00:00Kasabay din ang celebration ng Labor Day ay opisyal ng inilunsad ng pamahalaan ang programang 20 bigas meron na sa Cebu Provincial Government ngayong araw.
00:10Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa lalawigan ng Cebu sa programang handog ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:17Layon ang programa na maihatid sa mga mamamayan ang abot kayang presyo ng mga produkto kasabay ng pagsuporta sa mga lokal na magsasaka.
00:25Ayon sa Department of Agriculture, nasa 4 na milyong individual o 800,000 pamilya ang target na benepisyuhan ng programa sa Regions 6, 7 at 8.
00:36Sa ngayon, prioridad makabili ng 20 pesos na bigas kada kilo ang mga nasa vulnerable sectors, kabilang ang mga miyembro ng 4Ps, may kapansanan, senior citizen at solo parent.
00:47Nauna ng tiniyak ng pamahalaan na maganda ang kalidad ng bigas na ibebenta sa ilalim ng programa.