Sa susunod na sermunan ka ng ermats o erpats mo na walang kapararakan at kabutihang naidudulot ang paglalaro ng online games tulad ng Mobile Legends (ML), PUBG, at Call Of Duty, ipakita mo ang video na 'to ni Alden Richards.
Sa pamamagitan ng paglalaro ng ML at pag-i-stream nito sa Facebook, nakakalap ng pondo ang Kapuso actor para makabili ng relief goods.
Ipinamahagi niya relief goods noong Huwebes, November 26 sa mga residente ng Marikina City na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Isa ang Marikina sa ilang lugar sa Metro Manila na nakatikim ng matinding hagupit ni Ulysses nang dumating ito sa Pilipinas nung unang linggo ng buwan ng Nobyembre.
Dahil sa ginawang ito ni Alden, tila bagay sa kanya yung isang announcement sa ML: "LEGENDARY!"
Panoorin kung paano nakakalap ng pondo si Alden sa pamamagitan ng paglalaro ng nakakaadik na mobile game na ito.