Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/24/2025
Panayam kay BFP Chief Dir. Jesus Fernandez ukol sa full alert status ng ahensiya sa epekto ng habagat at paghahanda sa Bagyong #DantePH at #EmongPH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Full alert status ng Bureau of Fire Protection sa efekto ng habagat at paghahanda sa Bagyong Dante at Emong,
00:06ating pag-uusapan kasama si Director Jesus Fernandez, ang hepe ng Bureau of Fire Protection.
00:12Director Fernandez, magandang tanghali po.
00:15Opo, magandang tanghali po at magandang tanghali sa lahat ng mga viewers po ng PTV4.
00:21Una po sa lahat, ano po ang ibig sabihin kapag nakataas ang full alert status ng BFP?
00:26Ang full alert status po, ang tinatawag namin sa Bureau of Fire Protection ay lahat po ng ating mga personnel ay kinol natin sa active duty at pinareport po natin sa ating mga fire station.
00:40Simula pa po noong Friday, last week, ay nagdeklara ng ating opisina ng full alert status para mayroong mga personnel na pwede natin i-deploy
00:50in times na kailanganin natin ng mga rescue operations o yung clearing operations o yung mga evacuation ng ating mga kababayan.
01:02Director Fernandez, ilang porsyento po dun sa nabanggit yung personnel ang nakadeploy para dun sa response operations?
01:10Kasi obviously, sunog pa rin po yung main mandate o yung pag-apula.
01:15Pero ano po yung bilang ng personnel natin na nakalaan po para sa rescue at response operations?
01:23Sa kasalukuyan po, meron tayong 37,689 personnel na nakadeploy po.
01:31Ito po ay binubuo ng mga personnel na natin na nakadeploy sa fire station na may 31,435.
01:42Meron din po tayong mga special rescue force na 2,649.
01:48Ito po ay yung gine-deploy natin using our rescue vehicles.
01:53At meron pong mga EMS personnel natin na 3,605 na ito po yung personnel naman po ng mga ambulansya po natin.
02:04Ano-ano naman po ang kagamitan, ang nakapreposition para sa mga operasyon?
02:09At sa anong mga region po ang pinaka-tinututukan ngayon ng BFB?
02:13Sa ngayon po, meron po tayong 2,958 na fire trucks na na-deploy.
02:21Meron pong CSS truck, ito yung rescue truck po natin na nakadeploy po, 62.
02:27Ambulansya po natin ay meron 289.
02:31At meron po tayong mga rubber boats at other watercraft na nakadeploy po.
02:37Ito po ay almost mga 40 units po.
02:41Sa most affected areas po na binabantayan ng BFB, NCR po ang pinakamalaki ng ating deployment.
02:49Meron po tayong almost mga 5,000 na personnel nandun.
02:55At yung na-evacuate po ng mga families.
03:00Sa NCR po merong 16,427.
03:05Sa region 3 po merong 5,738 families.
03:10Sa region 4A may 3,323.
03:13Ang region 2 po may 993.
03:16At ang region 1 po may 711.
03:19Ito po ay in coordination sa ating iba't-ibang LDRRMO sa mga local government units.
03:27At kami po ay, we coordinate with our LDRRMO in terms of our responses.
03:36Ano po ang halimbawa po ng tulong na ibinibigay ng BFB?
03:42Kasi nabanggit nyo po, nakikicoordinate kayo sa NDRRMO.
03:46Pero kunyari po, nasa binahang lugar po ang mga kawani ng BFB.
03:50Ano po specifically ang tasks o ginagawa ng inyong mga kawani?
03:54Unang-unang na po, kami po yung inatasang mag-road clearing.
04:02Kasi may mga equipment po kami gaya ng mga chenso.
04:05At may mga aqualapse structure po na pagka malakas po ang hangin,
04:11ay natutumba po yung mga kabahayan.
04:16Doon po kami nag-responde.
04:18During flooding, pagkababa ng baha, ay may mga putik po.
04:27Nagkakandak din po kami ng flushing sa mga daanan.
04:31At yung mga kabahayan po na nabaha, pagka maraming putik,
04:35ay nagkakandak din po kami ng flushing.
04:39At of course, sa mga evacuation centers po,
04:41ay nag-deliver po kami ng mga tubig para sa ating mga evacuies.
04:46At saka may mga other activities gaya ng mga kakailanganin ng ating mga barangay na mga tubig,
04:55ay kami po ang tinatap ng mga ating mga local government units para mag-deliver po ng tubig.
05:01Ang BFP rin po ba, ginagawa nyo rin po yung search and rescue?
05:07At kung ginagawa po ninyo, may inisyal na datos po ba kayo sa bilang ng casualty at mga individual pa
05:14na kasalukuyang nawawala batay sa inyong search and rescue efforts?
05:18Sa kabuhan po, ang BFP ay nagkandak ng 2,554 search and rescue activities.
05:27Meron pong na-retrieve ang Bureau of Fire na 11 na dead or cadaver na na-retrieve natin.
05:37Ito po ay in coordination po sa mga LDR-RMO na kasama po natin sa pag-retrieve.
05:46At sa kasalukuyan po ay merong hinahanap na 6 na mising doon sa mga flooding na nangyayari sa ating bansa.
05:56Director Fernandez, ngayon po ba o sa mga nakarang araw, meron po ba kayong mga hamon o challenges na kinaharap
06:06sa pagsasagawa po ng inyong mga operasyon at pagbibigay po ng Humanitarians at Disaster Relief Assistance Activities?
06:16Opo, dahil po sa patuloy na pagulan ay syempre na aantala po yung pagbigay natin ng mga rescue operations
06:24sa ating mga kababayan, lalong-lalong na po kung mataas na po yung mga tubig-baha,
06:31ay kakailangan natin na talaga ng mga equipment na pang-rescue sa kanilang mga tahanan.
06:40Ang pangalawa pong hamon namin, of course, yung mga power interruption na na-experience natin.
06:47May mga electrocution po kasi na nangyayari.
06:50At of course, pagka pinasok po ng ating mga personnel, yung mga bahay,
06:55ay titignan natin mabuti kung nakalive pa yung mga electrical system nila
07:01dahil yun po ang dahilan kung bakit may mga electrocution.
07:06At ang isa pa naming natitignan na challenges, of course, yung limited naming mga equipment,
07:14of course, pero sa ngayon ay continuous pa rin yung Bureau of Fire Protection
07:19to procure more rescue equipment para sa ganon ay magamit natin in times of this calamities.
07:27Ano naman po yung mga karagdagang paghahanda ng BFP dito sa Bagyong Dante at Bagyong Emo?
07:33Naka-full alert status pa rin ang ating mga personnel on field
07:40at anuman yung maitulong ng ating mga BFP in coordination with other rescue agencies
07:48ay readily available naman po ang ating mga personnel para tumulong.
07:53May mga personnel din po tayo na naka-deploy dun sa mga repacking warehouse ng DSWD.
08:02Tumutulong din tayo para sa ganon ay tuloy-tuloy pa rin po yung pagbigay ng mga ayuda
08:08sa mga nasalantan ng baha.
08:12At yung mga other personnel naman po ay naka-standby sa fire station
08:21para kung may mga kailanganin ang ating local government unit na additional personnel
08:26ay mayroon pong maipabadala ang BFP to support yung LG.
08:32Okay, maraming salamat po sa inyong oras, Director Jesus Fernandez,
08:37ang jepe ng Bureau of Fire Protection.

Recommended

1:17:55
Up next