Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/23/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bumigay ang pader ng isang private property sa Antipolo Rizal.
00:04Kasunod nito, rumagas ang bahas sa mga kalsada sa subdivision.
00:08May unang balita si Bea Pinlak.
00:14Nagkukumahog sa pagtakbo ang mga residente ng isang subdivision sa barangay San Jose Antipolo Rizal,
00:20mag-aalas 8 kagabi.
00:22Ilang segundo lang ang lumipas, bigla nang rumaragas ang baha.
00:26Nag-mistulang ilog ang mga kalsada sa lakas ng daloy ng tubig.
00:31Ayon sa mga residenteng nakausap natin, pinasok na ng baha ang kanilang mga bahay.
00:36Hindi naman daw ito gaano nagtagal.
00:38Pero ang iniwan itong bakas, putik at basura.
00:42Nataramta na kami.
00:43Ginawa namin, pinagtataas na lang namin sa mataas na lugar yung mga gamit namin.
00:48Actually, yung iba po, medyo nag-iba po yung bahay nila, yung mga sasakyan na apektohan din po.
00:54At tinangay din po yung mga motor dahil sa lakas po ng volume ng tubig.
00:58Ang ilang residente, inabot na ng madaling araw sa paglilimas ng putik at basura sa bahay nila.
01:04Na perwiso rin pati mga maliliit na negosyo tulad ng tindahan ni Nanay Zephora.
01:09Yung mga panindahan po, yung mga noodles, tinapay, yung mga ibang na dito sa baba,
01:16yun po naman ang naapektuhan na mga uling, mga nabasa po, hindi na po maibibenta yun.
01:21Wala rin po kami tutulugan, baka tutulug kami nakaupo.
01:25Kung baka naano talaga po, pangalawang beses na to eh, kundi hindi na biro.
01:30Ayon sa DRRMO ng Barangay San Jose, pumagos ang baha galing sa kalapit na subdivision
01:36matapos bumigay ang pumapagit ng pader ng isang private property.
01:41Nangyari na rin daw ang ganitong pagbaha nung nakaraang taon.
01:44Dala ng kalikasan, talagang lumalambot ang lupa at ilang araw o ilang linggo na rin naman nag-uulan.
01:52Ganon pa rin ang nangyari.
01:53Nagkaroon siya ng crack ulit, bumigay siya ulit.
01:57Talagang automatic na bumagsap ng konti and then bumigay siya sa pinakailalig niya.
02:02Walang naitalang sugatan sa pagbaha.
02:05Plano ng barangay na makipagpulong kasama ang kinatawan ng dalawang subdivision
02:09at ang may-ari ng private property para matugunan ang problema
02:13at maiwasan ng maulit ang ganitong pagbaha sa lugar.
02:17Sinusubukan pa namin kuhanin ang panig ng kinatawan ng kalapit na subdivision
02:21at ng may-ari ng private property.
02:24Ito ang unang balita.
02:26Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.

Recommended