DENR-MGB: Higit 600 barangay sa Cordillera, mataas ang posibilidad na bahain at magkaroon ng landslide; ilang lugar sa Abra, ‘isolated’ dahil sa pagtaas ng lebel ng Abra River | ulat ni: Brigitte Marcasi-Pangosfian - PTV Cordillera
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Pumakit na sa higit anim na raan ang bilang ng mga barangay sa Cordillera Region na nahaharap sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
00:09Kaya naman, inirekomenda na ng Mines and Geosciences Bureau sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng preemptive evacuation.
00:17Si Bridgette Marcasi Pangosfian ng PTV Cordillera sa Detali.
00:24Ngayong tuloy-tuloy ang pag-uulan dahil sa habagat at sunod-sunod na bagyo.
00:28Pangunahing banta sa Cordillera Region ang pagguho ng lupa.
00:34Sa inilabas na Regional Geohazard Threat Advisory ng DENR, Mines and Geosciences Bureau,
00:41mahigit anim na raan ang barangay na sa Cordillera ang may mataas na posibilidad ng rain-indus flood and landslide.
00:49Karamihan sa Benguetta, Kalinga, Ifugao at sa Apayaw.
00:53Inirekomenda ng MGB sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa na ng preemptive evacuation sa mga residente na naninirahan sa itinuturing na high to very high susceptible areas.
01:07Tulad sa Itogon, Benguetta na nakapagdala ng malaking insidente ng landslide sa mga nagdaang bagyo.
01:14Epektibo pa rin ang kautosan sa pansamantalang pagtigil ng small-scale mining operation.
01:20Dahil sa patuloy na rock slide at unstable slope, nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang Kennon Road na isa sa mga pangunahing kalsada paakyat ng Baguio City.
01:32Nakasara rin ang ilang road sections sa Apayaw-Ilocos-Northy Road, Governor Bado Dangwa National Road at Mountain Province Isabella Road dahil sa soil collapse, road slip at na washout na bahagi ng kalsada.
01:48Nakapagtala na ang Department of Public Works and Highways Cordillera ng 49 million pesos na halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura at tinatayang 97 million pesos ang kinakailangan sa pagsasayos ng mga nasirang kalsada.
02:05Ang isa po dyan ay, for example, yung mga movement na ginagawa natin sa kalsada at yung mga iba pong activities na widening at yung ano po, wala po tayong mga slope protection sa mga ibang road sections.
02:22Sa Abra, nananatiling isolated ang ilang barangay sa Bangged, San Quintin at Langiden. Tumaas kasi ang tubig sa Abra River at wala pang tulay kaya pahirapan ang pag-abot ng tulong sa mga apektadong komunidad.
02:38Tinututukan ng mga lokal na pamahalaan ang mga low-lying area sa Abra para sa posibleng banta ng pagbaha.
02:46Kailangan talaga po, raft or bangka po ang gagamitin mo para mag-abot yung mga wood.
02:53Pagka once po na yung bagyo, dumating talaga po impossible na po siya and na-wash out po yung food fridge na yun.
03:02Mag-ingat pa rin po, stay safe and stay dry.
03:05Huwag po lumusog sa kung saan-saan. Kung hindi ito mahalaga, huwag na lang po lumabas ng mga kabahayan ninyo.
03:13Sa Apayaw naman, naabutan na ng tulong ang apat na barangay sa Kalanasan, Apayawa na isolated dahil sa pagguho ng lupa sa mga kalsada.
03:30Mahigpit na pinaghahandaan ang posibleng epekto ng panibagong bagyo.
03:34At ito yung low-lying areas, nai-warning ko mga nito yung LGUs tayo na mag-evacuate kayo at mag-evacuate.
03:43And anyway, dapat na mag-evacuation centers tayo na readily available.
03:48Kabilang ang buong Cordillera region sa nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal dahil sa banta ng Bagyong Emong.
03:55Sinuspendi na rin ang ilang lokal na pamahalaan sa Cordillera ang outdoor tourism activities, batay sa rekomendasyon ng Department of Tourism.
04:06Mula rito sa Baguio City, para sa Integrated State Media, Bridget Marcasi, Pangosfian ng PTV.