Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
MIL 101 | Ano nga ba ang mga halimbawa ng cyberlibel at online defamation?

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At sa simpleng post, comment, or rant online, ay maaari kayong makulong.
00:05Sa panahon ng social media, mabilis mag-post at mag-chat ng mga issue, detalye, o paratang tungkol sa isang tao.
00:13Pero kung digital ang chika, aba, mabilis rin ang magkaso.
00:17Ang paninirang puri online o cyber libel at online defamation ay may mabigat na parusa sa ilalim ng batas.
00:25Ayon sa Cybercrime Prevention Act of 2012, ang napatunayang nagkasala dito ay maaaring makulong ng hanggang labing dalawang taon sa isang maling akusasyon, meme, o mapanirang komento.
00:40Alamin natin kung ano-ano ang mga halimbawa ng cyber libel sa Pilipinas at paano ito maiiwasan dito lang sa MIL 101.
00:50At para gabayan tayo tungkol sa cyber libel at online defamation, lalo na pagdating sa usaping legal.
01:00Mga kapalayan po natin this morning, ang abogado ng bayan, Attyrny Hayes Mekking.
01:06Attyrny, magandang umaga. Rise and shine. Welcome dito.
01:08Good morning, Prof.
01:09Alright, Attyrny, ano po ba ang ibig sabihin ng cyber libel at paano ito naiiba sa tinatawag nating online defamation o paninirang puri online?
01:21Okay, ang cyber libel kasi, ito ay isang krimen na nangyayari sa online.
01:29We use the digital, the computer system, and usually posted on social media, even on vlogs, blogs, and websites.
01:39And it also includes the one posted on group chats.
01:43Okay.
01:43So usually, the difference between online, the cyber libel, and the ordinary libel is that gumagamit ng computer, gumagamit ito.
01:53This is done digitally, no?
01:55So basta yung platform ay through online?
01:59Through online, yes.
02:00Okay, so whether ang gamit ay group chats, or kaya postings, blogs, websites, and even videos, syempre.
02:07Yeah, basta nakapost ito.
02:09Because you cannot do that without posting, eh.
02:12Okay.
02:13I understand this is under the Republic Act 10175, or the Cybercrime Prevention Act of 2012.
02:19Yes, yes.
02:19How does it differ doon sa libel under revised penal code?
02:22Ang libel kasi, ito ay ordinary libel, tinatawag, no?
02:26Okay.
02:27Nakasulat laang, hindi naman online.
02:29Pwede kong isulat sa papel, basta nakasulat siya, but not online.
02:34That's the ordinary difference.
02:35And there's another libel, which is oral.
02:38Okay.
02:38We call it slander.
02:39Okay, yun.
02:40So, there are three kinds actually, no?
02:43Generally, we have the cyber libel posted online, or you use the digital, the computer, the social media.
02:49And the second one is the oral defamation, which is the slander, kasi verbal na pinahiya ka.
02:55Okay.
02:55Kasi, niyora ka ng iyong pagkatao, ang reputasyon na damage, at saka yung pagpapahiya.
03:02Yun kasi ang pinaka main difference ng talagang cyber libel.
03:06Makikita mo kasi, Prof, no?
03:07Yung pag sinasabi nating cyber libel na damage ang isang tao.
03:11May damage at may identity kung sino nga ba ang pinapahiya nila.
03:16So, it could be the face, the name.
03:19Klaro, doon sa posting kung sino.
03:21Kasi kung sasabihin mo, ako talaga yan.
03:23Pero wala naman, parang feeling mo lang, ikaw, that is another story.
03:26You have to prove it in court na ikaw talaga yun.
03:28Parang ikaw pa yung namimilit na ikaw yun.
03:30May ganun yun?
03:31Parang by malice, or by, I forgot the isang term.
03:34Kapag pwede mong patunayan na hindi totoo yung sinabi sa'yo,
03:37or patutunayan mo na totoo yung sinasabi mo?
03:39Well, actually, that's a defense.
03:41Sasabihin ng iba, eh, totoo naman na scammer ka, nakabit ka, may mga ganun.
03:46Pero take note, kailangan mo munang patunayan na totoo yan.
03:49Kasi kung allegation lang yan, that could not be true.
03:52At libelous yun.
03:53At libelous yun.
03:54At pwede kang makonvict niyan sa court, no?
03:57At meron tayong tinatawag prof na counts.
04:00Ilang beses mo siyang pinahiya online.
04:02That's one count, two counts, and that will be multiplied kung ilang penalty.
04:07So we have pecuniary, which is money, and we have also imprisonment.
04:12So pwedeng both money and imprisonment, or it just could be imprisonment or fine lang.
04:17Eh, pagdating sa imprisonment, at saka sa bayad or fine, mas malaki ba pag cyber libel?
04:23Oh yes, compared sa ordinary libel, sa oral defamation, or slander, at saka compared doon sa written,
04:30na hindi nakapost online, mas malaki ang cyber libel.
04:33Or even through arts.
04:34Oh yes, yes.
04:35Pero hindi masyadong clear yan sa batas yung sinasabi mo.
04:38Okay, obscenity lo rin ba yun pag ganoon?
04:40Oo, pero parang hindi siya masyadong pasok doon.
04:43So ang tinitingnan natin, tinitingnan ng judge dito ilang beses mo ginawa, gaano kalalim or kalaki ang damage na nagawa mo,
04:53at kung sino ba itong pinapahiya mo, kasi a person could have a different reputation.
04:57A higher reputation, may iba, ordinary lang, so mas mababa, at ilang beses niyang ginawa yun, kasi it's called counts.
05:05Okay, ano po ang ilang halimbawa ng mga kaso na may tuturing natin na pasok doon sa cyber libel?
05:10Okay, ito yung usual ha, because I'm a private practitioner, I do court, I defend cases like this.
05:17So ang usual na nangyayari ngayon, which is very common, yung nagpo-post ng kabit ka, scammer ka, yung mga ganoon,
05:27o wala ka, hindi ka nagbayad ng utang, mga ganoon.
05:29So these are the three common pagpapahiya na ginagawa sa social media.
05:35Hindi, nilalabas yung pangalan, if not, the picture alone na nakalagay itong taong to, ganoon.
05:41So sobrang kitang-kita ang ebidensya doon.
05:44Okay, when do you say napahiya siya? Kung ito ba may number of people na parang napahiya ka sa number of people na ito,
05:52like tatlo or apat na tao, nabasa itong pagpapahiya sa iyo through online, is that already a ground for libel?
05:58It is presumed, prof, that the people had seen that. It is presumed that napahiya ka because, ano to eh, online to eh,
06:08everybody is using social media, everybody is doing online things, na ba?
06:12So, presumed na yun na talagang ang intention is pinapahiya ka. Malisyoso eh yung pagpupost na yun.
06:19Alright, in terms of verdicts, minsan kasi ang pag-file ng kaso, it's either maraming siyang pera at dahil niloko mo ko or dahil nilibel mo ko,
06:27talagang gagawang ko ng paraan na makulong ka or is it all because of emotions? May ganun bang klase mga konsepto?
06:33Hindi, prof. Kasi kapag nag-file ka ng kaso, unang-una meron ka ebidensya. Hindi ito dahil mas marami kang pera or mas marami kang kilala or mas magaling ka.
06:43But it's because na ikaw na nag-file, may ebidensya ka. Usually the screenshot, this is what you're going to do sa ating mga kababayan na nanonood ngayon.
06:53You have to do screenshots.
06:54Eh pero di ba, may data privacy tayo?
06:56Oh no, that's not covered. Kasi you're posting it online. It does not cover the privacy.
07:00Eh paano kung group chat?
07:01Group chat, marami kayo eh.
07:03Okay. So kung dalawa lang kami.
07:05Kung dalawa kayo, that's another story. It may not be covered under cyber libel. Depende doon sa pinag-uusapan.
07:12Pero yun yung number one kasi, prof. You have to get the screenshot. You have to call the attention of those kung sino yung mga nakawitness sa posting na yun.
07:21And then, you have to report it to the PNP Cyber Crime Division kung hindi mo kilala kung sino nag-post.
07:28But you have someone in mind. Pwede mong i-dalhin doon or kaya sa NBI.
07:33But if you already know kung sino yung nag-post na yun, then pwede mo nang i-file diretso sa fiscal or if you have your private lawyer, you can do.
07:41So kung wala naman, you can go to public attorney's office yung mga medyo hindi naman kaya magbayad yung private lawyer.
07:47Ayun. Attorney Hayes, ano ang parusa rito?
07:49We have 4 years hanggang 8 years ang parusa dito. Tinitingnan ito ng judge kung gaano nga kalaki ng damage at ilang counts.
07:58Tapos meron din itong 300,000 to 1.5 million na penalty.
08:03So pwedeng iparusa sa'yo from 4 years hanggang 8 years, depende sa damage.
08:07Pwede rin magparusa sa'yo ng 300,000 to 1.5, depende sa damage.
08:11Pwedeng parehas or pwedeng isa lang doon.
08:14Okay.
08:15So depende talaga sa appreciation ng facts at saka evidence.
08:19Okay. So ano ba ang pwede natin payo sa ating mga ka-RSP when it comes to cyber libel?
08:23Paano sila dapat mag-ingat dito?
08:25Kaya lang masasabi na dapat itigil nila ang pagkasabi ng mga bagay na wala lamang o na mga allegasyon lamang at walang basihan pero gusto pa rin na i-post online?
08:33Dapat hindi.
08:33Ang advice natin sa ating mga kababayan na nanonood ngayon, huwag kayong mag-post online.
08:38Kung may kabet, kasuhan mo ng tamang kaso sa korte. Basta kumpleto ebidensya ka.
08:44Kung may utang sa'yo, kasuhan mo rin ng tamang kaso.
08:47Ayon.
08:47Pwede staffer collection of some of money or small claims kung below 1 million.
08:51Or kung ito naman ay ng scam, kasuhan mo na staffer.
08:55So, you have to go to the proper forum kasi hindi korte ang Facebook, ang TikTok at kung ano pa yung social media platform.
09:03You have to go to court properly, hindi pagpapahiya ang solusyon para makamit mo ang hustisya na ikaw ay naagrabyado.
09:10Kaya kapalabogado ng bayan, tayo mo ipaglalaban mo.
09:13On that note, maraming salamat po.
09:15At Sorny Hayes sa pagbagabay sa amin tungkol sa cyber libel at online defamation.
09:20Ayan ang mga ka-RSP.
09:21Gaya ng sinabi ni At Sorny Hayes, mag-ingat sa mga pinapost online dahil hindi natin alam ang posibleng consequence ito.
09:28Sabi nga nila, ignorance of the law excuses no one.
09:32Kaya mas mabuti nang maging maalam at maingat tayo.
09:35Yan po ang ating pinag-usapan sa MIL 101.

Recommended