Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/24/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, alamin na natin ang efekto ng tatlong bagyo at habagat at kung tuloy ang ulan hanggang weekend.
00:10Ang latest mula kay GMA Integrated News Weather Presenter, Amor La Rosa. Amor!
00:17Salamat Emil mga kapuso, patuloy po ang paghilos ng bagyong emong palapit po yan sa kalupaan ng Northern Luzon.
00:23Dahil po dyan itinasa po ng pag-asa ang signal number 4, dyan po sa may southwestern portion ng Ilocosura.
00:30Northwestern portion ng La Union at pati na rin sa may extrema northwest portion ng Pangasinana.
00:35Signal number 3 naman sa natitirang bahagi po ng Ilocosura.
00:38Natitirang bahagi ng La Union, northern at western portions ng Pangasinana.
00:42Southern portion ng Abra, western portion ng Mountain Province at pati na rin po dito sa western portion ng Benguet.
00:49Signal number 2 naman sa Ilocos Norte, ganoon din po sa natitirang bahagi ng Pangasinana.
00:53Natitirang bahagi ng Abra, Apayaw, Kalinga.
00:56Natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao at pati na rin po sa natitirang bahagi ng Benguet.
01:02Dito naman po nakataas din ang signal number 2 sa Babuyan Islands.
01:05Northern and western portions ng Mayland, Cagayana.
01:08Western portion ng Nueva Biscaya at pati na rin sa northern portion ng Zambales.
01:13Signal number 1 naman po sa Batanes, ganoon din po sa natitirang bahagi ng Cagayana.
01:17Western and central portions ng Isabela, Quirino.
01:21Natitirang bahagi ng Nueva Biscaya at ng Zambales.
01:24Tarlac, northern portion ng Pampanga at pati na rin po dito sa may western and central portions ng Nueva Ecija.
01:30Sa mga nabanggit na lugar, posibleng po makaranas ng masungit na panahon.
01:34Yan po yung malakas sa bugso ng hangin na may kasamang bugso ng ulan.
01:37Lalong-lalo na po yan sa signal number 4 at signal number 3.
01:40May banta rin po ng storm surge na isa hanggang tatlong metro po ang taas.
01:44Dito po yan sa ilang baybayin ng northern Luzon.
01:48Huling namataan ng pag-asa ang sentro nitong Bagyong Emong.
01:51Sa dagat po yan, nasako po ng Burgos, Pangasinana.
01:54Taglay po nito ang lakas ng hangin nga abot sa 120 kilometers per hour
01:58at yung pagbugso naman 150 kilometers per hour.
02:02Mabagal po itong kumikilos at yan po inaasahan po natin na patuloy po yan dito sa may West Philippine Sea.
02:07Pero sa latest track po ng pag-asa, magbabago po yan ang direksyon
02:11at unti-unti po yan aangat o kikilos pa northeast.
02:15Pwede po itong dumikit o tumama dito po yan sa may bahagi po ng Pangasinan
02:20o di kaya naman dito po mag-landfall sa may La Union or Ilocos Sur area.
02:25Ngayong gabi po yan o bukas po ng madaling araw.
02:28Saka po nito tatawi rin, ito pong northern Luzon hanggang sa makarating po dito sa may Babuyan Channel
02:33at posibirin dumikit o di kaya naman po tumama rin dito po sa may Babuyan or Batanes Islands.
02:40Pero mga kapuso, dapat pa rin po maging handa yung iba pang lugar na pasok dito sa atin pong nakikita dito na highlighted part.
02:47Ito po yung area of uncertainty.
02:49So kasama po dyan, Ilocos Norte, Apayaw, Cagayan, Kalinga Abra
02:52at pati na rin po ang ilang bahagi pa ng Cordillera.
02:55Ang pagkilos po ng Bagyong Emong na i-impluensyahan pa rin nitong Bagyong Dante
03:00na nakalabas na po ng Philippine Area of Responsibility kaninang alas 3 ng hapon.
03:05So nagkakaroon pa rin po yan ng interaksyon sa isa't isa.
03:08Samatala, naging bagyo na rin po yung LPA sa labas po yan ng Philippine Area of Responsibility
03:14at lumakas na rin bilang isang tropical storm na meron pong international name na CROSA.
03:19Ayon po sa pag-asa, hindi po natin inaasahan na tutumbukin po nito itong ating bansa
03:24dahil paangat o paakyat po yung magiging paghilos nito.
03:27Patuloy namang hinahatak ng mga Bagyong Emong at ganoon din itong Bagyong Dante
03:31ito pong hanging habagat o yung Southwest Monsoon na magpapaulan pa rin sa malaking bahagi po ng bansa.
03:38Base nga sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi may mga pagulan pa rin
03:41dito po yan sa halos buong Luzon.
03:43Ramdam na ramdam po yung pinakamatitinding pagulan.
03:46Dito po yan sa may Pangasinan, Ilocos Region.
03:49Kasama po dyan ito pong iba pang bahagi ng Central Luzon
03:52at ganoon din dito sa may Zambales, Bataan at Mindoro Provinces.
03:57Pati na rin dito sa ilang bahagi po ng Bicol Region.
04:00May mga kalat-kalat na ulan din dito po yan sa Western Visayas
04:03at pati na rin dito po yan sa may Zamboanga Peninsula.
04:07Bukas, matitinding buhos po ng ulan ang mararanasan.
04:09Dito po yan sa Ilocos Region pati na rin po sa ilang bahagi ng Cordillera.
04:14So yan po yung mga malalakas, nagkukulay orange at meron ding red and pink.
04:18Ibig sabihin po yan, intense to torrential o halos tuloy-tuloy na mga pagulan.
04:22May mga malalakas sa buhos ng ulan din dito po yan sa Central Luzon, Calabar Zone,
04:27ilang bahagi po ng Mimaropa lalo na po sa Mindoro Provinces
04:30at mga kalat-kalat na ulan naman dito po sa Bicol Region.
04:35Magpapatuloy po yan sa hapon at gabi at meron pa rin po mga malalakas sa pagulan
04:38lalong-lalo na nga dito sa Western Sections.
04:41At dito naman sa Metro Manila, may mga pabugsubogsong ulan pa rin po bukas dito sa ilang lungsod
04:48kaya patuloy po mag-monitor ng rainfall advisories ng pag-asa.
04:53May mga kalat-kalat na ulan din po dito po yan sa Visayas at Mindanao
04:56gaya dito sa may Panay Island at Negros Provinces,
04:59ilang bahagi po ng Central and Eastern Visayas,
05:02Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga
05:05at pati na rin dito sa Soksargen.
05:07Yan muna ang latest sa lagi ng ating panahon.
05:10Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center
05:14maasahan anuman ang panahon.

Recommended