Na-"put on the spot" si Senator Bong Revilla nang tanungin ng entertainment editor na si Janiz Navida kung ano ang gagawin niya kung sakaling may magpakilala sa kanya na anak niya sa labas.
Natural na pagkatapos ang tanong na ito ay nag-follow up si Janiz kung meron na nga ba siyang anak sa labas.
Dito na inamin ng senador at action star na mayroon nga raw siyang hindi lang isa, kundi, mga anak sa labas.
"Meron... makikilala niyo rin yun... kung sino siya. Kung sino sila," pag-amin pa ng Tolome: Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis lead star.
Alam ba ng misis niyang si Congresswoman Lani Mercado ang tungkol dito?