Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Ilang residente sa Marikina, naghahanda pa rin sa dalawang bagyo sa loob ng PAR

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, hindi pa rin kampante ang mga residente sa Marikina City.
00:04Sa gitna po yan ang pagbaba ng level ng tubig sa Marikina River.
00:09Ito'y dahil sa dalawang bagyong nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:14Yan ang ulat ni Ryan Lesiguez live.
00:16Ryan?
00:20Dominic, patuloy nga yung pagbaba ng level ng tubig sa Marikina River.
00:24Katunayan, bago magtanghali ngayong araw, ay nasa 14.5 meters na lamang yung level dyan sa Marikina River.
00:31Maghapon ng halos maganda ang panahon dito sa Marikina, pero hindi pa rin nagpapakampante.
00:36Yung ilang mga residente na nakatira sa low-lying areas, katunayan, hanggang sa ngayon,
00:40ay nananatili pa rin yung ilan sa kanila dito sa iba't ibang evacuation center ng lungsod.
00:45Hindi kasi sila nagpapakampante dahil sa posibleng malakas na ola naman na dulot ng dalawang bagyo
00:52sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:54Balik normal na ang level ng Marikina River simula kagabi.
01:02Nasa 14.9 meters na lang kasi ang level ng tubig sa Marikina,
01:06pero ang ilang residente mula sa Barangay Malanday hindi pa nagpapakakampante,
01:10lalo pat may dalawang bagyo sa loob ng par.
01:13Si Nanay Lolita, magtitiis daw muna ng ilang gabi sa evacuation center para matiyak lang
01:19ang kaligtasan niya at ng kanyang buong pamilya.
01:21Takot si Nanay Lolita na maranasan muli ang trauma at takot na kanilang inabot nung nanalasa ang bagyong undoy.
01:29Ang kanila kasing bahay, nasa paanan lang mismo ng ilog.
01:32Nanginginig ako nung nag-undoy, nung wala pa kami.
01:35Pagka maan na yung tubig sa karsada pa lang,
01:39nanginginig na po ako tapos yung ibang gamit namin,
01:42nakikilagay kami sa ibang bahay na may mataas.
01:45Kaligtasan din ang kanyang buong pamilya ang iniisip ni Cheryl kung kaya't di muna sila uuwi sa kanilang bahay.
01:51Mahirap daw kasi ang biglaang paglikas kung sakaling muling tumaas ang tubig baha dahil may 6 na taong gulang siyang anak.
01:58Buko dito, ay wala pa rin daw kuryente at tubig sa kanilang bahay.
02:02Parang panigurado na lang kasi mahirap baka mamaya matrap o kung ano.
02:06Ang gamit, ika nga mapapalitan pero siyempre ang buhay, di na pwede pag mawala.
02:10Pero kung si Nanay Lolita at Cheryl mananatili muna sa evacuation center,
02:15si Gina, nakaipo na daw ng lakas ng loob para umuwi.
02:18Hindi daw kasi maayos na nakakapagpahinga sa evacuation center ang kanyang tatlong taong gulang na anak.
02:24Medyo po, yung DR po kasi.
02:29Minsan wala pong tubig, mahirap pong kumilos.
02:31Babalik na lang kung increase o gandyan na po yung tubig sa labas.
02:34Ayon sa Marikina CDRRMO, bagamat normal na ang level sa Marikina River,
02:38hindi pa rin daw nila hinihimok na bumalik sa kanilang mga bahay ang mga bakwit.
02:43Bate daw kasi sa pagtaya ng pag-asa, maraming ulan pa rin ang dala ng bagyong Dante at Emong na maaring sabayan pa ng habagat.
02:52Dominic, bago tayo omere ay bumuhos na yung ulan na dito sa Marikina City.
02:58At bate nga sa pagtaya ng CDRRMO ng Marikina,
03:01mula doon sa halos 25,000 individual na inilikas,
03:04dahil nga doon sa pagbahaadulot ng habagat,
03:07ay nasa mahigit 3,000 na lamang yung nananatiling ngayon sa iba't ibang evacuation center.
03:12Kabilang na itong ating kinaroroonan ngayon dito sa Malanday Elementary School.
03:16At ito, yung ilang mga evacuation centers,
03:17kung ikukumpara mo nung nakarang mga nakarang araw,
03:20mas maluwag na sila dito ngayon dahil yung iba nga ay nagsipagbalikan na sa kanilang mga bahay.
03:26Tiniyak naman ang lokal na pamahalaan, Dominic, na sapat pa yung kanilang supply,
03:31particular na yung relief goods, family food packs,
03:34at iba pang pangailangan ng mga backwit.
03:36Hanggang sa mga susunod na araw,
03:38kung sakasakali mang madagdagan pa itong mga backwit,
03:40dahil nga doon sa inasahan na epekto ng dalawang bagyo.
03:43Dominic.
03:44Ryan, batay sa pre-disaster risk assessment ng Marikina disaster officials,
03:52ano-ano yung mga worst case scenarios na pinagahandaan nila
03:55sakali nga na lumakas pa itong bagyo at paigtingin pa itong hanging habagat.
04:01Diyan sa barikina, Ryan.
04:06Well, tama ka dyan, Dominic.
04:07Nakatutok ngayon yung City Disaster Risk Reduction and Management Council
04:11doon sa posibleng buhos ng ulan na posibleng dalangan nitong nagdaang bagyo.
04:17Kasi kung ating maalala, Dominic, nitong nagdaang habagat,
04:19halos 103 millimeters na ulan yung dala ng habagat.
04:23Katumbas siya ng halos isang buwan na buhos ng ulan.
04:25Pero malaking bagay daw, Dominic,
04:27yung patuloy na sinasagawang dredging ngayon dito sa Marikina River.
04:31Kung kaya't hindi ganun, kahit mataas na yung tubig sa Marikina River,
04:36hindi naman ganun kataas yung tubig sa mga komunidad, sa mga bahay,
04:40dahil nga lumuwag at tumaas yung carrying capacity ng ilog.
04:46At sa ngayon nga, isang sa direktiba ng lokal na pamahalaan,
04:50sa pamamagitan ni Mayor Maancho Doro,
04:52ang tuloy-tuloy na paglilinis sa ilog,
04:54maging doon sa kanilang mga drainage, mga emburnal,
04:56para kahit tuloy-tuloy yung pagubuhos ng ulan dito,
04:59ay hindi ganun kataas yung magiging baha
05:02sa nasa labing isang barangay na madalas binabaha dito sa Marikina.
05:06Dominic.
05:06Ryan, mas dumoble ba o naging agresibo ang Marikina City Government
05:11doon sa kanilang risk communication strategy
05:15para nga mabigyang babala itong mga residente ng Marikina?
05:19Ryan.
05:22Yes, tama ka dyan, Dominic, dahil sabi nila
05:25at pag ganitong may kalamidad, dapat mabilis yung pagtugon.
05:29Kung kaya't nakaalerto ngayon, yung CDRR mo,
05:33katunayan, nandun tayo kanina, Dominic,
05:34at bagamat kalmado yung Marikina River,
05:37nagsimula ng magsiauwian yung ilang mga residente,
05:40nakaalerto pa rin sila doon
05:41at tuloy-tuloy yung pagtanggap ng tawag
05:44mula doon sa mga residente
05:45na posibleng mga ngailangan ng tulong
05:47kung sa kasakaling kailanganin
05:49para mabilis yung kanilang pagtugon.
05:50Dominic.
05:51Alright, maraming salamat, Ryan Laziguez.
05:53Let's see you guys.

Recommended