Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kalusugan at pagkakaroon po ng trabaho ang mga nanguna sa mga personal na inaalala ng mga Pilipino basa sa resulta ng Pulse Asia Survey.
00:08Narito po ang aking unang balita.
00:12Sa panahon ngayon, ano nga ba ang urgent concern o seryosong inaalala ng mga Pilipino?
00:18Kalusugan.
00:19Hindi magkasakit kami lahat.
00:21Hindi tayong magkasakit, lalo na anak ko.
00:24Dalawa na lang kami magkasama.
00:26Anak ko, mahirap na kasi. Ang mga gamot ngayon, mamahal.
00:32Isa ring alalahan niyan ng mga Pinoy.
00:34Trabaho.
00:35Mita po ng pera.
00:36Makapagtapos po ng pag-aaral.
00:38Ang gusto ko, makapagtapos yung anak ko sa pag-aaral.
00:41Kahit pa paano, sa hirap ng panahon ngayon, makakuha siya ng magandang kinabukasan.
00:48Ang kanilang mga sagot sumasalamin sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia Survey,
00:53kaugnay sa Filipino's urgent personal and national concerns and the National Administration's performance ratings.
01:00Lumabas kasi rito, nitong June 2025, na mahigit sa kalahati ng mga adults sa bansa, ay may dalawang pinakainaalala sa buhay.
01:08Ang kalusugan o pag-iwas sa mga sakit na nasa 64%.
01:12At pagkakaroon ng maayos na trabaho o mapagpukunan ng kabuhaya na nasa 53%.
01:18Sumunod dito ang pagkakaroon ng ipon.
01:22Makapagtapos ng pag-aaral o mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
01:27At pagkakaroon ng makakain araw-araw.
01:29Paliwanag ng sociologist na si Brother Clifford Sorita.
01:32Ang kinakailangan daw kasi, ayon sa mga pag-aaral, the first need daw ng isang tao is for the person to be able to primarily to survive.
01:42If a person daw exists at makakaagapay siya sa pang-araw-araw na buhay niya, at least mayroon siyang sense of hope na magkaroon siya ng a better life.
01:54The second level of the needs is what they call ngayon security needs.
02:00Kasi sabi nila, aanhin mo daw yung mag-survive ka, pero kung may pangamba naman sa puso mo na hindi ka naman doon o hindi ka mandigtas, hindi naman mag-sustain.
02:12And then finally, the third need sa hierarchy nun is enabling needs.
02:18Sense of purpose naman.
02:19Sa tinatawag ng mga basic human needs na ito, maipaliliwanag daw kung bakit kalusugan ang pinakapangunahin sa ating alalahanin.
02:28Katunayan, innate o natural na raw sa ating lahat yan.
02:32Kaya nga, mayroon tayong matagal ng kasabihang health as well.
02:36Pambansang alalahanin pa rin naman ang inflation.
02:39Habang pumangalawa sa kategoryang ito, ang sahod ng mga manggagawa.
02:42Isinagawa ang nationwide survey mula June 26 to 30, 2025, gamit ang face-to-face interview sa 1,200 na kinatawan, edad 18 taong gulang pataas.
02:53Mayroon itong plus-minus 2.8% error margin at 95% confidence level.
02:59Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
03:04Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:06Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:12Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended