00:00Happy weekend po mula sa DOST Pag-asa. Ito ang ating weather update ngayong Sabado, June 28, 2025.
00:07Kasalukuyan na wala po tayong minomonitor na low pressure area o anumang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:13Meron pong cloud cluster sa northeastern part ng ating bansa pero ito ang hindi nakaka-apekto sa anumang parte ng ating bansa.
00:20Ang nakaka-apekto po at nagbibigay ng ulan sa atin ay yung Southwest Musun o Habagat.
00:24At kaya asahan po natin na magiging maulap at mataas po yung sansa ng mga pag-ulan dito sa Pangasinan, sa Sambales, sa Bataan,
00:32ganoon din sa Occidental Mindoro, sa Palawan, sa Albay, sa Sorsogon at sa buong Kamisayaan.
00:38At dahil po dyan ay gusto nating paalalahanan yung ating mga kababayan na mag-ingat,
00:43lalo na kapag alam natin na nakatira tayo sa mga bahaing lugar o landslide prone area.
00:47Sa natitirang bahagi ng ating bansa ay asahan natin yung maaliwalas na panahon
00:51pero posible pa rin yung mga pag-ulan na dala ng mga localized thunderstorms.
00:56Yung Habagat or Southwest Musun, ano nga po ba ito at paano ito nangyayari?
01:01Yung Southwest Musun ay nangyayari po taon-taon, usually during June hanggang September.
01:07Ito po yung time na kung saan ang nakaka-apekto sa ating bansa ay yung hangin na nanggagaling sa Timog Kanluran.
01:13Kaya rin po siya tinatawag na Southwest Musun.
01:16At dahil po yung hangin na nanggagaling sa Timog Kanluran, dahil malapit siya sa Equatorial Region,
01:21mainit po yung hangin na ito at may dala ito na mga moisture dahil sa evaporation na nagagawa
01:26yung direct ng pagsikat ng araw sa mga katubigan.
01:29Kaya kapag na-apektohan po tayo ng hanging habagat or Southwest Musun,
01:33asahan natin na magkakaroon ng mga kaulapan at mga pag-ulan lalo na sa western part ng ating bansa.
01:39Mayroon po mga significant cases na yung Southwest Musun natin ay na-enhance kapag mayroong bagyo sa northeastern part ng ating bansa.
01:49At may mga times naman na nasusupress o napipigilan naman yung epekto ng hanging habagat.
01:54At ito yung tinatawag din natin na monsoon break.
01:56Sa ngayon ay progressive at nakaka-apekto po directly yung hanging habagat sa ating bansa.
02:02Para sa ating forecast bukas, dito sa Metro Manila ay asahan natin na mas magiging maulap bukas yung ating kalangitan
02:11at mas mataas yung chance na mga pag-ulan.
02:14Ganon din sa western section ng Central Luzon at Southern Luzon kasama yung Legaspe.
02:21Sa natitirang bahagi ng Luzon ay partly cloudy to cloudy skies na ang ating inaasahan.
02:26At yung mga pag-ulan na maaari natin ma-experience ay associated na dito sa mga localized thunderstorm.
02:31Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay 24 to 32, sa Baguio ay 16 to 24, sa Tugigaraw ay 24 to 35, at sa Legaspe ay 24 to 32.
02:42Sa Palawan po ay patuloy na asahan natin bukas yung maulap na kalangitan at magdadala rin po ito ng mga pag-ulan.
02:48Ganon din sa buong kabisayaan at sa western part ng Mindanao.
02:52Pero yung natitirang bahagi ng Mindanao, asahan natin na magiging maaliwalas ang ating palahon,
02:57pero nandun pa rin yung posibilidad ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.
03:00Agwat ng temperatura sa Puerto Princesa ay 25 to 32, sa Cebu naman ay 26 to 31, sa Cagayan de Oro ay 24 to 31, at sa Davao ay 25 to 32.
03:12Sa kasalukuyan ay wala po tayo nakataas na gale warning o babala na may kinalaman sa mga matataas na alon sa ating karagatan.
03:19Para sa ating 3-day weather outlook sa mga piling syudad sa ating bansa, sa Metro Manila po, asahan po natin sa Monday hanggang sa Wednesday na magiging maulap at mas mataas po yung chance na mga pag-ulan.
03:31Ganon din po sa Legaspe City.
03:33Pero sa Baguio City, asahan natin na magiging partly cloudy to cloudy skies, pero nandun pa rin yung posibilidad ng mga localized thunderstorms.
03:40O yung mga pulu-pulu na pag-ulan, o halimbawa sa isang bayan ay umuulan, pero paglagpas natin doon ay hindi na pumulan.
03:48At usually, matagal na ito kapag umabot ng 2 hours.
03:52Dito sa Kabisayaan, sa Metro Cebu, ganon din po sa Iloilo at sa Tacloban City, sa Monday ay asahan natin na patuloy na maapektuhan tayo ng hanging habagat.
04:02Pero sa Tuesday at Wednesday, dito sa Metro Cebu at sa Tacloban, manunumbalik tayo sa partly cloudy to cloudy skies.
04:08Pero din sa Iloilo, sa Tuesday ay mananatiling maulap at sa Wednesday pa, magiging manunumbalik sa partly cloudy to cloudy skies.
04:14Sa Mindanao, sa Metro Dabao at sa Cagayan de Oro, asahan natin na mababawasan yung mga pag-ulan na ating asahan dyan.
04:22Kaya posible na po tayo na kung may kailangan tayo ipagawa sa ating mga bubong, bago tayo muling ulanin, ay ipagawa na po natin.
04:30O yung mga drainage sa mga tabing bahay natin na kailangan dilisin, ay pwede na rin po natin itong gawin.
04:35Sa Sambuanga po, maapektuhan pa rin tayo ng hanging habagat sa Monday, pero sa Tuesday at sa Wednesday ay manunumbalik sa partly cloudy to cloudy skies.
04:43Ang araw po natin ay lulubog mamayang 6.29pm at muling sisikat bukas ng 5.30 ng umaga.
04:51Para sa karagdagang informasyon o kapag gusto nating malaman kung ano-ano yung mga lugar na merong nakataas na thunderstorm advisory,
04:57pwede po tayong bumisita sa panahon.gov.ph.
05:01Ako po si John Manalo. Ang panahon na yung nagbabago, kaya maging handa at alerto.