- yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 4, 2025
- Nationwide voter registration, magtatagal hanggang August 10; special registration, isinagawa sa piling malls, LRT stations, at iba pa | Comelec: 1M ang inaasahang magpapa-register na bagong botante; nasa 200,000 na ang naitatala ngayon
- Ilang motorista, tiniketan sa random road worthiness inspection sa McArthur Highway
- Pag-ban sa street parking sa mga piling oras sa NCR, isinusulong ng DILG at MMDA | Ilang motorista,nangangambang maapektuhan ang kabuhayan nila sakaling ipatupad ang ban sa street parking sa NCR
- "Oplan: Stop, Plate, and Go," inilunsad ng LTO at DOTr para mapabilis ang distribusyon ng mga plaka ng motorsiklo
- DOTr: Bibigyan ng libreng single journey ticket ang mga pasaherong makakaranas ng aberya sa cashless payment sa MRT
- DOTr: Mga waterway sa paligid ng NLEX, Lilinisin para maiwasan ang matinding pagbaha roon
- Sen. Loren Legarda: Dapat hintayin ang apela ng Kamara bago talakayin ng Senado ang desisyon ng SC sa impeachment ni VP Sara Duterte | Sen. Rodante Marcoleta: Bakit maghihintay pa ng motion for reconsideration kung "immediately executory" na ang pasya ng SC sa VP Duterte impeachment?
- IBP: Dapat sundin ang desisyon ng SC na nagdeklarang unconstitutional ang articles of impeachment vs. VP Duterte | Dating IBP Pres. Atty. Cayosa: Magkakaibang pananaw sa impeachment ni VP Duterte, makakatulong para mas mapalalim ang pagtalakay sa issue
- Bea Alonzo sa relasyon nila ng businessman na si Vincent Co: "We're together" | Carla Abellana, confirmed na nasa dating stage | Barbie Forteza, spotted na ka-holding hands si Jameson Blake sa GMA Gala 2025
- Shuvee Etrata, bibida sa kaniyang life story sa Magpakailanman sa August 9, 8:15 PM
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Nationwide voter registration, magtatagal hanggang August 10; special registration, isinagawa sa piling malls, LRT stations, at iba pa | Comelec: 1M ang inaasahang magpapa-register na bagong botante; nasa 200,000 na ang naitatala ngayon
- Ilang motorista, tiniketan sa random road worthiness inspection sa McArthur Highway
- Pag-ban sa street parking sa mga piling oras sa NCR, isinusulong ng DILG at MMDA | Ilang motorista,nangangambang maapektuhan ang kabuhayan nila sakaling ipatupad ang ban sa street parking sa NCR
- "Oplan: Stop, Plate, and Go," inilunsad ng LTO at DOTr para mapabilis ang distribusyon ng mga plaka ng motorsiklo
- DOTr: Bibigyan ng libreng single journey ticket ang mga pasaherong makakaranas ng aberya sa cashless payment sa MRT
- DOTr: Mga waterway sa paligid ng NLEX, Lilinisin para maiwasan ang matinding pagbaha roon
- Sen. Loren Legarda: Dapat hintayin ang apela ng Kamara bago talakayin ng Senado ang desisyon ng SC sa impeachment ni VP Sara Duterte | Sen. Rodante Marcoleta: Bakit maghihintay pa ng motion for reconsideration kung "immediately executory" na ang pasya ng SC sa VP Duterte impeachment?
- IBP: Dapat sundin ang desisyon ng SC na nagdeklarang unconstitutional ang articles of impeachment vs. VP Duterte | Dating IBP Pres. Atty. Cayosa: Magkakaibang pananaw sa impeachment ni VP Duterte, makakatulong para mas mapalalim ang pagtalakay sa issue
- Bea Alonzo sa relasyon nila ng businessman na si Vincent Co: "We're together" | Carla Abellana, confirmed na nasa dating stage | Barbie Forteza, spotted na ka-holding hands si Jameson Blake sa GMA Gala 2025
- Shuvee Etrata, bibida sa kaniyang life story sa Magpakailanman sa August 9, 8:15 PM
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:30Marias, kaninang 6 pa lang ay meron ng mga nakapila rito dahil 5 to 7 minutes lang po ay tapos na yung proseso ng pagrehistro bilang botante dito sa LRT 2 Recto Avenue at iba pang special registration anywhere, anytime program o SRAP sites na binuksan ng COMELEC.
00:49Marias, kaninang 6 na araw pa para sa mga nais mag-register para makaboto sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa Desyembre A1.
01:01Hanggang August 10 na lang ang nationwide voter registration.
01:05Bukod sa COMELEC offices, isa itong LRT 2 Recto Station sa mga lugar kung saan pwedeng magparehistro.
01:11Sa Metro Manila, meron ding special registration of voters sa mga piling mall, LRT Station, Eskwelahan, Park, Bus Station at iba pa.
01:21Ayon sa COMELEC, target dito yung mga empleyado, estudyante at commuter nakahabol sa voter registration, lalo na yung hindi talaga nakakapunta sa mga COMELEC office dahil sa kanilang schedule.
01:33Meron tayo susunod, PITX, meron din tayo sa Hospital ng Maynila, meron tayo sa terminal ng Palipara natin,
01:42at the same time, meron din tayo sa mga lugar kung saan nandiyon yung call centers ng nagtatrabaho yung ating mga kababayan.
01:49Kahit gabi, pwede magparehistro.
01:51Para ma-accommodate natin, yung mga kababayan natin na nagtatrabaho, hindi nakakaalis sa kanilang pinagtatrabahuhan.
01:57Basta kung saan nagkukumpulan yung mga tao, kung saan madami lagi ng mga kababayan natin, lalo na kapag sila halimbawa nagbabiyahe, umuwi.
02:06Pwede mag-register ang mga ngayoy 14 anyos basta't pagdating ng mismong araw ng eleksyon ay 15 anyos na.
02:14Sa ngayon, nasa 6,000 na ang nagpaparehistro sa Labinsyam na special registration sites ng COMELEC.
02:2073% daw dito ay mga first-time voter.
02:23Ayon sa COMELEC, kinumpirma na ng Malacanang sa kanila na posibleng lagdaan ng Pangulo sa August 12
02:29ang panukalang batas na nagpapahaba sa termino ng barangay at SK officials sa apat na taon mula sa tatlong taon.
02:37Nakapaloob din dito ang pagpapaliban sa BSKE na mula December 1, 2025 ay magiging November 2, 2026 na.
02:45Ang registration natin sa kasalukuin ay tatagal lamang hanggang adjust ng Agosto.
02:51Subalit kung sakali na ito ay mapospon ang eleksyon at maging next year na,
02:56muli kami mag-re-resume ng registration sa October 3rd week at ito ay maaaring tumagal hanggang July of next year naman.
03:05Matuloy man o hindi sa Desyembre auno, nakahanda raw ang COMELEC na tumalima sa magiging desisyon ng Pangulo.
03:12Ayon sa COMELEC, 1 milyon ang inaasahan nilang magpaparegister na bagong butante.
03:18Sa ngayon, nasa 200,000 na raw ang naitatala nilang nagpaparehistro.
03:26Maris, sabi ng COMELEC, sasalain pa naman yung mga registration na natatanggap nila.
03:32At kung magka problema daw sa inyong registration, ay makakatanggap po kayo ng liha mula sa local COMELEC office by August 20 po.
03:39At dito na malalaman kung ano yung pwede niyong gawin para umusad pa rin ang inyong registration.
03:45At yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
03:48Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.
03:51Ilang motorista ang tinikitan sa Valenzuela ng Special Action and Intelligence Committee for Inspection
03:57ng Department of Transportation at Philippine Coast Guard dahil sa iba't-ibang paglabag.
04:02May unang balita live ni EJ Gomez.
04:06EJ.
04:07Igan isinasagawa nga ngayong umaga ng PCG at DOTR's Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC
04:19itong random road worthiness inspection dito sa kahabaan itong MacArthur Highway sa Valenzuela City.
04:26Wala pang 15 minutos nang magsimula ang operasyon ay hindi bababa sa limang motorista na ang natikitan o nakitaan na ng violation.
04:39Isang rider ang natikitan dahil walang suot na helmet ang angkas niyang anak na iyahatid daw niya sa eskwela.
04:46Tatlong magkakaangkas din ang nahuli dahil overloading.
04:50Mayroon ding natikitan naman dahil hindi akma ang gamit na helmet ng angkas pang bisikleta ang suot niya.
04:58May isang bus din ang natikitan dahil sa violation ng worn-out tire at hindi pagpaskil ng fare matrix.
05:05Isang jeepney driver din ang nakitaan ng violation dahil expired na ang rehistro ng kanyang sasakyan.
05:11Sinabi niyang kakarehistro lang daw niya pero wala siyang maipakitang dokumento kaya tinikitan siya.
05:16Mayroon ding rider na sinita pero humarurot sa pagtakas.
05:21Narito ang pahayag ng ilan sa mga motorista na natikitan, gayon din ang ilang opisyal ng DOT are sa it.
05:26Sa initial violation niya hindi siya naka seatbelt.
05:41Pangalwa nung na-verify po natin yung mapel, expired po yung kanyang rehistro.
05:45May 31, 2025.
05:48Kaya dapat nakarehistro na siya po renewal.
05:50E ano na po ngayon, August na ngayon eh.
05:54Walang helmet.
05:55Ayoy saot kasi masakit daw sa ipit.
05:57E malapit lang din naman kaya hindi namin pinasaot.
06:01Po yung ating mga driver at mga operator na mga pampublikong sasakyan ay nabibigyan po natin ng paalala
06:08na kinakailangan po ay ma-maintain pa rin nila ng maayos yung kanilang mga sasakyan
06:13para naman po itong ating mga kababayan ay maihatid nila ng ligtas at nasa maayos na kondisyon.
06:24Igan, ayan nakikita ninyo, napatuloy yung ginagawang inspeksyon dito ng PCG at DOT are sa ikmatinig sila
06:31sa mga dumadaan or nakikita nila mga motorista lalo na yung overloading at yung mga walang helmet.
06:37Tapos sinicheck nila kung dala ba nila yung kanilang mga lisensya at dokumento ng kanilang mga motorsiklo.
06:43Tapos dito yung lagay ng traffic sa mga puntong ito ay medyo mabigat na dahil nga rush hour na.
06:49Ayon doon sa nakausap nating psych official, ito ay magtatagal pa ng mga isang oras
06:53at inaasahan na mas madadagdagan pa yung bilang ng mga violators dito nga sa kalsadang ito
06:59ng MacArthur Highway sa Valenzuela City.
07:02Yan ang latest, wala po dito sa Valenzuela.
07:04Ite Gomez, para sa GMA, Integrated News.
07:11Para makatulog sa pagresolta ng traffic sa Metro Manila,
07:14sinusulong ngayon ng partial ban sa pagparada ng mga sasakyan sa mga banketa
07:19o gilid ng kalsada sa NCR.
07:22May unang balita live si Bam Alegro.
07:25Bam!
07:26Ngayon, good morning.
07:31Mungkahi na no parking sa piling oras sa mga pampublikong mga kalsada.
07:35E, approve naman kaya yan sa mga motorista.
07:37Yan ang ating inalam sa street hirin.
07:40Para maibsan ng traffic, patuloy ang diskusyon at konsultasyon ng DILG at MMDA
07:44kung paano nga ba dapat ang polisiya sa street parking.
07:48Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia,
07:505am to 10pm ang kanilang rekomendasyon na street parking ban sa Metro Manila.
07:55Pagbabawal naman sa side street parking tuwing rush hour,
07:58ang mungkahi ng MMDA, 7am to 10am at 5pm to 8pm.
08:02Para naman sa Metro Manila Council,
08:04sa pamamagitan pa rin dapat ito ng mga ordinansa at rekomendasyon ng LGU,
08:08lalo kung hindi naman primary road.
08:11Naiintindihan naman daw ng motoristang si Michael Oyao kung bakit kailangan ito gawin.
08:15Sa bagay, para maiwasan yung traffic, hindi na kaabalas sa mga sasakyan.
08:23Hindi naman sang-ayon dito ang ambulance driver na si Jimmy Sacro.
08:26Mayroon pa rin.
08:27Siyempre, tulad sa amin, lalo ngayon sa amin,
08:31nagayang driver din ako, kailangan talaga na mayroon talagang parking na.
08:36Pusible naman daw maapektuan ang kabuhayan ng mga tricycle driver tulad ni Sunny Barion sa ganitong mga hakbang.
08:42Di tulad niyan, dito kami, nakapila kami rito.
08:45Hindi naman kami pwede yung kami basta a-aals dito dahil una, dito kami naghahan na buhay.
08:50Dito kami kumuha ng pangaraw-araw dito sa bahay.
08:54Pangalaman naman naman sir, kung tatangla ito ng parking,
08:57yung iba naman, may ibang sasakyan din.
09:01Wala rin ma-parkingan.
09:02Talaga, doon talaga pa-parking talaga sa labas.
09:05So again, September 1, magkakaalaman, kaug na yun itong final version nitong mga pulisiya sa street parking.
09:16Ito ang unang balita, malarito sa Makati, Bama Legre para sa GMA Integrated News.
09:21Dulunzad ang Land Transportation Office, LTO, Department of Transportation,
09:24ang programang OPLAN, Stop, Plate and Go.
09:28Sa ilalong programa, mga toan ng LTO mismo ang mamimigay ng mga plaka ng mga motorsiklo na hindi pa nakukuha ng mga may-ari.
09:36Magde-deploy ng LTO patrol vehicles na may dalang mga plaka sa Metro Manila,
09:40Central Zone at Calabar Zone at magkakaroon ng mga checkpoint na operasyon.
09:45Paparahin po ang mga motorsiklong walang plaka at kung dala ng LTO ang plaka, ibibigay agad nila ito.
09:52Kung hindi pa available ang plaka, tutulungan ng enforcers ang driver na itrack ang status ng kanilang license plate.
10:01Simula ngayong araw, magbibigay ng libre single journey tickets ang MRT3 sakaling magkaaberya sa cashless payment.
10:09Ayon sa Department of Transportation, ipinatutupad yan habang nasa pilot run pa ang cashless payment system.
10:15Pumunta lang daw sa ticket booth at ipakita ang katunayan na nag-error nga ang transaksyon gamit ang debit o credit card, QR code at NFC-enabled mobile devices.
10:27Sinimula ang ipatupad ang cashless payment sa MRT3 noong July 25.
10:34Sisimulan ngayong araw ang pag-aayos ng mga drainage para mayuwasan ang matinding pagbaha sa North Luzon Expressway.
10:40Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pagtutulungan ng DOTR, Department of Public Works and Highways, NLEX Corporation,
10:48at lokal na pamahalaan ng Valenzuela at Maykawayan, Bulacan, ang paglilinis sa sampung waterway sa paligid ng NLEX.
10:55May iba rin daw rito ang paluluwagin at palalalimin.
10:58Layon daw nitong hindi na maulit ang matinding pagbaha na naranasan sa Expressway noong paghagupit ng haing habagat na pinalakas ng mga nagdaambagyo.
11:06Inaasahan ng DOTR na magpapatuloy ang proyektos ng dalawa hanggang tatlong linggo.
11:21Kaunay sa sunod na hakbang ng Senado sa impeachment ni Vice President Sara Duterte,
11:26naniniwala si Senadora Loren Legano na dapat hintayin muna ang apila ng Kamara sa Korte Suprema.
11:32Sabi naman ni Senador Dante Marcoleta, pakitihintayin pa, gayong immediately executory na ang desisyon ng Korte Suprema.
11:42May unang balita si Mav Gonzalez.
11:43Bago patalakayin ng Senado ang ruling ng Korte Suprema sa impeachment ni Vice President Sara Duterte,
11:53tingin ni Senador Loren Legano, mas mainam hintayin muna ang ihahaing motion for reconsideration ng Kamara.
11:59Dapat daw magkaroon ng due process. Ano man ang personal na paniniwala sa issue.
12:04We should not decide prematurely until the House of Representatives had exhausted all legal remedies.
12:14Rinirespeto ko ang naging ruling ng Supreme Court. May MR na hahain. We'll take it from there.
12:23Sa pagkakatandaro ni Legarda, dapat mag-convene sila ulit bilang Senate Impeachment Court para talakayin ito.
12:29I'm not certain that was discussed in the caucus, but if I'm not mistaken, in the previous Congress,
12:37there was a commitment to reconvene as an impeachment court in the new Congress.
12:44Pero kung si Senador Rodante Marcoleta ang tatanungin, bakit para maghihintay ng motion for reconsideration?
12:50Noong mag-Cocos ang mga Senador noong Martes, tinanong niya raw ang mga kapwa Senador
12:55kung tingin nila may kahit isang Supreme Court Justice na magbabago ang isip dahil sa MR.
13:01Bakit paan niya sila maghihintay sa wala?
13:03Sa tagal na raw niyang litigation lawyer, pag ganito ang tenor ng desisyon
13:07at sinabi pa ng Korte Suprema na immediately executory,
13:11ang ibig sabihin daw nito ay sinasara na lahat ng pintuan para mag-motion for reconsideration.
13:17Dagdag ni Senador Bato de la Rosa, base sa desisyon ng mayorya ang mga aksyon ng Senado
13:22at napagkasundoan nila ang August 6.
13:25Kung baguhin man ani yan ang Korte Suprema ang desisyon nito dahil sa MR ng Kamara,
13:30palagay niya ay pwede rin baguhin ang Senado ang desisyon nila.
13:34Wala raw dapat ipag-alala rito ang Kamara.
13:37Sinusubukan pang makuha ang reaksyon dito ng Kamara.
13:40Bagamat nauna na silang naghayag ng pangamba na baka pagbotohan ng Senado
13:44ang impeachment ruling ng Korte Suprema
13:46nang hindi pa nahihintay ang kanilang ihahahing MR bago mag-August 9.
13:50Ito ang unang balita.
13:52Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
13:55Tignin ni Dato Integrated Bar of the Philippines, IBP President Attony Domingo Cayosa.
14:09Hindi pa dapat sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
14:13maging efektibo ang bagong requirements na binanggit sa desisyon ng Korte Suprema.
14:19Ayon naman sa IBP, dapat respetuhin ang desisyon ng kataasta sa hukuman.
14:23May unang balita si Sandra Aguinaldo.
14:28Sa kitna ng patuloy na debate kognized sa impeachment ni Vice President Sara Duterte,
14:33naglabas ng pahayag ang Integrated Bar of the Philippines
14:36na nananawagang sundin ang desisyon ng Korte Suprema
14:40na nagdeklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment laban sa BICE.
14:46Nagbabala ang IBP laban sa panawagang pagsuway sa desisyon ng Supreme Court
14:50dahil sisirain daw nito ang pundasyon ng legal order
14:54o yung batas at alituntunin na pinapatupad sa isang lipunan.
14:59Bantaan nila ito sa balanse ng kapangyarihan at integridad ng democratic institutions
15:04gayong meron pa naman mga legal remedy sa loob ng saligang batas.
15:08Si Rep. Joel Chua, member ng House Prosecution Panel,
15:13hindi sangayon sa pahayag ng IBP na uunawaan niya ang pinagbumula ng IBP.
15:19Pero ang Kamara niya ang ma-eksklusibong kapangyarihan
15:21na isulong ang Articles of Impeachment alinsunod sa konstitusyon.
15:27Ang desisyon niya ng Supreme Court ay nagsusuplant o nagpapalit,
15:31nag-e-expad o nagpapalawak at nagdadagdag sa anumang nakasaad sa konstitusyon.
15:37Bago nito, mahigit 80 faculty member ng UP College of Law
15:41ang nagsabi sa isang pahayag na nababahala sila sa desisyon ng Supreme Court
15:46na nagpahinaan nila sa impeachment proceedings.
15:50May kapagyarihan daw ang kongreso sa ilalim ng konstitusyon
15:53at nararapat itong bigyang laya sa kanilang mga procedure
15:57at pagsasagawa ng impeachment.
15:59Ayon kay dating IBP President Atty. Domingo Cayosa,
16:03may pagkakaiba man ang pananaw ng dalawang grupo ng mga abugado
16:07makabubuti ito para mapalalim ang pagtalakay sa issue.
16:12Lalo't di pa naman pinal ang desisyon ng Supreme Court
16:15at pwede pang mag-file ng motion for reconsideration.
16:29Nakakama din naman ang Supreme Court eh.
16:33In a number of instances, the Supreme Court has corrected itself and reversed its own ruling.
16:39Isa raw sa maring tingnan ay ang pano ka lang gawing prospective ang desisyon
16:44o ipatupad na lang sa hinarap at hindi ngayon.
16:47Paurong ito eh kasi kung titignan mo,
16:50nagdagdag ng mga requirements wala naman sa konstitusyon
16:54and worse, it makes holding them accountable more difficult.
17:00Yung itong issue na ito, it will affect future generations
17:04kung it will remain as it is.
17:07Ito ang unang balita.
17:09Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
17:12Blooming sa GMA Gala 2025,
17:21ang dalawang bumida sa Widow's War
17:23na may revelations sa kanil-kanilang love life.
17:26Si Bea Alonzo kinumpirmang in a relationship na sila
17:29ng businessman na si Vincent Ko.
17:31Very happy daw si Bea ngayon
17:33at gusto niyang manatiling in private ang kanilang relasyon.
17:36On dating stage naman daw si Carla Abeliana.
17:39Hindi niya nireveal kung sino ang kasama sa isang dinner two weeks ago.
17:42Baka masundan pa rin ang kanilang date na yan.
17:46Yay! Katawa naman.
17:48So at talang ito, solo flight din sa blue carpet si P77
17:53at Beauty Empire star Barbie Forteza.
17:56Pero sa venue, naispatan siya naka-holding hands
18:01ang actor na si Jameson Blake.
18:04Dati nang sinabi ni Barbie na good friend niya si Jameson.
18:07Cute!
18:07Naisa rao ngayon sa kanyang running bodies.
18:12Nagsimula ang friendship nila nang magkasama sa isang movie project.
18:17Uy!
18:19Bagay sila!
18:20Actually!
18:20Ibida sa kanya mismong life story sa magpakailanman ang ating island girl na si Shuvie Etrata.
18:32Sa behind the scenes, ipinakita ang emotional moment na dapat abangan sa upcoming episode na pinamagatang
18:38the Pinoy Big Bread winner, the Shuvie Etrata story.
18:41Hindi mapigilan ni Shuvie ang pag-iyak kahit tapos na ang take.
18:44Ilan sa makakasama niya sa episode ay sina Charmaine Arnaiz, Gabby Eigenman, Christian Antolin at Cloud7 member Migs Diokno.
18:54Mapapanood na yan this August 9, 8.15pm sa GMA.
18:58Aww.
19:01Wow.
19:03Kapuso, mauna ka sa mga balita.
19:05Panoorin lamang ang unang balita sa unang hirit at iba pang award-winning newscast sa youtube.com slash GMA News.
19:11I-click lamang ang subscribe button.
19:13Sa mga kapuso abroad, maaari kaming masubaybayan sa GMA Pinoy TV at www.gmanews.tv.
19:20KAMPANOWSKA.
19:22KAMPANOWSKA.
19:23KAMPANOWSKA.
19:24KAMPANOWSKA.
19:25KAMPANOWSKA.
19:26KAMPANOWSKA.
19:27KAMPANOWSKA.
19:28KAMPANOWSKA.
19:29KAMPANOWSKA.
19:30KAMPANOWSKA.
19:31KAMPANOWSKA.
19:32KAMPANOWSKA.
19:33KAMPANOWSKA.
19:34KAMPANOWSKA.
19:35KAMPANOWSKA.
19:36KAMPANOWSKA.
19:37KAMPANOWSKA.
19:38KAMPANOWSKA.
19:39KAMPANOWSKA.
19:41KAMPANOWSKA.
19:42KAMPANOWSKA.
19:43KAMPANOWSKA.
Recommended
17:44
|
Up next