Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Karamihan po ng mga miyembro ng Gabinete ang nagsumiti na ng courtesy resignation kasunod ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:08Susuriin daw muna ng Pangulo ang naging trabaho nila para matukoy kung sino-sino ang mananatili sa pwesto.
00:16Saksi, si Ivan Mayrina.
00:17Sa unang episode ng kanyang podcast na ilalabas itong lunes, dalawang leksyon ang binanggit ng Pangulo na natutunan daw ng kanyang administrasyon mula sa naging resulta ng eleksyon 2025.
00:30Una, nagsawa na ang Pilipino sa politika. Sawang-sawa na sa politika. Pangalawa, disappointed ang tao sa servisyo ng gobyerno.
00:44Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang dalaw ng paghubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman.
00:54At dahil dyan, inanunsyo ng Malacanang ngayong araw na pinagsusubitin ang Pangulo ng courtesy resignation ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete kasama mga pinuno ng ahensya at presidential advisor na may cabinet rank.
01:07This is not business as usual, the President said. The people have spoken and they have expected results. Not politics, not excuses. We hear them and we will act.
01:19Hanggang ngayong hapon, mahigit 30 miyembro ng gabinete na ang nagpahayag ng kahandaang magbitiw kung hindi man nagsumiti na ng courtesy resignation alinsulod sa utos ng Pangulo.
01:30Sa mga susunod na araw, susuriin daw ng Pangulo naging performance ng bawat isa sa kanila at kung nagkaroon ng katiwalian sa kanilang mga ahensya.
01:38At saka magpapasya kung sino ang tuluyang sisibakin at kung sino mananatili sa pwesto para tahakin ang direksyon ng pamahalaang naisang Pangulo sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.
01:48Yes, mananatili sila sa kanilang posisyon. Siguro ito yung tamang panahon para ipakita nila na dapat sila manatili sa kanilang posisyon.
01:56Pero kapag nakita po talaga ng Pangulo na hindi mo deserve ang iyong posisyon, you will be out.
02:03At ito ho ba ang panahon na makikita natin from here on again, yung sinasabi ng Pangulo na marahil kailangan ng mas mabagsik pamumuno?
02:13Opo. Umpisa lamang.
02:16Sa gitan ng direktibang courtesy resignation ng Pangulo, umaasa mga business group na mananatili sa pwesto mga kalihim na anilay maayos na nagampanan ang kanilang trabaho.
02:26Sabi ni Makati Business Club Chairman Edgar Chua, very good raw ang economic team ng administrasyon.
02:33Sana raw ay retain ang mga magagaling na kalihim.
02:35Ganito rin ang pahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI.
02:39Umaasa raw sila na kasunod ng courtesy resignations ay magkakaroon ng unlay accountable at merit-based appointments.
02:48May ma-appoint na raw sana agad para hindi magkaproblema sa economic continuity.
02:52Sabi ng Management Association of the Philippines, makahanap sana ang Pangulo na mga tamang taong kaya magpatupad ng plano ng kanyang administrasyon.
03:01Sa presentation ng mga bagong batas sa Malacanang ngayong hapon, present ang ilan sa mga membro ng kanyang gabinete tulad din na DILG Secretary John Vic Remulia, PCO Secretary Jay Ruiz,
03:12DOST Secretary Renato Solidum at DepDev Secretary Arsenio Balisacan na pawang nagsumiti na ng kanilang courtesy resignation.
03:20Idinaan naman ng Pangulo sa Biro ang pagpapabitiw sa kanila.
03:23The Honorable Members of the Cabinet. Teka, may lamang pa ba yung kabinete ko? Who am I addressing now?
03:37We are in flux.
03:41Isa sa mga ipinresentang batas ang pagtatatag ng Department of Economy, Planning and Development o ang dating NEDA.
03:47Bahagi ito ng kagustuhan niyang mas mabilis at mas ramdam na pakinabang ng taong bayan sa mga ginagawa ng pamahalaan.
03:54Magiging katuwang natin ang DepDev sa pagpiyak sa paggamit ng ating pondo na ipapatupad ang programa ng wasto at naghahatid ng pakinabang sa mamamaya.
04:09Para sa GMA Integrated News, Iban Mayrina, ang inyong saksi.
04:13Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended