Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala sa Malolos, Bulacan, natuloy pa rin ang kasal sa gitna ng Binahang Baraswain Church.
00:05Saksi si Mark Salazar.
00:11Lubog sa baha ang Baraswain Church ng Malolos, Bulacan, pero hindi nito napigil ang paghahanda para sa isang kasal.
00:19Hindi nakaligtas ang Baraswain Church dito sa Malolos sa pagbaha na nagsimula pa kagabi.
00:25Mas mataas para di hamak dito yung level ng tubig.
00:28Pero bumaba na ito.
00:31Hindi naman doon ito first time at hindi rin first time na itutuloy ang kasal kahit ganito ang estado ng simbahan.
00:39I-imagine ko lang kung ano magiging itsura ng basang kasal at ano magiging kahulugan ito sa ikinasal.
00:58Walang exempted mula sa bride, abay, kahit ang mga ninang, lahat basa.
01:05Ang katwira ng kopol na sina Jamaica at Jow, mas malaking abala kasi ang magplano ulit ng wedding kaysa suungin ang baha ng Baraswain Church.
01:13Matagal na po itong inaantayin ng lahat.
01:17Nandyan namin na di po kami, let's do this na po sabi namin.
01:20Thank you po sa aming bisita.
01:22Yung ulan po, blessing po ng Lord.
01:24Daging blessing na rin naman po talaga eh kasi masaging unique po.
01:28Sa labas ng simbahan, lubog din ng maraming lugar sa sentro ng Malolos.
01:42Pero tuloy ang komersyo.
01:43Hindi rin nila pwedeng intayin na humupa ang baha dahil matagal yan.
01:47Ako, para pong one week yan eh, isang linggo po yan.
01:51Malamang.
01:52Alam na mga taga-Barangay Vicente kung gaano sila katagal mababasa at kung anong peligro lang ang kanilang pinangingilagan.
02:00Hindi na rin kami nandidiri kasi nasasanay kami.
02:02Yung iba kasi diring-diri kasi marumi daw yung tobik eh.
02:04Hindi kayo bininom nung pang laban saan yung leptospirosis?
02:08Ay, hindi naman po.
02:08Sa mga dagaan?
02:10Oo, sa mga may dagaan.
02:11Pag may soga, siguro yun kasi delikado yun eh.
02:15Hindi naman po kasi wala naman akong soga ah.
02:17May mga lugar gaya ng Barangay Mabolo na mas mataas pa ang tubig baha na umabot hanggang dibdib kagabi pero walang lumikas.
02:25Kasi nga, sanay na sila.
02:26Eh, wala na magagawa eh.
02:29Ganun talaga.
02:30Panahon tsaka nagpakawalayang dam eh.
02:32Kalimitan ng baha ng Malolos at iba pang low-lying areas ng Bulacan ay hindi natatansya sa pagtingalalang sa langit.
02:40Dahil sa iba raw nang gagaling ang tubig baha nila.
02:43Mula sa dam, mula sa Manila Bay kapag high tide at iba pa.
02:48Pero high tide ang pinakamalaki ang ambag.
02:51Kaya ito, binabantayan nila ang taas kada araw by meter.
02:54Ang simula kahapon ng 3.7, ngayon 4.1 at inaasaan natin hanggang biyernis po ito.
03:01Ang pinakataas ngayon, 4.1?
03:03Opo, abang sa araw-araw po, kahapon alas 6, alas 7, alas 8, alas 9, alas 10, tumataas naman po ito ng 3.7, 4.1, 4.3, 4.6, 4.7 hanggang 4.8 po.
03:18Sa huling tala, bago magtanghali kanina, sa buong Bulacana, sa 4,000 pamilya ang nag-evacuate kagabi, na unti-unti na rin daw nag-uuwian.
03:29Wala pang naitalang nasaktan sa buong lalawigan.
03:31Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.

Recommended