Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
PBBM, nakatutok sa sitwasyon ng bansa; pamimigay ng pagkain serbisyong-medikal, supply ng tubig at kuryente, pinatututukan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kabila po ng pagiging abala sa official visits sa Washington, D.C. sa Amerika,
00:05nakatutok pa rin po si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sitwasyon sa Pilipinas.
00:10Ipinag-utos po ng Pangulong pagsuspinde sa lahat ng SONA-related preparation activities
00:15para matutukan ang pagtugon sa mga naapektuhan po ng masamang panahon.
00:20Si Kenneth Paschenta sa report.
00:22Tutok sa kalagayan ng bansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26sa harap ng nararanasang pagbaha dulot ng malalakas na pagulan bunsod ng habagat.
00:31Bago pa man ang kanyang pagalis patungong Estados Unidos para sa isang opisyal na pagbisita,
00:36nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa mga ahensya ng pamahalaan na agarang maghanda
00:40at magtulungan para sa posibleng epekto ng sama ng panahon.
00:44Sinabihan ko na ang OCD, DOTR, DOH, DOST, DSWD, DPWH, DOE at DILG
00:54at lahat pa ng lahat ng ahensya na mag-trabaho sila at mag-coordinate sila
01:01upang tiyakin na ligtas ang ating mga kababayan.
01:05Pagbibigay din ang chief executive, nakahanda na ang mga kinakailangang tulong
01:09para sa mga apektadong lugar mula sa relief goods, servisyong medikal,
01:14hanggang sa supply ng kuryente at tubig.
01:16Ang relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:23Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:28At tinitiyak natin na merong transportasyon.
01:31At syempre, tinitiyak natin na may sapat na supply ng tubig,
01:36sapat na supply ng kuryente.
01:38At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima
01:45nitong pagbaha at malakas na ulan.
01:49Sa kabila nito, nanawagan ng Pangulo sa publiko
01:52na maigting na makipag-ugnayan at sumunod sa mga paalala ng mga otoridad.
01:57Pakiusap ko lang po sa inyo ay pakinggan nyo po
02:00ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU,
02:04ng national government at pakisundan lang po
02:07para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
02:12Giit pa niya na tuloy-tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan
02:14na mapalakas pa ang kakayahan ng gobyerno
02:17sa pagharap sa mga hamon ng climate change.
02:20Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng servisyo
02:23ng kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
02:28Siguraduhin natin mas lalo pang mapalakas
02:30ang kakayahan ng pamahalaan na tumugon sa ganitong klaseng sitwasyon.
02:35Ipinagutos na rin ng Pangulo ang pagsususpinde
02:37sa lahat ng SONA-related preparation activities.
02:40Mahigpit niyang inatasan ng DPWH at lahat ng ahensya ng gobyerno
02:44na ituon ang kanilang atensyon at resources
02:46sa pagtugon sa sitwasyon at pagtulong sa mga naapektuhan
02:50ng masamang panahon.
02:51Klaro ang gusto ng Pangulo.
02:53Ituon ang lahat ng kakayahan at available resources ng gobyerno
02:58upang tiyaki na ligtas at nasa maayos na kalagayan
03:01ang lahat ng apektado ng malawakang pagulan at pagbaha.
03:07Kenneth Pasyente
03:08Para sa Pambansang TV
03:10Sa Bagong Pilipinas

Recommended