00:00Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang amyenda sa Republic Act No. 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
00:09Sa ilalim nito, binaba ang multa para sa mga paglabag para sa o para mas mapadali ang pagsunod ng publiko sa batas at maiwasan ng agarang pagkakakulong o pagkakumpiska ng sasakyan.
00:22Mula sa dating 20,000 hanggang 50,000 pesos na multa, ginawa na lang 5,000 piso ang multa sa mga hindi agad makakalipat ng rehistro.
00:32Hindi pa rin pwede ang pagkumpiska ng motorsiklo kung may maipakita ang tamang dokumento ang may-ari.
00:38Kabilang sa batas ang paggamit ng malaki, nababasa at color-coded na number plates para sa lahat ng motorsiklo.