Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dahil po na lalapit na ang buwan ng wika, tinututukan ngayon ang komisyon sa wikang Filipino o KWF
00:07ang pagpapasigla sa ilan nating wikang nanganganib ng mawala.
00:11Balitang hatid ni Katrina Son.
00:16Kaluyane, Arta, Binatak at Malawig.
00:21Kabilang ang mga ito sa mga nanganganib ng mawalang wika sa Pilipinas.
00:26Ipinresinta ito ng komisyon sa wikang Filipino para sa araw ng buwan ng wikang pambansa 2025.
00:33Marami pong mga nanganganib na wika. Kapag nawala po, isang kultura ang nawawala rin.
00:38Kaya ngayong buwan ng wika, isa sa binibigyang diin ang pagpapasigla ng mga nanganganib na wika.
00:44Paraan daw ito na hindi makalimutan at maipasa pa sa mga susunod na henerasyon.
00:49Meron tayong 135 na wika at sinasabi meron tayong 32 naman na nanganganib.
00:56Kasi meron tayong batayan din na pamantayan sa language endangerment na ginagamit ng komisyon sa wika
01:02para sabihin kung nanganganib na at nanganganib na maglaho yung isang wika.
01:07Nararapat lang daw na habang bata pa ay sinasanay ang mga bata sa kanilang wika para mapreserba ang mga ito.
01:15Kaya ang panawagan natin dapat ang ating ginagamit sa pang-araw-araw na talakayan, diskurso, pagpapalitan ng mga kuro-kuro at opinion kahit sa media,
01:27dapat natin pinalalawig ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas.
01:32May mga proyekto rin daw ang KWF para mapreserba ang mga nanganganib na wika.
01:38Meron tayong bahay wika sa Abukay Bataan na nagsimula pa po ng 2018 at hanggang ngayon po ay sinusubaybayan namin
01:47dahil ang LGU po ay nangangasiwa na po ng bahay wika sa Abukay Bataan.
01:54Patuloy daw ang pagbibigay ng KWF ng pagsasanay sa mga guro at elders na siyang magtuturo sa mga kabataan.
02:01Katrina Son nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.

Recommended