Panayam kay National Anti-Poverty Commission Lead Convenor, Sec. Lope Santos III ukol sa update sa antas ng kahirapan sa bansa at mga programa para dito
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Updates sa antas ng kahirapan sa bansa at mga programa para dito ating tatalakayin kasama si Secretary Lopez Santos III,
00:09ang lead convener ng National Anti-Poverty Commission.
00:12Secretary, welcome back po.
00:14Maraming salamat, ASEC, Joey, at nandito ulit kami para bakipag-unglayan sa ating mga kababayan.
00:21Sir, ang goal natin, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay magkaroon ng single-digit na yung poverty rate by 2028.
00:35So ano na po yung ginagawa natin to achieve this?
00:38Ang approach pa rin natin ay yung whole of nation and whole of government approach.
00:43Dapat talaga sama-sama tayong lahat dito.
00:45At tayo naman sa National Anti-Poverty Commission ay pinapatupad natin yung tinatawag nating National Anti-Poverty Action Agenda.
00:54Dito na nakatakda yung ating mga mungkahing pulisiya para sa pagpapaunlad ng ating laban sa kahirapan.
01:01At tayong National Poverty Reduction Program na nilalaman naman ito yung mga programa ng iba't ibang ehensya ng ating pamahalaan laban sa kahirapan.
01:08At itong nakaraang buwan ay pinatupad natin yung National Poverty Reduction Summit upang makita natin ano na yung antasong ating mga programa.
01:21Sino po yung mga lumahok from government at private sector dito sa summit na ito?
01:26Natutuwa tayo. Maraming lumahok. Around 800 delegates tayo mula sa halos 50 national government agencies, international organizations, private sector, mga NGOs, civil society organizations.
01:43At yung mga batayang sektor ay halos 400 yung umatend.
01:47So napakalaki at napaka productive ng ating talakayan dito.
01:53Para maiahon natin yung mga kababayan natin sa kahirapan, ang tinitingnan natin, Mr. Secretary, ay may sapat ba silang pagkain?
02:01Malusog ba sila? May edukasyon sila? May trabaho sila? May tahanan sila?
02:05Sa limang ito, ano pa yung pinakanananatiling challenge natin na kailangan talaga natin tutukan?
02:12Itong five fundamental rights ito ay nakatakda ayon sa Magna Carta of the Poor.
02:18Kaya ito talaga yung tinutukan.
02:20Ang lahat ng ito ay may kanya-kanyang hamon.
02:23At kagaya dun sa pagkain, ito naman ay tinutugunan ng ating mga ahensya at nangunguna dito ang Department of Agriculture.
02:31Yung edukasyon, ito ay Department of Education at nangunguna naman dito kasama nila ang DepEd at TESDA at SED.
02:42Yung hanap buhay, DOLE, yung lead agency natin dito kasama rin mga ibang organization at yung pabahay.
02:49Ito yung pabahay, ito yung sa DESUD na pinapangunahan naman.
02:55So, yung lima na ito ay mayroong kanya-kanyang nangunguna.
02:58At lahat ng hamon na yan.
02:59At syempre, isa sa nakikita naming malaking hamon talaga ay yung sa kalusugan na nangunguna naman dito yung Department of Health kasama yung ibang ensya ng pamahalaan.
03:08Pero ganun pa man, may mga challenges sa pagpapatupad ng mga programa ay maayos yung ating mga implementasyon ng programa.
03:16Doon naman, Secretary, doon sa Walang Gutom 2027 Philippine Food Stamp Program, ano po yung mga pinaprioritize nating area para maisakatuparan yung programa nito?
03:27Ito yung pinapangunahan ng ating DSWD.
03:30Ang target nila dito ay makabot ang isang milyong pamilya.
03:34Sa ngayon, ang target for 2025 ay mga around 300,000 families.
03:40At gusto nga natin dito ay mas dagdagan pa yung target dito.
03:45At maabot natin immediately yung tinatarget na 1 million families at i-address yung no hunger, zero hunger na target natin sa ating bansa.
03:57Sa buong mundo, Secretary, tumataas yung kaso ng mga mental health cases.
04:04Tapos mental wellness ang nagiging priority, pati po yung pagkakaroon ng access to health care.
04:12So paano po natin tinutulungan ng ating mga kababayan na magkaroon ng access to universal health care, pati na rin yung mental health needs?
04:22Alam mo, bahagi talaga ito nung ating ginawang National Poverty Reduction Summit.
04:28Yung mental health, it's one of the subtopic doon sa health concerns at maraming tumutulung dito.
04:37Merong kanya-kanya silang trabaho sa pag-address ng mental health issues.
04:41Kasama dyan ang Department of Education para sa mga UTN students natin, para sa mga may trabaho naman, nandyan din yung DOLE.
04:49Yung DSWD, lalo na kung may mga disasters and calamities, nandyan.
04:54Marami ito, kasama natin iba't ibang mga ahensya.
04:57Addressing, decomprehensive concerns and detailed issues regarding mental health.
05:02At ito ay tinutugonan din doon sa kabuang tinatawag nating universal health care na ipinapatupad talaga at pinapangunahan ng Department of Health.
05:11Nabanggit nyo, Mr. Secretary, hindi lang kanina, pero sa mga previous discussions natin na marami talagang ahensya na nagtutulungan para mapuksa ang kahirapan.
05:21Nabanggit nyo rin ngayon, DOLE, DSWD, TISUD, among other agencies.
05:25Pero paano nyo po tinitiyak na meron tayong convergence ng mga programang ito at hindi po kumbaga kalat-kalat ang ating layunin para mapuksa ang kahirapan?
05:38Iyan mismo yung pinagtutunan ng pansin ng National Anti-Poverty Commission.
05:41That's why we are also engaging the local government units.
05:45At yung tinatarget natin ng mga priority sector, priority areas kung saan nandun yung mga mahihirap na pamilyang Pilipino ay magkaroon ng harmonization yung ating mga programa ng National Government Agencies
05:59at mag-converge yung NGAs natin dun sa mga local government units focusing on the priority areas and sector na ang mga mahihirap na pamilya nandun.
06:11At nakita natin, nagsasama-sama talaga yung mga agencies.
06:16They coordinate directly with local government units para ma-deliver yung kanilang mga programa.
06:23Halimbawa, sir, meron kayong programa on the national level. Paano po ito pinapatupad naman ng local government?
06:29Alam mo, marami kasing programs and services ay devolved sa local government units.
06:34Dahil ito ay devolved, yung national government agencies natin really coordinate with the LGUs.
06:39And in many cases, dun pa lang sa pag-design ng mga programa, ay involved na yung ating mga local government units.
06:46And ito yung mga tinututukan pa natin dun sa mga susunod na pag-design ng ating mga programa laban sa kahirapan
06:53ay ma-involve na kaagad yung local government units para mas eksakto dun sa kanilang pangangailangan
06:58yung mga pinuponduhan ng ating national government agencies.
07:01Sir, may kasabihan po na hindi ka lang dapat magbigay ng isda sa isang tao.
07:07Kailangan turuan mo siyang mangisda.
07:10So, paano po natin ini-involve yung nasa mga kababayan nating nagdarahop
07:19para maging bahagi sila ng solusyon sa pagbuksan ng poverty?
07:23Natutua tayo yung ating batayang sektor. Ang assertion nila is they are not just beneficiaries
07:29but they are part of the solution. Bahagi sila ng solusyon.
07:34At natutua rin tayo yung ating mga national government agencies ay nakatuon dun sa mga sustainable livelihood programs,
07:43sustainable projects that our basic sector shall be involved.
07:48Kasama sila, yung mga magsasakan natin, mga maging isda, kasama sila sa pagpapatupad ng mga programa na ito.
07:55Ganon din yung mga workers in the informal sector, yung mga kababaihan, senior citizens, at mga indigenous peoples.
08:00Lahat ng sektor ay tumutulong. Meron tayong tinatawag na kada sektor ay merong institutional partnership with our national government agencies.
08:09Kaya maganda yung ugnayan. At itong ugnayan na ito at the national level ay i-replicate natin at the local levels.
08:16Bilang panghuli na lang siguro, sir, paano natin tinitiyak na itong mga programa natin para puksain na ang poverty ay long-term at hindi kumbaga remedyo lamang?
08:28Well, merong mga short-term talaga tayong interventions.
08:33Pero ang overall target natin ay yung sustainable programs and projects.
08:39Like, halimbawa, yung sustainable livelihood program ng DSWD, yung employment and livelihood program ng DOLE, yung mga programa ng TESDA, ng DTI.
08:53Ito yung mga maraming program ito.
08:54At even yung ating mga public infrastructure, public utilities program, are leading towards sustainable poverty reduction programs.
09:05Parang sinalang ko kayo, Sec, sa FAST Q&A, no?
09:09Okay lang.
09:10Maraming salamat po sa inyong oras, Secretary Lopez Santos III, ang lead convener ng National Anti-Poverty Commission. Thank you, Sec.
09:18Maraming maraming salamat at naging bahagi muli kami ng bagong Pilipinas ngayon.