Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
- PBBM sa mga aniya'y nangurakot sa flood control projects: mahiya naman kayo!
- #SONA2025
- Mababang pasahod, mataas na presyo ng bilihin, at pagpapanagot sa mga opisyal ng bansa, ilan sa mga ipinrotesta ngayong SONA 2025
- In Case You Missed it: 10 tumakas na PDL; Acting Ombudsman Mariflor Punzalan-Castillo
- Sen. Pres. Escudero at House Speaker Romualdez, nananatili sa puwesto sa 20th Congress
- Tulong ng PBB housemates; Black carpet premiere ng P77
- 2 patay sa pagbulusok ng eroplano sa highway sa Italy
- Tone-toneladang sili at talong, ipinamigay sa mga nasalanta ng bagyo't habagat 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Mananagot ang mga nangurakot sa mga palyado at guning-guning flood control project.
00:24Pabalaya ni Pangulong Bongbong Marcos matapos bahain ng batikos ang pamahalaan sa gitna ng malawakang baha kamakailan.
00:32Ang iba pang iniulat ng Pangulo sa ikaapat niyang State of the Nation address sa report ni Ivan Mayrina.
00:41Kakabit ang tadhana ng Pilipinas tuwing tagulan ang malunod sa kabikabilang baha.
00:46Ngunit tila lumalayan sa mga bagyo at habagat kamakailan.
00:49May mga pinondohan namang proyekto para panlaban sa baha.
00:52Pero sa pagigot daw ni Pangulong Marcos sa mga nagdaang araw,
00:56naging malinaro sa kanyang may flood control projects na kahit bilyong-bilyong piso ang pondo ay palpak naman
01:02o kaya tila guni-guni lang.
01:05Sa kanyang State of the Nation address isinumbat ng Pangulo ang korupsyon sa mga nasabing proyekto.
01:10Sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan.
01:18Mahiyahan naman kayo sa inyong kapapilipino.
01:22Mahiyahan naman kayo sa mga kabahayan nating na anod o nalubog sa mga pagbaha.
01:37Mahiyahan naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo na binuksan nyo lang ang pera.
01:46Inatasan ang Pangulong DPWH na magsumitin ang listahan ng lahat ng flood control projects sa nakalipas sa tatlong taon.
01:55Ilalathala ang listahan para malaman ng publiko kung sino ang mga dapat managot.
02:00Sa mga susunod na buwan, makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa investigasyon.
02:08Pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa.
02:11Kung sa 2025 national budget, ilang flood control projects na isiningit ang binito o tinanggal ng Pangulo.
02:19Sa 2026 budget, mas magihigpit daw ang Pangulo.
02:22For the 2026 national budget, I will return any proposed general appropriations bill
02:30that is not fully aligned with the national expenditure program.
02:34And further, I am willing to do this even if we end up with a re-enacted budget.
02:57Bukod sa problema sa tubigbaha, pinalutang din ang Pangulo ang problema ng ilang water customer.
03:02Titiyakin ng luwa na may lalagay na sa ayos ang servisyon ng tubig ng milyong-milyong nating mga kababayan
03:11at gawin mas abot kaya naman ang presyo.
03:14Higit sa lahat, titiyakin natin mapapanagot ang mga nagpabaya at nagkulang sa mahalagang servisyong publiko na ito.
03:24Sa kaso ng mga nawawalang sabongero, tiniyak din ang Pangulo na pananagutin ang nasa likod nito.
03:29Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man o opisyal.
03:42Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas.
03:49Sa kanyang administrasyon naman daw, mas nakatoon ang kampanya kontra-droga sa mga naaresto at nasasamsam na kontrabando.
04:00Sa tatlong taon lamang, halos mapantayan na ang kabuwang huli nung nakaraang administrasyon.
04:07Sa kabila ng mga ito, tila nagbabalikan daw ang mga pusher.
04:12Kaya patuloy ang ating mga operasyon laban sa mga drug dealer, sila man ay big time o small time.
04:19Binagiti ng Pangulo ang pinalawak ng mga programa ng PhilHealth.
04:23At ang mga pasyenteng magpapagamot sa mga ospital na hawak ng Department of Health, wala na raw mabayaran.
04:29Itinuloy na po natin ang zero balance billing. Libre po.
04:37Ibig sabihin, ang serbisyo sa basic accommodation sa ating mga DOH na ospital, wala na ang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.
04:55Mas pinigting din daw ang suporta ng administrasyon sa sektor ng sports at matapos ibida ang mga atletang Pinoy.
05:03Sumut-sunood sila sa yapak ng ating mga kampiyon at world-class na atlet tulad ni Sen. Manny Pacquiao, ni Haideline Diaz, ni Caloy Yulo.
05:15Naisingit pa ng Pangulo ang boxing match sana ni na PNP Chief Nicolás Tore at Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
05:22Sama na rin natin yung bago nating kampiyon si PNP Chief Elan Niktora.
05:26Ang bunga ng Pangulo sa kanyang talumpati.
05:52I-pinarating ng mga botante sa eleksyon 2025 ang kanilang disgusto sa mga nanunungkulan.
05:59Ang leksyon sa atin ay simple lamang.
06:02Kailangan pa natin mas lalong galingan.
06:05Kailangan pa natin mas lalong bilisan.
06:08Sa mga matitinding hamon na binabato at hinaharang ng ating mundo ngayon,
06:13nasa likod ninyo ang pamahalaan.
06:16At huwag tayong matakot.
06:18Huwag tayong titiklog.
06:19Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
06:23Dahil ang Pilipino ay likas na matapang, magaling, masipag, matibay at mabuti.
06:32Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:37Ibinida rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilan sa mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.
06:44Partikular na binanggit ng Pangulo ang 20 pesos na bigas na mabibili na sa lahat ng kadiwa centers sa buong bansa.
06:52Sabi ng Pangulo, dapat tunayan ng kanyang administrasyon ng 20 pesos kada kilo na bigas nang hindi malulugi ang mga magsasaka.
06:59Nagbanta rin ang Pangulo na habuli ng mga magsasamantala sa presyo ng bigas.
07:05Pinabibilisan na rin daw niya sa Department of Agrarian Reform ang pamahagi ng CLOA o Certificate of Land Ownership Award at e-title bilang patunay na wala ng utang ang mga beneficiary ng reforma sa lupa.
07:18Panawagan pa ng Pangulo sa mga negosyante, mamuhunan sa sektor ng agrikultura.
07:24Gumanda rin daw ang ekonomiya at tumaas ang kumpiyansang mamuhunan ng mga negosyanteng dayuhan.
07:31Pumubaharin niya ang inflation at dumami ang trabaho.
07:34Puspusan din niya ang pagkasaayos ng sistema ng edukasyon.
07:38Punto ng Pangulo, sinimula ng DEPED ang academic recovery and accessible learning o aral program at pinalakas din ang early childhood care and development.
07:48Nakako rin ng Pangulo na daragdaga ng mga daycare center para sa kabataan.
07:55Ngunit ang lahat ito ay palamuti lamang, walang saisay, kung ang ating kababayan naman ay hirap pa rin at nabibigatan sa kanilang buhay.
08:06Kaya sa huling tatlong taon ng administrasyon, ibubuhus pa natin ang lahat-lahat.
08:12Hindi lamang upang mapantayan, kundi mahigitampah ang pagbibigay ginhawa sa ating mga kababayan.
08:20Nakukulangan ng ilang mambabata sa mga iniulat yung Pangulong Marcos sa kanyang lagpas isang oras na sona.
08:27Mga pangakong napako naman ang administrasyon ng daing ng ilang realista habang nagtipon-tipon ng ilang makamarcos.
08:35May report si Sandra Aguinaldo.
08:36Winasak na mga ralihista ang mga effigy ng mga opisyal ng administrasyong Marcos sa Quezon City.
08:55Tandaan nila ng puot ng taong bayan sa mga napakumpangako at mga problemang di pa rin nalulutas ng administrasyon.
09:03Kabilang sa mga idinadaing, ang mababang pasahod at pagmahal ng mga bilihin.
09:12Ang aming palawagan, kasiguruan sa trabayo, hindi mas leo.
09:20Kasama sa sinisingil, ang pagpapanagot sa pinakamatataas na opisyal ng bansa.
09:26Iprinotesta rin ng environmental groups at youth group ang pagtugo ng gobyerno sa mga isyong pangkalikasan.
09:33Mala weather report ang kanilang puna sa pananalasan ng Anilay Bagyong Marcos.
09:38Magsak siya sa aspeto ng kalikasan. Yung flood control projects, hindi naman natin naramdaman dahil napakarami pa rin lubog.
09:463PM! 3PM!
09:49Nagtipon-tipon din ang mga taga-suporta ng administrasyong Marcos.
09:53Mula sa tatay, mula hanggang sa anak, nandito pa rin kami lumalaban. Nga loyalista!
09:58Tumataas po na tumataas yung sahod. Kailangan tumas pa.
10:04Tumatas ang bilihin.
10:05Tumas ang bilihin.
10:06Pataasan niya ng sahod.
10:07Tumataas.
10:07Pataasan niya ng sahod.
10:09Tumataas niya ng bigas.
10:10Tumaas naman po kahit papano.
10:12Wala nga yung patayan masyado. Walang mga AJK. So, peaceful sa 3 years niya.
10:20May mga nagagawa naman po siyang maganda.
10:22Tulad na ano po?
10:24Na mga sumasaklolo po sa mga nabahaan. Yun lang po.
10:30Ano ang pinaka gusto niyang nagawa?
10:34Bigas ang mabababa.
10:37Napababababigas. Napabababa daw po yung ibang bigas.
10:40Sa inyo po?
10:40May mabababa niya po.
10:41Sa akin na may trabaho po ako.
10:44Ang mga mambabatas namang nasa Batasang Pambansa,
10:47halo-halo ang reaksyon sa may gitsang oras na zona ng Pangulo.
10:50Puna ni Senadora Riza Ontiveros,
10:53hindi natalakay ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
10:56at pagtugon sa problema sa online gambling.
10:59Manipis na manipis itong zona tungkol sa ating mga manggagawa.
11:03Sinabi ni Presidente, accomplishment yung 20 pesos per kilo na bigas.
11:08Pero ilang economists na nagsasabi sa atin,
11:12hindi talaga sustainable yan.
11:14Pero pinuri niya ang pagbanggit ng Pangulo sa pagpapanagot
11:17sa mga kwestyonabling flood control project.
11:20At planong pagpapaganda sa servisyo ng tubig.
11:24Si ML Partylist Rep. Laila de Lima
11:26natuwa rin na nagbabala ang Pangulo
11:29kaugnay sa flood control projects.
11:31Pero may di raw nabanggit ang Pangulo.
11:34ICC case and then the impeachment case.
11:37Yung pagpapanagot sa dating Pangulo.
11:39And then yung sa Confidential Intelligence Funds,
11:43yung sa Vice President.
11:44Nabiti naman daw si Akbayan Partylist Rep. Chelle Diokno
11:47pagdating sa isyo ng edukasyon.
11:50Kailangan kasi natin mawala na tayo doon sa ibaba
11:53pagdating sa reading, math, science, and critical thinking.
11:57Wala akong narinig kanina na patungong solusyon doon.
12:01Kailangan din daw abangan kung matutupad ang mga benepisyon
12:04ng PhilHealth na ibinida ng Pangulo.
12:06This is a reaction eh to all of those scandals.
12:10Will the people under him actually carry it out?
12:14Kung bibigyan ko ng grade itong solan ng Pangulo,
12:16ibigay ko incomplete.
12:17Biti na bitin tayo.
12:19Kasi yung mga nabanggit niya,
12:20ito yung mga regular functions ng gobyerno.
12:22Walang nabanggit about wage hike.
12:24Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:28Sampung PDLO Persons Deprival of Liberty
12:43sa Batangas Provincial Jail tumakas.
12:46Lima ang arestado matapos makorner sa sinakyang bus
12:49sa Santo Tomas City, Batangas.
12:51Tatlo naman ang nadakib sa bayan ng ibaan
12:53ayon sa Calabarzon Police.
12:55Pinagahanap pa ang dalawang iba pa.
12:57Mahaharap sa kalagdagang kaso
12:59ang mga tumakas na inmate
13:00na nahulihan ng baril, patalim at cash.
13:04Dating Court of Appeals presiding justice
13:06Marie Flor Ponsalan Castillo
13:08ay tinalagang acting ombudsman.
13:11Kasuro dito ng pagriritiro
13:13ni ombudsman Samuel Martires.
13:15Special prosecutor sa ombudsman
13:17si Ponsalan Castillo mula noong October 2024.
13:21Dati na rin siya nagsirbi sa ombudsman
13:22noong ito'y Office of the Tanud Bayan pa.
13:25Naging west siya sa Quezon City
13:26mula 1993
13:28hanggang na ay talaga sa Court of Appeals
13:30mula 2004
13:32hanggang 2024.
13:34June Veneracion nagbabalita
13:35para sa GMA Integrated News.
13:39Nananatili sa pwesto
13:41ang mga pinuno ng Senado at Kamara
13:43ngayong 20th Congress.
13:44Senate President pa rin
13:46si Sen. Cheez Escudero
13:48matapos makakuha
13:49ng suporta ng Super Majority
13:51ng Senado.
13:52Si Sen. Jingo Estrada pa rin
13:54ng Senet Pro Tempore
13:55habang napiling Majority Leader
13:57si Sen. Joel Villanueva.
14:00Otomatikong Minority Leader
14:01ang natalo sa Senate Presidency
14:03na si Sen. Tito Soto.
14:05Sa Kamara naman
14:06si Congressman Martin Romualdez
14:08pa rin ang House Speaker
14:09matapos makuha
14:11ang 269
14:12sa 290 na boto
14:14ng mga kapwa-kongresista.
14:16Senior Deputy Speaker naman
14:17si Congressman
14:18David J.J. Suarez.
14:20Majority Leader naman
14:21ang anak ng Pangulo
14:22ng Pangulong
14:23si Congressman
14:24Sandro Marcos.
14:25Minority Leader
14:26si Congressman
14:27Marcelino Libanan.
14:29Sa gitna ng botohan
14:30sa Kamara
14:30nag-walk-out
14:32ang tatlong Duterte
14:33na si Paulo Duterte
14:34anak niyang si Omar Vincent
14:36at pinsan ni Paulo
14:38na si Harold.
14:39Gayun din ang kaalyado nilang
14:40si Congressman Isidro Ungap.
14:43Sabi ni Congressman
14:44Paulo Duterte
14:45ginawa nila yan
14:46dahil ang kinakatawa nila
14:47ay ang mga mamamayan
14:48ng Davao City
14:49hindi ang anyay
14:51political puppeteers
14:52o ang mga nagpapanggap lang
14:54na public servants
14:55sa kongreso
14:55pero pansariling interes
14:58ang habot.
14:58PBB's Big Winner
15:04Mika Salamangka
15:05personal
15:05na naghatid ng tulong
15:07sa mga nasalantan
15:08ng magkakasunod
15:09na bagyo
15:10at habagat.
15:11Kasama niyang
15:12nag-volunteer
15:12sa isang soup kitchen
15:14ang kapwa sparkle artist
15:16na si Will Ashley.
15:19Isa pang housemate
15:20na si AZ Martinez
15:21nakiisa
15:22sa pamamahagi
15:23ng relief goods
15:24sa Montalban, Rizal.
15:26Sa Quezon City naman
15:30naghatid ng tulong
15:31ang Dustby Duo
15:32o sina Justin Yu
15:33at Bianca Devera.
15:37Stars on the Floor
15:38host Alden Richards
15:39dumayo sa Malolos, Bulacan
15:41para mag-relief operations.
15:43I need to
15:44get out of my way
15:46and help.
15:46Sino-sino bang magtutulungan
15:47kundi mga
15:48tayo lang mga Pinoy, di ba?
15:50Napakalaking tulong po nito.
15:51Wala pong katulad
15:53yung biyaya na
15:53pinamimigay po
15:55ng kapwa at tao
15:56na bukas palad
15:58para sa lahat.
16:00Black carpet premiere
16:02ng P77
16:03dinagsa ng stars
16:05at fans.
16:06Pinagbibidahan
16:07ni Barbie Forteza
16:08ang first horror film
16:10ng GMA Pictures
16:11in 14 years.
16:13I'm just so overwhelmed
16:15right now
16:15kasi
16:16ang ganda
16:18ng
16:18set up
16:20ng aming
16:20premiere night.
16:22Pinakaabalahan talaga
16:23and ang daming tao.
16:25I'm so so happy.
16:27Mapapanood
16:28ang P77
16:29nationwide
16:30sa July 30.
16:31Aubrey Carampel
16:32nagbabalita
16:33para sa
16:33GMA Integrated News.
16:40Parang si bat
16:41na bumagsak
16:41ang isang eroplano
16:42sa gitna
16:43ng highway
16:43sa Italy.
16:45Nasawi
16:45ang dalawang sakay nito.
16:47Tatlo
16:47ang sugatan,
16:48dalawa sa kanila.
16:49Nasaktan
16:50ng madamay
16:50sa paglihab nito
16:51ang dalawang dumaang
16:52sasakyan.
16:54Iniimbestigahan
16:54ang pagbagsak.
17:02Ang gulay na
17:03sagana sa sustansya,
17:05pantawid buhay rin
17:06at simbolo
17:07ng bayanihan.
17:08Sa Tuguegaraw City,
17:10imbis na masayang,
17:11libreng ipinamahagi
17:12ng mga magsasaka
17:13ang kanilang mga aning
17:14toneto niladang sile
17:16at talong
17:17sa mga nasalanta
17:18ng bagyo
17:18at habagat.
17:20Napilitan na kasi
17:20silang anihin
17:21ang mga tanim
17:22dahil sa pangambang
17:23mabulok
17:24o masira
17:24ang mga ito
17:25sa pagulan.
17:27Taus puso naman nila
17:28itong naitulong.
17:30Sa Dugupan City naman,
17:31nagbigay ang mga
17:32fire volunteer
17:32ng relief goods
17:33at water supply
17:35sa mga binaha.
17:36Umabot sa mahigit
17:37isang libong individual
17:38ang kanilang natalungan.
17:43Yan po ang
17:44State of the Nation
17:45para sa mas malaking
17:46misyon
17:46at para sa mas malawak
17:48na paglilingkod sa bayan.
17:49Ako si Atom Araudio
17:50mula sa GMA Integrated News,
17:53ang News Authority
17:53ng Pilipino.

Recommended