Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/23/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sugata ng isang lalaki sa Quezon City matapos siyang masaksak ng suspect na hinahanap umano ang karelasyon ng kanyang kinakasama.
00:08At sa Maynila naman, patay sa pamamaril ang isang babae.
00:12Saksi, si Jomar Apres.
00:17Nagkaroon ng masayang salo-salo ang mga residente ng isang barangay sa Sampaloc, Maynila, mag-aalas 11 kagabi,
00:24kasama sa kasiyahan ng 30 anyos na si alias Carmen.
00:26Pero ang kasiyahan na yan, nabahiran ang karahasan nang dumaan ang isang motorsiklo at pinagbabaril ng angkas si Carmen.
00:35Damay at sugatan din sa pamamaril ang dalawang tanod.
00:38Isa sa kanila ang kanyang ka-live-in partner na sinubukan pang habuli ng rider.
00:42Napalingon na muna sa wayn ko pa. Nakita ko na yung nakamotor na pumuputok na ng baril.
00:47Nasa likod mismo kaya sa batok ang tama eh. Tapos dumireto na pag...
00:51Hindi na muna nagbigay ng iba pang angulo ng CCTV ang barangay,
00:54pero lumalabas na namaril pala ulit ang gunman sa gitna ng kanilang pagtakas.
00:59Tapos po mga ilang segundo lang, meron na naman po napaputok.
01:07Bale, tatlong sunod-sunod ulit. Tapos hanggang sa meron pong mga nagsigawan.
01:12Isa sa tinitignang motibo ng polisya ang posibleng love triangle.
01:16Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima,
01:19patuloy ang investigasyon sa insidente at paghahanap sa mga salarin.
01:23Naharap naman sa reklamong frustrated homicide ng isang lalaki matapos manaksak sa barangay Payatas, Quezon City.
01:31Batay sa investigasyon, walang ugnayan o di magkakilala ang sospek at biktima.
01:36Pumunta lamang sa lugar ang sospek dahil hinahanap niya ang karelasyon umano ng kanyang kinakasamang babae.
01:42Nagkataon na napagtanungan niya itong biktima at nung sinagot siya ng biktima na hindi niya kilala yung hinahanap nito,
01:50ay nainis itong sospek at naging simula nung nag-iugat ng kanilang pagtatalo na hanggang sa uwi sa pananaksak.
01:59Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima.
02:02Aminado ang sospek na nasaksak niya ang biktima pero self-defense lang raw ito.
02:06Tumahan po ako rin, may tatanong lang po sana ako sa mga tao rin.
02:12Sabay biglang may init po yung ulo nila, sabay sabi nila,
02:18kuha kayong matalas dun, kaya pinagtanggol ko lang po yung sarili ko kaya po nangyari.
02:24Nagpapasama ako sa kanya para natanong ko sa kanya kung saan naatira si Pangit.
02:33May tatanong lang po sana ako kay Pangit.
02:35Napagalaman din na dati na siyang nakulong noong 2015 dahil sa pananaksak.
02:40Para sa GMA Integrated News, ako si Jomer Apresto, ang inyong saksi.
02:46Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended