Kyline Alcantara, umamin na na-bully ng kapwa young actress | PEP Challenge

  • 5 years ago
Sa kanyang PEP Live appearance, sumabak sa PEP Challenge ang young actress na si Kyline Alcantara.

Ang challenge ay Seal or Reveal, kunsaan binigyan ng tatlong envelope si Kyline. May lamang mga nakasulat na tanong ang bawat envelope. Babasahin muna ni Kyline sa sarili ang bawat tanong at magdedesisyon kung sasagutin niya ang tanong (Reveal) o hindi (Seal).

Kung hindi niya sasagutin, kailangang uminom siya ng laman ng bawat baso na katapat ng bawat envelope.

Sa unang envelope na binuksan, binasa at sinagot ni Kyline ang tanong.

"Kung may kapwa artista kang bibigyan ng Black Lipstick, sino ito at bakit?"

Ang nabanggit na lipstick ang misteryosong pampaganda na ginamit ng character ni Kyline sa launching movie niyang Black Lipstick. Isang teenager na may skin condition na vitiligo ang ginagampanan ni Kyline, na nagbabago ang anyo pagkatapos gamitin ang nasabing lipstick.

Sagot ni Kyline kung sino ang artistang bibigyan ng Black Lipstick, "Ang aking mahal na mahal na si Tekla."

Kasamahan ni Kyline ang komedyanteng si Super Tekla sa Sunday PinaSaya.

Hindi naman sinagot ni Kyline ang tanong sa pangalawang envelope na binuksan. At dahil doon, kinailangan niyang inumin ang laman ng basong katapat ng envelope.

Sa pangatlong envelope, binasa muna ni Kyline sa sarili ang tanong at saka nagdesisyon na basahin na rin ito para sa PEP Live.

"Sino ang artistang nam-bully sa iyo noon at ano ang mensahe mo sa kanya?"

Panoorin ang video nang malaman ang sagot ni Kyline.

Para sa full version ng kanyang PEP Live, click here: https://www.youtube.com/watch?v=li3qpTvX6n4

#kylinealcantara #blacklipstick #pepchallenge #peplive

Host: James Patrick Anarcon
Shoot Producer: Rommel Llanes
Director: Jean Saturnino
Videographers: Kim Gan and Vincent Mendez


Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Recommended