rich na region tulad ng Southern Tagalog, National Capital Region, Central Luzon at Bicol.
03:33Pumanlima siya sa unofficial and partial count.
03:35Sa slate naman ni Pangulong Bongbong Marcos, pasok ang 6 sa kanyang kandidato sa aliyansa.
03:41Sabi ni Dr. Dennis Coronacion,
03:44Aminado si Rep. Toby Tshanko ang campaign manager niyang administration ticket
03:56na naka-apekto sa kanila ang pagsisulong sa impeachment laban kay Vice President Saro Duterte.
04:01As soon as na-file yung impeachment, which I will make it clear, hindi ako pabor, hindi ako kamerima,
04:08nagso-solidify yung Mindanao yun, eh self-inflicted yun eh.
04:13Ito ayon kay Tshanko ang dahilan kung bakit hindi na sila umikot masyado sa Mindanao.
04:18Para sa GMA Integrated nung sako si Joseph Morong ang inyong saksi.
04:23Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:26Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
04:31Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMA.

Recommended