Chynna Ortaleza gustong magkaroon ng sariling network; emosyunal sa pagpapasara ng ABS-CBN

  • 4 years ago
Sa pangatlo't huling bahagi ng PEP Exclusives interview ni Chynna Ortaleza, ipinagpatuloy nila ng nag-i-interview sa kanyang si Jimpy Anarcon ang kanilang throwback discussion.

Kung nung huling video ay ang pag-start ni Chynna sa TV at pagiging miyembro niya ng kiddie reportorial team ng 5 and Up ang napag-usapan, sa video na ito ngayon ay ang pagpasok na ng Kapuso actress sa pag-arte ang naging simula ng kuwentuhan nila.

Binalikan ni Chynna kung paano siya naging bahagi ng teen-oriented show na Click ng GMA-7 at kung gaano kalayo ang character niya rito sa tunay na pagkatao niya.

Nabanggit din ni Chynna ang ilang karanasan bilang batang aktres na madalas na nadadamay sa mga kumprontasyon sa set dahil sa kanyang pagiging outspoken at pagiging saksi sa ilang "awayan" members ng cast.

Going personal, napagkuwentuhan din nila ng senior staff writer ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging hands-on mom ni Chynna.

Naibida tuloy mother of two na ito kung paano nila sinimulan ng kanyang asawang si Kean Cipriano ang OC Records/Artists House bilang magandang investment nilang mag-asawa at tulong na rin nila sa mga talented individuals na gustong magkaroon ng puwang sa showbiz.

Samantala, naging emosyunal naman si Chynna at pigil ang luhang naglahad kung paanong galit na galit siya nang ipinasara ng gobyerno ang ABS-CBN.

Naging masaya naman ang pagwawakas ng exclusive interview nila ni Jimpy nang sumalang na siya sa pa-challenge ni Jimpy na Guilty or Not Guilty.

Para sa iba pang bahagi ng interview ni Chynna, i-click ang mga link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=qMbvXf51O7Q

https://www.youtube.com/watch?v=08EbDiaRcbI

#chynnaortaleza #chynnaortalezapepexclusives

Interview: Jimpy Anarcon
Video and Editing: Rommel R. Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended