00:00Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa sa tala ng Philippine Statistics Authority mula 2.16 million unemployed naging 1.94 million.
00:11Habang ang underemployment rate sa bansa ay bumaba sa 10.1% ngayong Pebrero mula sa 12.4% noong Pebrero 2024.
00:22Patuloy rin ang pagbuti ng uri ng mga trabaho kung saan nadagdagan ng 1.7 million.
00:28Ang mga nasa full-time employment, dagdag na 1.1 million para sa mga middle and high profession at dagdag na 151,000 na regular na empleyado.
00:39Dahil ito sa patuloy na pagbibigay prioridad ng pamahalaan sa mga proyekto na lumilikha ng dekalidad na trabaho.
00:47Samantala, ikinalugod ng palasyo ang pagtaas ng employment rate sa bansa.
00:51Ayon kay PCO, Undersecretary at Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, patunay lamang itong efektibo ang ginagawa ng mga hakbang ng pamahalaan para makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino.