Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Kahit mga alagang hayop, puwede ring mapuruhan ng Leptospirosis—
gaya ng furbaby ni Heart Evangelista na si "Panda."
Ang mga sintomas ng sakit na 'yan, alamin!


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahit mga alagang hayop, pwede rin mapuruhan ng leptospirosis,
00:05gaya ng fur baby ni Hart Evangelista na si Panda.
00:08Ang mga sintomas niyan sa mga hayop, alamin sa pagtutok ni Katrina Son.
00:15Sa video na in-upload ni Kapuso Global Fashion Icon Hart Evangelista,
00:20nakaka-caption na isang leptospirosis survivor ang kanyang fur baby na si Panda.
00:25Nang may magtanong kung lumusong ba sa bahas si Panda,
00:28sinagot ni Hart, siya ang lumusong sa baha at kasama lang daw niya sa sakyan si Panda.
00:35Tingin daw niya baka kontaminado ang kanyang pantalon at sapatos at doon nakuha ni Panda ang bakteriya.
00:42Sabi ng isang vet, delikado at nakamamatay rin sa mga hayop ang leptospirosis.
00:47Ang baboy, ang kambing, ang baka at kalabaw, kapag na-expose po sila sa baha,
00:55pwede po silang magkaroon ng leptospirosis.
00:59So, lalo na po yung mga alaga natin, yung aso po, they're highly susceptible to it.
01:05Kahit hindi lumusong sa baha, may chance ang mahawa nito kapag napasukan o napatakan ng kontaminadong baha sa mata,
01:12bibig o sugat kung meron man.
01:15Kaya kung may baha sa lugar, magpatingin sa veterinaryo para agad mabigyan ng oral prophylaxis ang mga alaga.
01:22Kabilang sa mga sintomas nito ang pananamlay, hindi pagkain at pananakit ng kalamnat.
01:29Pinakadalikadong sintomas ang hirap sa pag-ihik.
01:32Pag ganito, dapat nang pumunta sa veterinaryo.
01:35The manifestation po ng leptospirosis usually po nasa two weeks yun from the exposure.
01:42Pero huwag po natin hintayin na mag-develop muna ng symptoms.
01:46Kasi po, the symptoms of leptospirosis can be confused for other diseases until na narrow down ng doktor.
01:55Makakatulong din daw ang kumpleto sa bakuna ang mga fur baby.
02:00Ang ilang fur parents, todong pag-iingat daw sa kanilang mga alaga.
02:04Hindi po papalabasin ng bahay para po hindi po siya magkasakit, magkalip kasperosis.
02:09Pagka umuulan po ganyan, hindi po namin nilalabas. Teis lang po sa bahay.
02:14Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, Nakatutok 24 Horas.

Recommended