00:00Tiniyak ng LTFRB na gumugulong na ang malalimang investigasyon sa malagim na insidente ng karambola ng mga sasakyan sa SCTEX.
00:08May balitang pambansa si Joy Camarga Brido ng Radyo Pilipinas.
00:14Gumugulong na ang malalimang investigasyon ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board sa nangyaring karambola sa Subic Clark Tarlac Express o SCTEX.
00:24Sa panayaw ng Radyo Pilipinas, sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadis III na paiba-iba kasi ang statement ng driver ng Solid North.
00:34Gumagawa po kami ng isang malalimang investigasyon at kami po ay nagtatanong sa mga pasahero kung ano po ba talaga ang nangyari.
00:43Kasi nga po, paiba-iba po yung statement. May nagsasabi po na nawalan ng freno, may nagsasabi pong nakatulog.
00:51Pero yung statement na Subnaw is nawalan po ng freno.
00:54Base rin sa inisyal na investigasyon ng ahensya, mabilis ang takbo ng pampasaherong bus kung kaya't marami anyang sasakyan ang nadamay at ikinasawi ng labing dalawang individual.
01:06Isa rin sa anggolong tinitingnan ay kung sumobra sa anim na oras ang biyahe ng driver kahapon.
01:11Sa ngayon, naglabas na ng show cost order at preventive suspension ng LTFRB laban sa Solid North.
01:19Alinsunod yan sa utos ni Transportation Secretary Vince Dizon.
01:23Pag-issue na po kami ng preventive suspension, hindi lang po doon sa bus na involved doon sa aksidente but for the entire fleet na bumabiyahi sa rotang yun.
01:34And base po sa amin pong pag-iimbestiga, may labing limang bus na bumabiyahi sa rotang yun.
01:40So lahat po yun are preventively suspended na tumakbo muna for the next 30 days.
01:46Patuloy naman ang pag-alalay ng LTFRB sa mga biktima ng malaghim na aksidente.
01:51Sa katunayan, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa insurance company at pamunuan ng Solid North para maalalayan ang mga biktima.
01:59Mula sa Radyo Pilipinas, Joy Camarga Brido para sa Balitang Pambansa.