Dimples Romana: "Magkita-kita tayo pagkatapos ng unos na ito."

  • 4 years ago
Nagbigay ng mensahe ng pag-asa at mga salitang pampalakas ng loob ang Kapamilya actress na si Dimples Romana.

Katulad ng lahat ng nakakaranas ng krisis na ito dulot ng COVID-19, nasa bahay lang muna si Dimples at ang kanyang pamilya.

Nagpaunlak naman ng maikli ngunit makabuluhang mensahe ang mahusay na aktres nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa kanyang maikling mensahe, hinikayat niya ang lahat na patuloy na magdasal at palakasin ang loob ng isa't isa.

Nagpasalamat din si Dimples sa lahat ng frontliners at iba pang nagsasakripisyo na malayo sa kani-kanilang mga pamilya't mahal sa buhay para lang makapagbigay-serbisyo sa komunidad.

Heto ang kabuuan ng mensahe ni Dimples:

"Ito pong mga nakaraang araw ay hindi naging madali para sa ating lahat.

"Sabay-sabay po tayong nagdarasal para sa isa't isa.

"Kadalasan po, nakakaramdam tayo ng pag-aalala, hindi lang para sa ating mga sarili kundi para din sa ating mga pamilya at sampu pa ng ating mga kababayan sa ating mga komunidad.

"Sa bawat araw po na dumadaan ay nagdadasal ako na ang aking mga anak ay mayroong magandang kinabukasan na hinaharap.

"Nagdadasal po ako na sana ay protektado ang bawat pamilya ko na nandidito sa tahanan at ang mga pamilya ko na malayo sa amin.

"Kasama pa po ang libu-libong mga taong patuloy na nagsasakripisyo para sa ating lahat ang atin pong mga minamahal at magigiting na frontliners.

"Lahat po ng araw-araw ay patuloy na lumalabas at nalalayo sa kanilang mga pamilya para makapagbigay ng serbisyo sa atin at sa ating mga komunidad, lubos po ang aking pasasalamat.

"Kaya naman po sa araw-araw na dumadaan, kasama kayong lahat sa aking mga dasalin.

"At sana dumating and araw na muli po tayong makalabas ng ating mga tahanan at mayakap ang ating mga minamahal nang mahigpit, mahalikan sila, at masabi sa kanila kung gaano sila kaimportante sa ating buhay.

"Sana po ay patuloy nating palakasin ang loob ng isa't isa.

"Mabuhay po kayong lahat at magkita-kita tayo pagkatapos po ng unos na ito."

#dimplesromana #enhancedcommunityquarantine #frontliners #covid19

Video gathered by James Patrick Anarcon
Edited by Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph

Recommended