Nang MAGKAGALIT sina Kim Molina at Jerald Napoles habang nagsu-shoot ng movie
  • last year
Mahirap bang katrabaho ang karelasyon? Tanong muna kay Kim Molina ng PEP Live co-host na si Tin Baylon.

Kahit na pumapalya ang internet connection ni Tin, naihatid pa rin kahit paano ang tanong niya sa Girlfriend Na Puwede Na star na sumagot naman ng "50/50."

Pero binawi rin ni Kim ang sagot at ikinuwento ang naging situwasyon nila ng kasintahan noong may trabaho sila habang kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Naging madali raw para sa kanila na magkasama sila sa bahay dahil nalalaman agad nila ang kalagayan ng kalusugan ng isa't isa. Nasasabihan agad nila ang production ng proyektong ginagawa nila.

"Kapag may probelma ang isa, o di alam mo na, na hindi matutuloy [ang trabaho]. Kasi kayong dalawa yung lead, e," paliwanag ni Kim.

Nagkasama sa apat na proyekto sina Kim at Jerald habang may pandemya, at ipinalabas lahat ito nung 2021: Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Mang Jose, Ikaw at Ako at Ang Ending, at Sa Haba ng Gabi.

Sa kabila ng kagaangan sa pakikipagtrabaho na sinabi ni Kim, dumaraan din naman daw sila sa mga karaniwang problema ng magkarelasyon. Nagkakaroon ng tampuhan at doon nahihirapan din naman daw sila.

Pero diin ni Kim, nagpapasalamat siya at nagkaroon ng boyfriend na "very intelligent and who can make me understand and balance my life."

Nagagawan daw ni Jerald na malagpasan nila ang kanilang problema at maging propesyunal sa kanilang trabaho.

Pero nang tanungin kung nagkaroon na ba sila ng matinding away, napahinto muna si Kim at saka umamin.

Sa tindi raw ng away nila, muntik pa silang mag-break! At nangyari ito habang may ginagawa silang pelikula.

Kung paano sila nagkabati at nairaos ang pelikula nang hindi ito naaapektuhan ng personal nilang problema ni Jerald, panoorin ang video ng paglalahad ni Kim.

For the full PEP Live interview of Kim, click here: https://youtu.be/MHDDkRJ3F5o

#kimmolina #jeraldnapoles #girlfriendnapuwedena

Hosts: Tin Baylon & Khym Manalo
Video Producer: Rommel Llanes
Video Editor: Neil Cruz

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph
Recommended