Iza Calzado, tinulungan ng anghel para makilala ang asawang si Ben Wintle? | PEP Exclusives
  • 4 years ago
Sumalang sa PEP Exclusives interview si Iza Calzado para i-promote ang show nila ni Jodi Sta. Maria na "Ang Iyo Ay Akin."

Pero hindi lang tungkol sa show ang napag-usapan, kundi pati na rin ang personal na pinagdaanan ng Kapamilya actress na kapupulutan ng inspirasyon at aral ng mga manonood.

Partikular na ang pananampalataya ni Iza sa Diyos at ang magandang relasyon nila ng asawang si Ben Wintle na siyang nagraos sa dinaanan niyang pagsubok kamakailan.

Pero kinilabutan ang nag-i-interview sa kanyang sina @Rachelle Siazon at Jimpy Anarcon sa kuwento ni Iza kung paano sila nagkakilala ni Ben.

Ayon kay Iza, isang misteryosong babae ang lumapit at tumulong sa kanya noong mga panahon na kagagaling lang niya sa isang breakup at namumroblema dahil sa kanyang amang may sakit.

Sa paniwala ni Iza, may kinalaman ang babaeng ito sa pagdating ni Ben sa kanyang buhay.

"I don't know... totoong tao naman yata siya? Ano ba yun, angel? Parang binigay lang siya ng Panginoon sa akin at that time.

"And then cut to, two months after, I met Ben," lahad ni Iza.

Panoorin ang buong kuwento ni Iza sa kanyang PEP Exclusives interview tungkol sa pambihirang sandali na ito sa kanyang buhay.

Interview: Jimpy Anarcon & Rachelle Siazon
Video and Editing: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Recommended