00:00Nakatakda ng simula ngayong araw ang Papal Conclave o Pagpili ng Susunod na Santo Papa.
00:06Nagsagawa naman ang huling pagtitipon ang mga Cardinal Elector.
00:10May balitang pambansa si Gav Villegas ng PTV.
00:15Nagsagawa na ng huling pagtitipon ang mga Cardinal Elector para simulan ang Papal Conclave
00:20o pagpili ng Susunod na Santo Papa na magsisimula ngayong araw.
00:24Sa nasabing pagtitipon, kabilang sa tinalakay ng mga Cardinal ang iba't ibang mga isyo na kinakaharap ng mundo.
00:32Napag-usapan din sa pagtitipon ang mga posibleng Susunod na Santo Papa.
00:36Naging pagkakataon din ito para mas makilala ng mga Cardinal Elector ang isa't isa.
00:41Ayon sa Holy Sea Press Office, alas 10 ng umaga, ora sa Vatican, sisimulan ang pro-heligendo Romano Pontifice
00:49o may isa para sa paghalal ng Santo Papa na gagawin sa St. Peter's Basilica na pangungunahan ni Cardinal Giovanni Matisse Tare din ng College of Cardinals.
00:59Habang mamayang alas 10 naman ang gabi, oras sa Pilipinas, pagpo-prosesyon na ang mga Cardinal Electors patungo sa Sistine Chapel.
01:06Inaasahan bukas ng alauna ng madaling araw, oras sa Pilipinas lalabas ang unang usok mula sa Sistine Chapel.
01:13Kung wala pang nahahalal na bagong Santo Papa, ay magpapatuloy pa rin ang butuhan.
01:19Para naman sa ikalawa at sa mga susunod pang araw ng congrave, may apat na rounds ang magiging butuhan.
01:26Ang unang usok ay lalabas ng alas 4.30 ng hapon, ang ikalawa ay alas 6 ng gabi,
01:33ang ikatlo ay alas 11.30 ng gabi, at ang huling usok ay lalabas ng alauna ng madaling araw, oras sa Pilipinas.
01:40Samantala, may limang pangalan ng Papa Bile ang madalas sumalabas o matunog na pwedeng susunod na Santo Papa.
01:49Inaasahang may mayahalal ng Santo Papa bago matapos ang linggong ito.
01:54Samantala, tatlo naman sa mga Cardinal Electors ay mga Pilipino.
01:58Pabilang rito si Luis Antonio Cardinal Tagle, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,
02:04at Kalaokan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David mula sa People's Television Network.
02:09Dabo Mil de Villegas para sa Balitang Pambansa.