Nakausap ng ilang reporters kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Eric Quizon at hiningan ito ng komento tungkol sa nakatakdang paggiba sa Dolphy Theater.
Ani Direk Eric, may partikular na request siya sa mga boss ng ABS-CBN kapag dumating na raw ang panahon ng pagpapagiba sa teatrong ipinangalan sa kanyang yumaong ama na si Comedy King Dolphy.
Ang Dolphy Theater ay nakapuwesto sa loob ng ABS-CBN Compound sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City.
Kamakailan, ibinalita na ang pagbenta ng ABS-CBN Corporation sa property nilang ito sa Ayala Lands, Inc. sa halagang PHP6.2 billion.
Ang makukuhang halaga raw ay ipambabayad sa loans ng kumpanya.
Matatandaang sa kabila ng hindi pagkaka-approve ng Kongreso sa broadcasting franchise renewal ng ABS-CBN nung 2020, ipinilit pa ring itaguyod ng Kapamilya Station ang sarili sa pamamagitan ng paglabas pa rin ng mga programa nito sa iba't ibang platforms at network collaborations.
Naganap ang pagpapasara sa ABS-CBN nung kasagsagan ng pandemya at sa impluwensiya na rin ng noo'y Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte na hayag ang pagkamuhi sa kumpanyang ito ng mga Lopez.
Ano nga kaya ang hiling ni Direk Eric sa mga boss ng ABS-CBN?
Panoorin sa interview na ito.
#PEPvideo #PEPinterviews #EricQuizon
Video: Rommel Gonzales Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv