Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
-Ilang residente ng Brgy. Yapak, lumikas dahil sa pagbaha

-Mahigit 30 stalls sa Toril Public Market building 2, nasunog

-Mika Salamanca, nag-donate sa "Barkyanihan Project" ng Animal Kingdom Foundation

-Barko at bangka, nasunog sa gitna ng dagat

-Ilang miyembro ng gabinete, nangakong tutuparin ang plano at pangako ni PBBM sa SONA/Dept. of Agriculture: patuloy na inaayos ang patubig at mga titulo para sa mga magsasaka/ Budget Sec. Pangandaman: Mas magiging transparent ang budget process/Finance Sec. Recto: Maayos ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng tariff at giyera sa ibang bansa

-Ilang kabataan, umaakyat sa bubong para sa peligrosong stunt ng pagtalon sa ilog

-Pagpapadausdos ng ilang estudyante sa handrail sa Linabo Peak, ikinababahala ng Dipolog LGU/Dipolog LGU, naghahanap na ng ibang paraan ng transportasyon para sa mga dumaraan sa Linabo Peak

-Mahigit 100 pamilya, apektado ng sunog sa Capulong Street

-Alden Richards, tumulong sa mga nasalanta ng masamang panahon sa Brgy. Sto. Niño

-Rep. Martin Romualdez, mananatiling House Speaker sa 20th Congress

-Eroplano, bumagsak sa highway; 2 sakay nito, patay

-#AnsabeMo sa ikaapat na SONA ni PBBM?

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:30Ang ilang hotel naman naglagay ng panangga laban sa malakas na hangin.
00:34Pinalalahanan naman ng mga turista na magingat sa paniligo sa dagat, ngayong posibleng biglang sumungit ang panahon.
00:43Nasunog ang ilang stall sa Toril Public Market Building 2 dito sa Davao City.
00:48Nilamon ng malaking apoy ang mga stall at paninda sa dry goods, meat section at mga karinderiya.
00:54Ayon sa isang saksi, nagsimula ang apoy sa isang karinderiya.
00:58Tatlumput dalawang stalls ang tuluyang natupok.
01:02Ayon sa City Economic Enterprise Office, hihintayin nila ang assessment at rekomendasyon ng mga otoridad para makatulong sa mga apektado.
01:10Inaalam pa rin ang sadhi ng apoy.
01:17Pinatunayan ni Kapuso Big Winner Mika Salamangka na may big heart din siya para sa mga hayop.
01:23I-shinare ng Animal Kingdom Foundation na nag-donate si Mika para sa Barkyanehan Project.
01:30Kamakailan nag-volunteer si Mika with Kapuso's second big placer Will Ashley na magluto ng hot meals para sa mga naapektuhan ng masamang panahon.
01:39Naglunsa din si Mika ng donation drive.
01:42Nagpahatid din ang tulong sa mga nasalantan ng masamang panahon ang inang ex-PBB housemates.
01:50Nagpadala ng relief goods si Ashley Ortega at kanyang fans sa mga binaha mula sa kanilang donation drive.
01:57Personal namang naghatid ng tulong ang Dust B o sino Dustin Yu at Bianca Devera sa mga tagka-Quezon City.
02:03Si Kapuso Fort Big Placer A.Z. Martinez na bigay ng relief goods sa mga residente sa Rodriguez Rizal.
02:17Makapal at maitim na usok ang namataan mula sa nasusunog na barkong yan sa gitna ng dagat sa Turtle Island, Tawi-Tawi.
02:25Bukod dyan, isang bangka rin po ang kasabay na nasunog ng barko.
02:28Kabilang sa mga rumisponde sa insidente ang ilang namamangka malapit sa lugar.
02:33Inaalam pa ang sanhi ng apoy.
02:43Humaharap ngayon ang ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos sa post-sona discussion sa San Juan City.
02:51Detali po tayo sa ulot on the spot ni Sandra Aguinaldo.
02:54Sandra?
02:54Yes, Connie, ito nga yung pagkakataon na ipapaliwanag ng mga cabinet members yung ilang mga detalye
03:04nung mga sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address kahapon.
03:09Gaya halimbawa nung mga ilang accomplishment na nabanggit niya sa kanyang zona,
03:15ito po ay tinatalakay ng kanyang gabinete.
03:18At dito yan sa post-sona discussion, dinedetalye ng mga kalihim ng departamento.
03:24Sa unang bahagi po ng discussion ay humaharap,
03:27Sinafinance Secretary Ralph Recto, Agriculture Secretary Francisco Tulaurel,
03:32Budget Secretary Amena, Pangandaman at iba pa.
03:34Ayon sa mga kalihim, ang mga plano at pangako ng Pangulo sa Sona ay tuto pa rin nila at pagsusumikapan.
03:40Nag-ulat ang Department of Agriculture ng mga proyekto na nagawa ng administrasyon para sa mga magsasaka
03:46na nagpataas daw sa ani nitong nagdaang harvest season.
03:51At patuloy daw na inaayos ang patubig at namimigay ng titulo sa mga magsasaka.
03:56Yun naman daw nagsasamantala ng mga trader para manipulahin ang presyo ng bigas
04:01ay seryosong kakasuhan ng economic sabotage.
04:08Yan po ang sinabi ni Frederick Go, ang Presidential Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.
04:15Sabi naman ni Budget Secretary Amena, Pangandaman, magiging mas transparent ang budget process
04:20matapos nga yung nangyari nitong nakaraang budget season na marami umanong insertion
04:25at isinisingit sa budget na wala umanong basbas ng Malacanang.
04:30Nabanggitin nito ng Pangulo sa Sona kahapon.
04:32Sabi ni Pangandaman, ang National Expenditure Program ay ilalagay nila sa kanilang website,
04:38ibubukas din sa taong bayan ang budget deliberations.
04:42On track naman daw ang administrasyon ayon kay Finance Secretary Ralph Recto
04:46na nagsabing maayos ang lagay na ekonomiya sa kabila ng mga gera, tariff war,
04:52at iba pang kinakaharap ng buong mundo.
04:55So Connie, aminado rin naman dito sa talakayan dito na kailangan maramdaman ng ordinaryong tao
05:01o yung sinasabing economic gains na pala sa ilalim ng kasarkuyang administrasyon.
05:08At ayon nga po kay Secretary Recto, ayan po ay pagsusubikapan ng gobyerno.
05:14Sa in muna, Connie, ang pinakahuling ulat mula dito sa San Juan City.
05:17Connie?
05:18Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
05:21Ito ang GMA Regional TV News.
05:27Pinagbawala na pero sige pa rin sa peligrosong stunt sa ilog ang ilang kabataan sa Mabitak, Laguna.
05:33Huli kang na umaakyat ang mga lalaking edad 9 hanggang 14 sa bubong na isang gusali ng LGU
05:39at kadagit itong covered court.
05:41Ginawa nila itong diving board para makatalon sa katabing ilog.
05:45Mga kapuso, huwag nyo pong gagayahin dahil delikado po yan.
05:49Aminado mga bata na ilang beses na silang sinaway ng mga polis at barangay ofisyal
05:53pero paulit-ulit pa rin sila sa delikadong pagdive.
05:57Nabubutas na nga raw ang bubong na isa sa mga opisina ayon sa Mabitak MDRRMO.
06:03Bilang solusyon, lano nilang lagyan ng harang ang dinaraanan ng mga bata paakyat sa bubong.
06:09Ikinababahala ng lokal na pamahalaan ng Dipolog Zamboanga del Norte
06:15ang viral video ng ilang high school student na nagpapadaos dos sa Maylinabo Peak.
06:21Makikita ang mabilis na pagpapadaos dos noong July 23
06:25ng tatlong estudyante ng Zamboanga del Norte National High School
06:29na nasa baba ng hagda na tinatawag na 3,003 steps.
06:34Ang isa sa kanila hindi pa nakahawak sa handrail habang pababa ng burol.
06:38Hindi lang mga estudyante ang nahulikam doon,
06:41pati na ang mga residenteng naninirahan sa burol
06:44at ang mga guro na papauwi na mula sa Linabo Elementary School
06:48na nasa taas naman ang burol.
06:50Ayon sa school head ng paaralan,
06:51matagal nang ginagawa ng mga bata ang pagpapadaos dos
06:55at alam din daw iyon ng kanilang magulang.
06:58Estrategiya lang daw iyon para mapabilis ang kanilang oras ng pag-uwi.
07:02Sinusubukan pa namin makuhanan ng pahayag
07:05ang pamunaan ng Zamboanga del Norte National High School.
07:08Ayon sa dipolog LGU,
07:10ipinagbabawal ng City Tourism Office
07:12ang pagpapadaos dos sa lugar dahil delikado ito.
07:16Sa ngayon,
07:16umahanap na raw sila ang ibang paraan ng transportasyon
07:19upang matulungan ang mga dumadaan sa naturang hagdan.
07:22Ito na ang mabibilis na balita.
07:28Nasunog ang aabot sa 30 bahay sa isang compound
07:31sa Kapulong Street sa Tondo, Maynila.
07:34Itinaas ang sunog sa ikatlong alarma
07:35at hindi bababa sa 50 truck ng bombero ang rumisponde.
07:40E diniklarang under control ang sunog
07:41pasado alas 5 ng umaga.
07:44Sandang pamilya ang naapektuhan ng sunog.
07:46Patuloy ang embistigasyon ukol
07:48sa sanhinang apoy at halaga ng pinsala.
07:52Nagkasunog din sa isang residential area
07:55sa barangay Baysa sa Quezon City.
07:58Inakyat sa unang alarma ang sunog
07:59kung saan walong fire truck ang rumisponde.
08:02Isang bahay ang natupok ng apoy
08:03habang nadamay naman
08:04ang ilang kwarto ng katabi nitong bahay.
08:08Sa evacuation center muna
08:09nanatili ang anim na pamilyang naapektuhan ng sunog.
08:13Inimbistigahan pa ang sanhinang apoy
08:15at kabuo ang halaga ng pinsala.
08:22Despite his busy schedule,
08:25hindi nakalimutan ni Asia's multimedia star
08:28at Stars on the Floor host,
08:30Alden Richards,
08:31na tumulong sa ating mga kababayan.
08:34Sa parangay Santo Niño sa Malolos, Bulacan,
08:37naghatid ng tulong sa mga residente
08:39na lubog pa rin sa baha.
08:41Si Alden ang personal na nag-abot
08:43ng relief goods.
08:45Gusto kasi ni Alden na makamusta
08:46at makita ang sitwasyon
08:49ng mga kababayan natin doon.
08:55There's a side of me lang talaga na,
08:57I don't know,
08:58not for anything else,
08:59hindi sa pagbubuhat ng bangko,
09:01pero hindi kasi pwede na wala akong gawin.
09:03I need to get out of my way and help.
09:06Sino-sino bang magtutulungan,
09:07kundi mga,
09:08tayo lang mga Pinoy, di ba?
09:10Napakalaking tulong po nito.
09:11Wala pong katulad yung biyaya
09:13na pinamimigay po ng kapwa at tao
09:16na bukas palad po para sa lahat.
09:21Si Leyte 1st District Representative
09:23Martin Romualdes pa rin
09:24ang leader ng Kamara.
09:26Si Romualdes lang
09:27ang ninominate bilang House Speaker.
09:29266 na kongresista
09:31ang bumoto sa kanya.
09:3234 naman ang nag-abstain.
09:35Napili namang Senior Deputy Speaker
09:37si Quezon District Representative David Suarez.
09:40Siya pa ang kongresista
09:41ang ibinotong Deputy Speakers.
09:43Si Locos Norte 1st District Representative
09:45at Presidential Son Sandro Marcos naman
09:47ang napiling House Majority Leader.
09:51Habang re-elected bilang House Minority Leader
09:53si 4-Pace Party List Representative
09:55Marcelino Libana.
10:03Sa isang highway sa Brescia, Italy,
10:07biglang bumulusok ang isang eroplano.
10:09Unang tumama sa kalsada
10:11ang karaharapang bahagi
10:13ng eroplano.
10:14Saktong may dumaraan
10:15noong dalawang sasakyan
10:17na nahagip po ng apoy
10:18mula sa plane crash.
10:20Nakatigil naman
10:20ang isa pang kotse.
10:22Base sa report
10:23ng Aviation Safety Network,
10:25patay ang dalawang sakay
10:26ng eroplano.
10:27Tatlo naman ang sugatan
10:28kabilang ang dalawang sakay
10:30na mga dumaang sasakyan.
10:32Iniimbisigahan pa
10:33ang dahilan
10:34ng pagbagsak
10:35ng eroplano.
10:44Ito na nga,
10:45samotsaring reaksyon po
10:46ang natanggap
10:47ni Pangulong Bongo Marcos
10:48matapos ang kanyang
10:49ika-apat na
10:50State of the Nation address.
10:51Tinanong din namin
10:52ng netizens
10:53ang sabi nyo
10:53sa sona ng Pangulo.
10:55Ito na nga,
10:56sabi ni Doy Edwin,
10:57mas kailangan ng aksyon
10:59kaysa salita.
11:00Maghihintay ro'n siya
11:01na maging totoo
11:02ang mga sinabi
11:03ng Pangulo.
11:04Para naman kay Vincent Gabriel,
11:06puro problema lang daw
11:07ang binanggit ng Pangulo.
11:08Sa tatlong taon,
11:09wala naman daw
11:09na pagtagumpayan.
11:11Ayon naman
11:11kay Agapito Perez
11:12na i-deliver ng Pangulo
11:14ang programa
11:14ng may kongkretong aksyon
11:16gaya ng kanyang ipinangako.
11:18Hinihintay naman daw
11:19ni Jasmine Nachika
11:20na gawan ng paraan
11:21ng Presidente
11:22ang pagpapababa
11:23ng presyo ng bilihin
11:25na sa ngayon
11:26ay mahal.
11:27Approve naman
11:27si Beth C. D. Rosa
11:30sa naging sona
11:31ng Pangulo.
11:32Ginagampanan daw kasi
11:33ng Pangulo
11:34ang kanyang makakaya
11:35para maiangat
11:36ang antas ng pamumuhay
11:37ng mga Pilipino.
11:39Nakakulangan naman
11:40si Joan de los Reyes
11:42dahil walang susunod na hakbang
11:43para solusyonan
11:44ang ilang problema
11:45ng bansa.

Recommended