Tinanong si Coleen Garcia sa PEP Booth nitong katatapos lang na Preview Ball 2024 kung paano niya dinidisiplina ang anak nila ni Billy Crawford na si Amari.
Ayon sa aktres, pinaparanas raw nila sa kanilang nag-iisang anak na lalaki kung anuman ang repercussions ng kakulitang ginagawa niya.
Samantala, tinanong din si Coleen tungkol sa kanyang fashion style ngayong isa na siyang ina at kung ano pa ang mga dapat abangan sa kanya.