00:00Kasabay naman ang malawakang epekto ng habagat at bagyo.
00:04Inikot ng pamunuan ng DSWD ang maraming evacuation centers.
00:08Bugot sa sapat na supply ng relief goods,
00:11tiniyak at kinumustari ng kagawaraan ang kaligtasan at kalusugan ng mga bakwi.
00:16Ang detalyes sa report ni Denise Osorio ng PTV.
00:21Personal na nag-ikot si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga evacuation center.
00:26Ito ay para tiyaking maayos ang distribution ng tulong at ligtas ang kalagay ng mga evacuees.
00:33Ito ang mahigpit na bilian ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.
00:40Alam niyo, mahigit 200,000 na na family food packs ang lumabas sa bodega ng DSWD.
00:46This goes to local government units na dagdag suporta para sa kanilang mga constituent na lumikas.
00:52Dagdag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, naka-preposition na ang halos 3 milyong food packs sa buong bansa bago pa man tumama ang bagyo.
01:01Kasama sa nabigyan ng tulong ang senior citizen at solo parent na si Nanay Carmencita na taga barangay 164 ng Kaluokan.
01:10Meron siyang anak na PWD.
01:12Nawala ng bubong ang kanyang bahay dahil sa malakas na hangin at ulan.
01:16Maraming maraming salamat po sa DSWD. Sana po lalo pang palawigin ang pamimigay sa aming mahihirap.
01:26Lalong lalo na po yung mga senior.
01:28Kaya malaking bagay po itong binigay niyo.
01:31Pag may ayuda po kahit papano, pumipila naman po kami.
01:34Tiyaga-tsyaga lang po.
01:37Salamat po.
01:38Pero hindi lang relief goods ang sadya ni Gatchalian sa mga evacuation center.
01:42Nag-check rin ang kalihim sa kaligtasan ng mga evacuees.
01:46So nag-iikot rin tayo sa mga evacuation center para makita natin kung yung mga safe spaces para sa mga vulnerable ay napapatupad.
01:54Kasi nasa batas yan na dapat kapag may ganitong sakuna, mayroong safe space para sa mga pregnant and lactating women, yung mga nagbubuntis.
02:02May mga space para sa mga kabataan.
02:04Mayroon tayong safe space para sa mga people with disability, pati na rin sa mga senior citizen.
02:08And so far, sa lahat na naikutan natin, talagang compliant ang ating mga local government units.
02:13Pero iikutan pa rin natin yung iba para magpag-igting natin yung proseso na yun.
02:17Sa Talipapa High School sa barangay 164 ng Kaloocan, kapansin-pansin naman ang bayanihan ng mga guro, estudyante at lokal na pamahalaan.
02:25So kami po dito po sa Talipapa High School, gumagawa po kami, nag-organize na po yung faculty club namin ng mga pwedeng tulong na ibigay sa mga estudyante natin as well as dun sa mga families nila.
02:41Siyempre yung SSLG officers din po natin, gumagawa din po sila na donation drive para maipabot po yung mga tulong nakakailanganin nila.
02:49Isa si Joshua sa mga gurong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante na sa lanta ng bagyo.
02:56Binaha ng lagpas tao ang kanyang bahay, pero inisip pa rin niya ang kapakanan ng mga mag-aaral.
03:03Siyempre po, number one, mag-a-adjust po tayo bilang mga teachers.
03:07Mag-a-adjust po tayo para dun sa mga estudyante natin na talagang kailangan pa pong ayusin yung kanilang mga bahay.
03:14Especially doon sa mga students natin na wala pang, wala ng mga gamit dahil inaanood na ng baha.
03:22So mag-a-adjust po tayo and at the same time mag-a-extend po tayo ng help para sa kanila.
03:26Para sa Integrated State Media, Denise Osorio ng PTV.