Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Today's Weather, 5 P.M. | Jul. 22, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherForecast
Transcript
00:00Magandang hapon, narito po ang latest update natin hinggil nga sa Bagyong Sidante, sa mga low pressure area na binabantayan natin at maging sa habagat na kasalukoyan ngang direct ang nakakapekto sa ating bansa.
00:12Kung makikita po natin yung ating pinaka-latest satellite image animation, may tatlo po tayong sa manang panahon na nakahighlight ng bilog.
00:19So na yun po muna natin, yung binabantayan na ating low pressure area na halos nasa malapit dito nga sa eastern boundary ng ating air responsibility.
00:27Kaninang alas 2 ng hapon ay naging isang ganap na bagyo na at binigyan nga natin itong local name na Dante.
00:33Sidante ay tinatayang nasa layang 1,130 km ang layo silangan ng northern Luzon.
00:39Taglay nito, ang lakas ng hangin umabot ngang 45 km per hour malapit sa gitna nito at ang pagbugso naman ng hangin ay abot hanggang sa 55 km per hour.
00:47Sa kasalukuyan, kumikilis ito sa direksyong north-northwestward naman sa bilis na 20 km per hour.
00:54Samantala, yung isa namang low pressure area na mas malapit nga dito sa silangan ng northern Luzon ay tinatayang nasa layang 155 km east-southeast ng Basco Batanes.
01:05Sa ngayon ay malit ang chance na itong maging bagyo within 24 hours pero patuloy tayong magmamonitor sapagkat posibleng beyond the 24-hour period ay maging isang ganap na bagyo ito.
01:14Ang senaryo natin dito sa low pressure area na malapit nga sa northern Luzon, posibleng kumilis ito patungo dito sa may extreme northern Luzon, lumabas nga ng northwestern boundary ng ating air responsibility, at dito pa lang sa West Philippine Sea, siya magiging ganap na bagyo.
01:30Yun po yung senaryo number 1 natin.
01:32Samantala, senaryo number 2 ay iaabsorb ito ng mas malakas na bagyong si Tropical Depression Dante.
01:38Kaya manatili pong nakatutok sa update natin regarding this particular low pressure area, ang bagyong si Dante, at maging itong isang low pressure area nga na nasa labas ng ating air responsibility, ay subject for monitoring din natin.
01:51Wala tayo nakikitang direct ang interaction nitong low pressure area nito dito sa dalawa pang weather system sa loob ng ating PAR, subalit yun nga, patuloy natin yung monitor at magbibigay tayo ng update sa ating mga kababayan kung magkakaroon po ng development.
02:07So unayin po muna natin ano nga ba yung senaryo, yung pagkilos na inaasa natin sa bagyong si Dante sa susunod na 3 hanggang 5 araw.
02:14So sa pinaka-latest forecast track ng pag-asa, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin na pinalabas nga ngayong hapon, makikita natin yung tinate ang sentro ni Dante, napakalayo pa po sa kalupaan ng ating bansa.
02:28Subalit, bukas ng hapon, inaasaan natin ito na halos kikilos ito ng pahilaga, more to the north at sa layang 990 kilometers east of extreme northern Luzon.
02:38Inaasaan din natin na from Tropical Depression ay posible itong maging Tropical Storm in the next 24 hours.
02:45Samantala, sa darating naman na Webes ng hapon, inaasaan natin ito na kikilos naman ito pa hilagang Kanluran at by that time ay nasa 735 kilometers na silangan ng Itbay at Batanes, Tropical Storm category pa rin.
02:58Sa darating naman na Vienes, inaasaan natin itong tuluyan ng nakalabas ng ating Area of Responsibility.
03:03So, yung paglabas dito sa northern boundary ng PAR, inaasaan po natin sa pagitan ng Webes ng gabi hanggang Vienes ng madaling araw.
03:12So, generally, kahit tingnan po natin yung Area of Probability, yung parang apa sa paligid ng center track,
03:17pinapakita po nito na maliit ang chance sa mag-landfall o direct ang mga apekto sa anumang bahagi ng ating bansa.
03:23So, balit sa ganitong mga panahon, kapag may mga bagyo po tayo na naandito nga sa Pasipiko, karagatang Pasipiko,
03:29at hindi naglalanfall, bagkos kumikilos, either patungo sa Dulong Ilagang Luzon, patungo sa Taiwan,
03:35o dito sa northern boundary ng ating Area of Responsibility.
03:39Very favorable yan para patuloy na mapag-iba yung habagat na siyang magpapaulan nga sa ating bansa.
03:46So, ano nga ba yung inaasaan natin?
03:47O ano yung nanggayang scenario in terms of pag-ula naman ng habagat nitong mga nakalipas na tatlong araw?
03:53Mapapansin po natin, dito sa ating antecedent rains, simula po nung Sabado, Linggo, at kahapon nga,
04:02yung malalakas na pag-ulan ay halos nandito sa kanlurang bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
04:09So, generally, nakikita nga po natin sa balita, sa actual, na may mga pagbahan na dyan,
04:15may mga pag-uunang lupa na sa nakararaming lalawigan sa kanlurang bahagi ng Luzon,
04:19at ano nga ba yung inaasaan natin for the next 2 to 3 days sa ating pinaka-latest weather advisory.
04:25Simula po ngayong araw hanggang bukas, inaasaan pa rin na matitinding pag-ulan dito nga sa kanlurang bahagi ng Luzon,
04:32ilang bahagi ng Bicol Region, at maging Western Visayas.
04:36Lalong-lalo na po yung nakahighlight ng red, inaasaan natin na dyan na more than 200 mm of rain.
04:41100 to 200 mm of rain naman sa orange, samantala dito sa mga nakahighlight ng yellow, 50 to 100 mm of rain.
04:48So ano nga ba yung ibig nating ipahihwating sa ating mga kababayan?
04:53Pinakita natin kanina, during the past 3 days na matitindi na yung pag-ulan na naranasan,
04:57halos sa mga naturang lalawigan, same areas.
05:00At kung uulanin pa ito, within the next 24 hours, as well as within the next 48 to 72 hours,
05:08nandyan pa rin yung pagbanta ng mga pagbasa low-lying areas.
05:11Magiging mabagal ang paghupa ng mga baha,
05:13nandyan pa rin yung posibleng pag-apaw ng mga ilog,
05:16at nandyan pa rin po yung banta ng mga pagguho ng lupa,
05:19lalong-lala na kung ilang araw nang umuulan,
05:21saturated na yung mga kalupan, malambot na po yung mga kalupan sa bahagin bundok,
05:25kaya't mag-ingat po yung mga kababayan natin,
05:27lalong-lala na sa mga lalawigan ngang nabanggit natin,
05:29nasa kanlurang bahagi ng Luzon, ilang bahagi ng Visayas at ng Southern Luzon area.
05:35Maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa,
05:38at patuloy po makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan
05:41at lokal na disaster reseduction managing officers
05:44para sa patuloy na gawain pangkaligtasan.
05:48Samantala, yung pinagbugsong habagat naman,
05:51dahil nga dito sa nagdaang bagyong krising
05:53at yung potensyal na magiging bagyo aside from Dante,
05:56ay patuloy ding magdudulot ng mga pagbugso ng hangin.
06:00Kahit wala po tayong warning signal,
06:01posibleng makaranas tayo ng mga paminsaminsang pagbugso ng hangin ngayong araw.
06:05Dito sa Sambales, Bataan, maging dito sa Metro Manila,
06:09Calabarzon, Mimaropa, Visayas at Dinagat Island.
06:12Bukas naman mga pagbugso ng hangin sa Ilocos Region,
06:15Sambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon,
06:18ganoon din sa Mimaropa, sa buong Visayas,
06:21maging dito sa may bandang Mindanao area,
06:23Sambuanga del Norte, Misamis Occidental,
06:25Lanao del Norte, Kamigin at Dinagat Island.
06:28Hanggang sa darating na Webes, may inaasahan pa rin tayong pagbugso ng hangin
06:31sa nakararaming bahaging ng Luzon at ilang bahagi po.
06:35Nang Visayas at Nang Mindanao area.
06:38So pag may pagbugso tayo ng hangin,
06:39posibleng makapagpatumba ng mga ilang uri ng mga pananim,
06:43posibleng magdulot ng maalon karagatan.
06:46At hanggat maari, huwag muna po malawat yung mga kababayan natin.
06:49Dito nga sa Northern at saka Western Seaboard ng ating bansa,
06:53or iba yung pag-iingat kung papalawat,
06:55lalong-lalong na yung mga kababayan natin,
06:57mga angista at yung mga may maliit na sakayang pandagat,
07:00sapagkat kahit wala pong bagyo,
07:02yung bugso ng habagat ay pwede rin magdulot ng katamtaman
07:05hanggang sa maalong karagatan.
07:08Samantala, yung mga pagulan naman na naranasan natin locally,
07:12may in-issue po ang ating mga pag-asa Regional Services Division,
07:16mga tinatawag nating localized rainfall or thunderstorm advisory.
07:19At ganyang alas 5 ng hapon, meron po tayong nakataas na orange rainfall warning
07:23dito sa Metro Manila, maging sa mga karatig lalawigan.
07:27Ganon din sa yellow rainfall warning dito pa sa ilang bahagi ng Central Luzon
07:31at ilang bahagi nga ng Southern Luzon area.
07:34Kapag may orange rainfall warning tayo,
07:36nandiyan pa rin yung banta ng pagbaha,
07:39may mga pagulan pa rin tayong namomonitor
07:40at posible pa rin tayong makaranas ng mga pagulan in the next 3 hours.
07:44So ang ating mga localized rainfall advisory
07:47ay pinapalabas every 3 hours,
07:49ang effectivity ay hanggang 3 oras lamang.
07:52Ibig sabihin, continuous monitoring.
07:54Nasa field po ito ng tinatawag nating nowcasting
07:57or yung pagpipredikt ng weather over a shorter period of time.
08:01Usually, hanggang 3 oras lamang
08:03at ina-update kung magkakaroon pa ng pagbabago,
08:06kung mamimaintain yung forecast,
08:08or kung ililip na po itong localized warning.
08:10Kaya pinapayoon din po natin,
08:11aside sa Tropical Cyclone Bulletin,
08:13aside sa Weather Advisory,
08:15aside sa mga posibleng gale warnings,
08:17sa mga susunod na araw,
08:18i-monitor din po natin yung mga localized rainfall
08:20at thunderstorm advisory.
08:23Huling pakiusap na lamang po namin dito sa pag-asa.
08:26Dahil nga may mga sama ng panahon,
08:28hindi rin po may iwasan na nagkalat
08:30yung mga nagpo-post ng mga fake news
08:32from unverified sources.
08:34Gaya nga po nitong nakikita nyo
08:36at nagbanggit na may posibleng 6 na bagyo
08:38sa darating na Webes.
08:39So muli po, nakikiusap po kayo as much as possible,
08:43iwasan po natin mag-share ng mga ganitong
08:44masyadong exaggerated na information.
08:47Bagamat may binabantayan tayong bagyo,
08:49pero not to this point naman po.
08:51Makikita natin,
08:52halos ginamit po yung official logo ng pag-asa.
08:54I-share lang po natin
08:55ang any weather or climate-related information
08:58mula sa official Facebook account
09:01ng pag-asa na nakikita nyo po
09:02dito sa portion ito.
09:04So muli, as much as possible,
09:05iwasan po natin mag-share
09:07ng mga ganitong fake news
09:09from unverified sources
09:12sa ating social media account.
09:15Ang susunod po nating update
09:16sa bagyong si Dante ay papalbas
09:18mamayang alas 11 ng gabi
09:19at yan po muna ang latest
09:20mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
09:23Magandang hapon po sa inyong lahat.
09:24Magandang hapon po sa inyong lahat.
09:54Magandang hapon po sa inyong lahat.

Recommended