Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/23/2025
Mga insidente ng landslides at rockslides, naitala sa ilang bahagi ng Cordillera; iba’t ibang ahensya, naghahanda sa epekto ng 2 bagyo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At patuloy pa rin naka-alerto ang Cordillera region lalo na at dalawang bagyo na ang nasa bahagi ng Northern Luzon.
00:08Si Janice Dennis ng PTV Cordillera sa Detalye.
00:12Sa pagdaan ng bagyong krising, kabi-kabilang insidente ng pagguho ng lupa at bato ang naitala sa iba't ibang lugar sa Cordillera.
00:22Nagkaroon din ng pagbaha sa mga mababang lugar, gaya sa banggat at langiden sa Abra.
00:28Isolated ang ilang barangay.
00:30Kailangan pa ng bangka at balsa upang maiparating ang tulong ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng bagyo.
00:38Ngayong nararanasan pa rin ang epekto ng habagat.
00:42Muling naghahanda ang iba't ibang ahensya sa magiging epekto ng bagyong Dante at bagyong Emong.
00:48Kapag sinabi natin tuloy maging bagyo, ito ay malakas.
00:51Malakas, kanyang circulation, may kanyang sustaining strength siya.
00:56At ang epekto nito ay may enhance din niya yung southwest munsoon.
01:01So, nanakas din yung ating pag-ulan dito sa ating EOR.
01:05Kaya taasahan natin na tuloy-tuloy pa rin yung pag-ulan.
01:08Ayon sa pag-asa, umabot sa mahigit 400 millimeters ang naitalang rainfall sa kasagsagan ng bagyong krising.
01:17Kaya lumambot na ang mga lupa at mataas ang posibilidad ng pagguho sa tuloy-tuloy na pag-uulan.
01:23Pinaalalahanan naman ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense Cordellera
01:31ang lahat ng lokal na pamahalaan na maging proactive sa mga binabantayang sama ng panahon.
01:38Dapat din silang magsagawa ng risk assessment at maglagay ng warning signages sa mga delikadong lugar.
01:44Alamin na po natin kung saan po yung mga malalapit na evacuation centers na ligtas.
01:50At siguraduhin natin na sa pamilya natin, handa rin po tayo.
01:54Mayroon tayong mga go-bags, may mga inaimbak na po tayong pagkain.
01:58Handa po tayo doon sa mga plano po natin bilang isang pamilya.
02:01Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development Office Cordellera
02:05ang sapat na food and non-food items na ipinamamahagi sa mga maaapektuhan ng panibagong bagyo.
02:13Ayon sa ahensya, aabot sa 50,000 family food bags at 21,000 non-food items
02:21ang naipamigay sa lahat ng lalawigan na magagamit sa panahon ng kalamidad.
02:26We have even 3 million standby funds na nakahandang gamitin
02:31just in case na mabibitin tayo sa ating mga food and non-food items.
02:37So overall, worth ng stockpile natin is about 82 million worth of stockpile.
02:43Ang meron tayo just in case to provide augmentation sa ating local government unit.
02:48Patuloy ang pagkakaloob ng DSWD ng tulong sa mga naapektuhang pamilya sa regyon
02:54dahil sa bagyong krising at habagat.
02:57Umabot na sa 8,700 na pamilya.
03:01Umahigit 27,000 na individual ang naapektuhan
03:05habang labing siyam na bahay ang nasira dahil sa bagyo.
03:09Nagdeploy ang DSWD ng mobile kitchens sa Upper Market Evacuation Center sa Baguio City
03:16na nagbigay ng on-site food support sa mga pansamantalang tumutuloy sa evacuation center
03:22mula rito sa Baguio City para sa Integrated State Media
03:26Janice Dennis, PTV Cordellera

Recommended