Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
-NDRRMC: 2, kumpirmadong nasawi dahil sa Bagyong Crising at Habagat; 1 sugatan

-PAGASA: LPA sa Phl Sea, mababa ang tsansang maging bagyo

-Ilang lugar sa Guiguinto, binaha dahil sa Hanging Habagat at high tide; kabuhayan at pamumuhay ng mga residente, apektado

-INTERVIEW: ANA CLAUREN-JORDA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Ilang klase, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon

-PBBM, nasa Amerika na para makipagpulong kay U.S. President Donald Trump at iba pang U.S. officials

-TNVS driver at motorcycle rider, nagsuntukan dahil umano sa gitgitan sa kalsada

-Orange Rainfall Warning, itinaas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar; Yellow Rainfall Warning sa ilan pang probinsya

-Oil price hike, ipatutupad bukas

-Longlong Tam-Awan Road, isinara sa mga motorista matapos matabunan ng gumuhong lupa at bato


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Wala na pong bagyong krising pero isang panibagong low pressure area ang binabantayan sa Philippine Area of Responsibility.
01:09Namataan niya ng pag-asa 950 kilometers east-northeast ng Eastern Visayas.
01:14May medium chance daw itong maging bagyo at tatawaging bagyong dante.
01:18Sa ngayon, wala pang epekto sa bansa ang nasabing LPA.
01:22Hanging habagat pa rin ang magpapaulan ngayong araw.
01:26Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather, ulanin halos buong Luzon kasama na ang Metro Manila sa mga susunod na oras.
01:33May ulan din sa ilang panig ng Visayas at Mindanao.
01:36Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
01:41Bunsod ng panay na ulan, ilang dam ang nagpapakawala ngayon ng tubig.
01:45Sa latest monitoring ng pag-asa, 6 na gates ang nakabukas sa Binga Reservoir sa Benguet.
01:50Apat sa ambuklaw habang isa sa Ipoo Reservoir.
01:54Ang tubig na inilalabas ng Ipoo dumidiretsyo sa Bustos Dam.
01:58May water release na rin ang Bustos sa Bulacan.
02:01Pinaalalahan na ng mga residente sa mga bayan ng San Rafael, Bustos, Baliwag, Pulilan, Plaridel, Kalumpit, Hagonoy at Pumbong na maging alerto sa posibling pagbaha.
02:14Pinaalerto rin ang paradya ng mga nakatira sa paligid ng Tulyahan River dahil sa posibling pag-apaw naman ng tubig sa Lamesa Reservoir.
02:21Nasa halos 80 meters ng tubig sa nasabing dam na napakalapit sa 80.15 meters na normal high water level nito.
02:30Kapag nangyari ito, diretsyo ang tubig sa Tulyahan River na posibling maging dahilan ng pagbaha sa ilang lugar sa Quezon City, Valenzuela at Balabon na nasa paligid ng ilog.
02:43Peruwisyo ang inabot ng mga tagagiginto Bulacan dahil sa bahang hatid ng hanging habagat na sinabayan pa ng high tide.
02:50Apektado tuloy ang kanilang pamumuhay at kabuhayan.
02:53Balita hatid ni Bea Pinlap.
02:54Magdamag ng ambasin na Nanay Cecilia dahil sa bahang pumasok na sa bahay nila sa barangay ilang ilang giginto Bulacan.
03:05Sinabayan daw kasi ng malakas na ulan kahapon ang high tide.
03:08Lahat ng gamit namin nakataas na po sa higaan namin. Kami po halos wala nang matulugan dahil nakataas po lahat ng gamit.
03:17May mga bata pa po kaming kasama sa loob ng bahay.
03:20Warak-warak na rin po ang dingding. Ang mga haligi po wala na. Marupok na.
03:26Kahit anong taas o dumidaw ng baha rito, wala raw silang magawa kundi lusungin ito para maghanap buhay.
03:33Kwento naman ang tindera ng gulay na si Aneta na lubog din sa baha ang pananim na gulay kaya tiyak daw na wala silang maaani.
03:40Ano ang aming mga gulayan doon, walang pinakikinabangan kasi nasisiran ko ang tubig. Ilinulubog talaga ito.
03:51Hindi na kami nakakagpanagtanim doon kasi ganito lubog talaga palagi.
03:58Herap habuhay talaga. Walang kong nahititindang marami.
04:03Apektado rin ang iba pang negosyo tulad ng karindirian ni Joel.
04:06Matumal daw ang kita kahapon nang abot pa sa bewang ang baha kaya umaasa silang makakabawi ngayong araw.
04:13Talagang naka-abigto po kasi gawa nung walang pupunta rito, walang kakain.
04:19May kamakain naman, may bumibili, ilan lang.
04:22Ayon sa Bulacan PDRRMO, nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam kasunod ng malalakas na ulan.
04:29Isa pa raw ito sa mga nagpalala sa baha rito sa probinsya.
04:32Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:37Update po tayo sa lagay ng panahon ngayong may hanging habagat at bagong low pressure area.
04:43Kausapin natin si Pag-asa Weather Specialist, Anna Cloren Horda.
04:46Magandang umagat. Welcome po sa Balitang Hali.
04:49Magandang umagat din po Sir Rafi. Ganda sa ating mga taga-subaybay dito sa Balitang Hali.
04:53Paunahin po natin itong hanging habagat. Hanggang kailan po ito magpapaulan sa bansa?
04:58Itong habagat po ay nakaka-apekto ngayon sa buong bahagi ng ating kapuloan.
05:02At inaasahan natin na halos buong linggo po na ito ay habagat pa rin po yung weather system na makaka-apekto sa ating bansa.
05:10Ano pong aasahan panahon sa buong maghapon?
05:13Kasi obserbasyon natin, napakalakas ng buhos ng ulan bagamat pabugso-bugso lamang po ito.
05:17Ngayong araw po dahil sa habagat dito sa Metro Manila, pati na rin sa mga Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, pati na rin po sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, at sa may Cavite, Batangas at Rizal.
05:32Inaasahan pa rin po natin ngayong araw yung halos bugso-bugso na malakas na mga bagulan.
05:37Dala nga po nitong habagat.
05:39At ngayon nga po sa Raffi, nakataas na rin po yung ating orange warning po dito sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, pati na rin sa Batangas at sa ilang area sa Laguna.
05:52Kaya po, pinag-iingat po natin yung ating mga kababayan dahil for the next three hours ay may kalakasan po yung mga pagulan na ating naasahan.
06:00At ganoon din po sa ibang bahagi ng Luzon, may mga pagulan din po tayo, mga scatter drains po inaasahan ngayong araw, ganoon din sa bahagi po ng Visayas.
06:08At dahil matagal-tagal na yung mga pagulan, itong sinasabi niyong paparating pa na malakas na busong ulan, talaga magpapabaha po ito, hindi ho ba?
06:16Yes po, pumataas po ang tsansa na magdala po ito ng mga pagbaha at mga pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
06:23Itong bagong low pressure area po sa loob ng Philippine Area of Responsibility, talaga bang malit itong tsansa na maging bagyo?
06:29Pero ano magiging epekto nito dito sa kalupaan ng bansa?
06:32Yes po, Sir Rafi. Sa ngayon, meron po tayong minomonitor na isang low pressure area sa may silangang bahagi ng Southern Luzon or ng Visayas area po.
06:39At itong LPA na ito, mababa po yung tsansa na maging isang bagyo within 24 hours.
06:45Pero kung may kita po natin, meron pa po tayo na ikita na isang cloud cluster o kumpol ng kaulapan sa may bahagi po ng silangang bahagi ng Northern or Central Luzon area.
06:57Kung saan itong cloud cluster sa may silangang bahagi ng Northern or Central Luzon area ay posible rin po maging isang low pressure area within the day.
07:05At itong dalawang posibling low pressure area neto ay magkaroon po na isang sirkulasyon o parang kung imaginin po natin ay magsasama po silang dalawa.
07:14At yun nga po, ito po yung mag-ahatak o magpapairal po sa habagat sa atin ngayong linggo po na ito.
07:22So bagamat malayo pa po yung LPA at pambuo pa lang po yung panibagong sama ng panahon na ating mamonitor,
07:28ay binabantayan na po natin dahil nga patuloy pong iiral yung habagat dahil po dito sa mga sama ng panahon na posible pong mabuo ngayong linggo po na ito.
07:38Ito pong interaction ng dalawang LPA, ano po magiging epekto nito?
07:41Mas magiging malakas ho ba kung sakaling magiging bagyo ito? At ano ang mga apekto ang lugar dito po sa bansa?
07:46Yes po, sa ating pagtaya sa Rafi, ngayong pag-Metules o hanggang Webes ay hindi natin ni-rule out yung possibility na maging bagyo din po itong minamonitor nating sa manang panahon o low pressure area.
07:59Pero sa ating latest analysis, posibleng palabas rin po ito na ating area of responsibility at hindi po natin nasa na magkakaroon ng direct na epekto sa anumang bahagi po na ating bansa.
08:10Ngunit atin pong babantayan itong posibleng hatak po nito sa habagat na kung saan pagdating nga rin po ng Martes, Merkules hanggang Biyernes po,
08:19inaasahan natin na malaking bahagi na ating kapuloan yung posibleng makaranas ng buksong-buksong malakas na mga pagulan dala ng habagat.
08:27Muli, ano po mga lugar yung posibleng bahain dahil sa hanging habagat?
08:32Yes po, dahil po sa habagat, lalo na po yung nasa western section ng Luzon, western section ng Visayas,
08:39posibleng po yung malakas mga pagulan at dito rin po sa ating sa Metro Manila.
08:43At sa center Luzon po, lalo na itong Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, lalo na po sa may Bulacan area,
08:50mataas po yung chance ng mga pagbaha po dyan, pati na rin po sa Calabar Zone area at lalo na din sa may Occidental Mindo.
08:57So, nabanggit niyo po hanggang Merkules, Uhebes, itong masamang panahon, pero makikita po po natin yung hanging araw ngayong linggong ito?
09:04Opo, ngayon, Sir Rafi, ay dito sa Luzon area, pati na rin po sa western Visayas,
09:09ay halos mababa po yung chance na makita po natin yung haring araw ngayon, no?
09:13So, generally cloudy po tayo for the whole week.
09:16At yung mga pagulan ay hihinto lamang husaglit, pero huwag po tayo pakampante dahil nga halos all throughout the day may mga pagulan po tayo na inaasahan.
09:24Pero sa Mindanao area po, may gradual improvement ng weather tayo inaasahan dyan.
09:29Then, ganun din po sa central at sa eastern Visayas.
09:32Opo, ganun na po ba yung karakteristik ng ulan ngayon na pakalakas na ulan bagamat sandali lamang ito,
09:37pero buhos, parang bagyo kuminsan, yung lakas ng buhos nito?
09:40Yes po, Sir Rafi, yung karakteristik po kasi ng habagat ay malalakas po yung bugso po nito,
09:47lalo na sa gabi, hapon gabi, madaling araw po.
09:51At yun nga, medyo umaga ang kapapatanghal eh, medyo nagkakaroon po siya ng break,
09:54pero saglitan lang po at may mga bugso pa rin na mapagulan.
09:58So, yan po yung karakteristik po ng habagat natin.
10:00Kaya ganun po yung pattern na asahan po natin ngayong week po na ito.
10:04So, dapat maging maingat, lalo't gabi pa pala, ganito yung katindi ng ulan.
10:09Dapat magingat yung mga bahaing lugar.
10:11Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo po sa Balitang Hali.
10:14Salamat po, Sir Rafi. Magandang magagam.
10:16Pag-asa weather specialist, Anna Cloren Horda.
10:20Dahil po sa masamang panahong hatid ng habagat,
10:23sospindido ang klase sa ilang lugar sa bansa.
10:25Wala na pong afternoon classes ng preschool hanggang senior high school
10:28sa public at private schools sa Mandaluyong.
10:32Kasama rin po riyan ang alternative learning system.
10:35Kansilado naman ang klase sa lahat ng antas sa Naik, Cavite.
10:39Gayun din sa mga bayan ng San Marcelino, San Felipe, San Narciso,
10:43Castillejos, Botolan at Olongapo sa Zambales.
10:47Sa Kabanggan, Zambales,
10:48kinder hanggang grade 12 lang ang walang pasok ngayon pong araw.
10:51Habang walang pasok ang daycare hanggang senior high school sa Iba, Zambales.
10:56Sospindido rin ang klase mula elementary hanggang grade 12 sa Palawig, Zambales.
11:01Ipatutupad naman muna ang modular distance learning sa lahat ng antas sa San Antonio, Zambales.
11:08Wala rin pong in-person classes ang daycare hanggang grade 12 sa Kibungan, Benguet.
11:13Tutok lang po dito sa balitang hali para sa iba pang anunsyo ng class suspensions.
11:17Sa ibang balita, nasa Amerika na si Pangulong Bongbong Marcos para sa pulong nila ni U.S. President Donald Trump.
11:25At live mula sa Washington, D.C. sa Amerika, may ulap on the spot si Sandra Aguinaldo.
11:30Yes, Rafi, dubating nga si Pangulong Bongbong Marcos dito sa Amerika ng 2.48pm.
11:43Linggo po yan dito pero 2.48am ng lunes dyan sa Pilipinas.
11:49Sinalubong po siya ni U.S. Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson at Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez.
12:01Nananatili si Pangulong Marcos sa Blair House kung saan din tumuloy ang mga magulang niyang sinadating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
12:08at dating First Lady Imelda Marcos sa kanilang state visit noong 1966.
12:14Makakapulong ni Pangulong Marcos Jr. sina U.S. Secretary of State Marco Rubio at U.S. Defense Secretary Pete Hegseth sa Pentagon.
12:23Sa oras sa Pilipinas ay mamaya na po yung 7pm mangyayari.
12:28July 22 naman, magkikita sina Marcos Jr. at Trump sa White House.
12:32Ito ang unang bilateral meeting ng dalawang presidente mula nang magsimula ang ikalawang termino ni Trump noong Enero.
12:40Ang pagbisita ng Pangulo sa Amerika ay sinalubong ng kilos protesta mula sa ilang grupo.
12:45Tila inuna raw kasi ni Pangulong Marcos Jr. ang economic at military interest ng Amerika kesa sa interest ng Pilipinas.
12:53Sinisikap pa namin kunin ang pahayag ng Malacanang kaugnay nito.
12:57Sabi naman ni Ambassador Romualdez, nirerespeto niya ang salubin ng mga nagkilos protesta.
13:03At sabi pa nga niya, masa magugulat siya kung hindi sila nagprotesta rito.
13:08Dagdag niya, pag-uusapan din kung paano makikinabang ang Amerika at Pilipinas sa itsas-isa habang isinusulong ang kanikanilang interes.
13:16Narito po ang pahayag ni Ambassador Romualdez.
13:19Hindi na pwede yung anong pwede natin makuha sa isang bayan.
13:26Kailangan ano yung tama para sa dalawa.
13:30Pero most important, yung anong mas mabuti para sa atin.
13:34It will be more on discussions on how we can continue to cooperate with the United States, our major ally.
13:41At the same time also, I think President Marcos would like to see how we can work with the United States and other countries that have the same mindset as far as the West Philippines is concerned.
14:24Sa ngayon, Raffi, wala silang specific na sinasabi kung ano talaga yung points of discussion tungkol dyan.
14:43Pero ang sinasabi niya kasi patuloy naman yung negosasyon at pag-uusap, katunayan bumibisita sa Pilipinas ang mga US high-ranking, US defense officials at patuloy ang komunikasyon.
14:56Ang sinasabi niya ay magbibuild lang sila ng pag-stronger alliance.
15:03At dahil naman daw, meron tayong mga agreement na existing at sa tingin niya, ang dalawang leader ay pa-iigtingin lamang o patitibayin ang alyansa na yan.
15:14Raffi?
15:14Sandra, tungkol naman doon sa 20% reciprocal tariff, observation kasi ng ilan, may mga kapitbansa tayo dito sa regyon na nakipagdikosasyon sa Amerika,
15:24nang hindi nagtutungo sa Amerika yung kanilang mga leader napababa pa yung porsyento ng taripa na ipinataw sa kanila ng Amerika.
15:32Ito bang pagtungo ng Pangulo dyan sa Washington na mas mangunghulugan na may chance na mapababa talaga itong taripa na ipapataw ng Amerika sa Pilipinas?
15:41Thank you very much.
16:11Maa rin siyang masabi kung meron bang agreement na talagang nabubuo sa pagitan ng dalawang bansa, Raffi?
16:18At Sandra, apektado rin yung mga Pinoy sa mahigpit na immigration policy ng Amerika. Anong nga mapag-uusapan dyan?
16:24Yan, Raffi, ang sinabi sa atin ni Ambassador Romualdez kasi kasama siya sa talagang paghahanda dito sa pagbisita ng Pangulo.
16:36Pero sabi niya, hindi na mapapag-uusapan yung issue ng immigration na naging controversial nga rin dito sa Amerika.
16:43Bagamat sinasabi niya ay patuloy lang din naman na nakikipagtulungan ang Pilipinas sa U.S. government.
16:51At sabi nga niya, meron daw ngayong identified ang kanilang immigration and customs office
16:58kung saan mahigit 3,000 Pilipino yung monitored nila na hindi naman daw nakakulong pero for deportation na.
17:06Pero yun nga, sabi niya, ang issue na yan ay talagang hindi mapapag-uusapan sa paggita ng dalawang leader.
17:12Raffi?
17:13Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
17:17Huli kam na away kalsada sa Marikina, nagsuntukan ang dalawang motorista dahil umano sa gitgitan.
17:24Ang isa sa mga sangkot, aminadong bubunot pa sana ng baril bilang panindak.
17:29Balita hati di EJ Gomez.
17:30Sa kuha ng CCTV sa barangay Concepcion Uno, Marikina City noong Webes,
17:38kita ang lalaking nakapulang short na isang TNVS driver
17:41at lalaking nakaitim na pantalon at nakasuot ng bag, isang motorcycle rider.
17:47Nagtatalo sila dahil umano sa nangyaring gitgitan sa kalsada ayon sa pulisya.
17:53Sinusubukan daw mag-overtake ng rider pero di raw pinagbigyan ng driver ng kotse.
17:58Binusinahan ng suspect yung biktima.
18:03Nagkagitgitan sila sa daan.
18:06And then, yun nga, uminto yung kotse dun sa isang gasolinahan para nga maayos o mapag-usapan.
18:16Pero, ang nangyari, bigla na lang sinuntok yung biktima and sinipay yung kotse.
18:25And minura pa at pinagbandaan.
18:32Sa CCTV, kita ang pagturo ng driver sa umano'y bakas ng pagsipan ng rider sa pintuan ng kotse.
18:40Nagsagutan pa sila.
18:42Hanggang sa nagsuntukan ang dalawa.
18:45Sa pool din, ang tankang pagbunot umano ng baril ng rider.
18:49Hindi naman nailabas pero akmang parang may bubunot, may bubunotin dun sa sling bag.
18:56Inaresto ang 45-anyos na rider na napag-alamang nagtatrabaho bilang security guard sa isang online shopping at shipping company.
19:06Na-recover sa kanya ang isang sling bag, 38-caliber na revolver at mga bala nito.
19:11Lumabas din sa investigasyon ng pulisya na nakainom ang rider.
19:15Ayon sa sospek na si Alyas Kiko, ang driver ng kotse raw ang nagsimula ng kanilang away kalsada.
19:22Aminado siyang nagtangkang bumunot ng baril para lang daw sana takutin ang 30-anyos na driver.
19:28Ano po, madali lang po ako kasi malilita ko tapos malakas yung ulan.
19:35Kasi siya po yung unang langkitkit mam eh.
19:37Pasigsagsagsagsagsag yung takbo niya.
19:39Ayaw magpasingit kahit kunti mam eh.
19:42Tapos, kinumpronta ko mam.
19:45Sabi ko, ano bang problema ko sir?
19:47Kasi, muntik muna akong panggain eh.
19:52Galit sa akin.
19:53Tapos, sinipa ko yung sakyan.
19:54Tapos, pagsipa ko, hinakabol niya ako, kinuha yung susi ko.
20:00Tapos, ayaw niya ibigay eh.
20:01Sabi ko, ano bang gusto mo? Gusto mo na bariling kita eh.
20:04Pero yung baril sa loob lang, sa loob lang magmam.
20:08Umamin din siyang kargado ng ilang bala ang dala niyang baril.
20:12Hindi daw siya nakainom.
20:14Naharap ang sospek sa mga kasong grave threat, physical injury, malicious mischief,
20:19at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
20:26Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang sangkot na driver.
20:30EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:34Paalala po muli, nakataas ngayon ang Orange Rainfall Warning dito po sa Metro Manila.
20:43Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, at ilang panig ng Batangas at Laguna.
20:53Mataas po ang tsansa ng pagbaha sa mga nasabing lugar sa gitna ng pag-uulan.
20:57Isinailalim naman sa Yellow Rainfall Warning sa Tarlac at ilang pang bahagi ng Laguna at Batangas.
21:02Pusible rin ang baha.
21:04Tatagal ang Orange at Yellow Rainfall Warnings hanggang alas 2 mamayang hapon.
21:13Bip, bip, bip! Panibagong oil price hike ang aharapin ng mga motorista bukas.
21:20Batay sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis,
21:231 peso and 10 centavos kada litro ang taas presyo sa diesel.
21:2740 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
21:31Habang sa kerosene may dagdag na 70 centavos kada litro.
21:36Ikalawang linggo na yan ang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
21:40Ayon sa DOE, nakaka-apektor yan ang polisiya sa taripa ni U.S. President Donald Trump.
21:46Ito ang GMA Regional TV News.
21:54Iba pang may init na balita sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
21:59Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Longlong Tamawan Road sa Baguio City dahil sa gumuhong bahagi ng isang bundok.
22:06Chris, may nadamay ba sa insidente?
22:11Raffi, mabuti na lang at walang natabunan o nasaktan sa rock slide sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Crising at Habagat.
22:19Ayon sa mga otoridad, sinakop ng buho ang buong kalsada.
22:22Inumpisa na rin ang clearing operations doon pero matatagalan daw dahil sa kapal ng lupa at bato.
22:28Pinapayuhan nila ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong kalsada upang hindi maabala ang kanilang biyahe.
22:36Sa Kayapa, Nueva Vizcaya naman, isinara sa mga motorista ang bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet National Road dahil din sa landslide.
22:43Inabot ng halos limang oras ang clearing operations sa junction Kayapa-Proper-Oyawe section.
22:51Nadaraan na ngayon ang kalsada.
22:57Nadaraan na ngayon ang kalsada.

Recommended