Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Baha sa Brgy. Burgos sa Rodriguez, Rizal, umabot sa halos hanggang ikalawang palapag; ibang residente, piniling manatili sa kanilang mga bahay

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, umabot po sa halos ikalawang palapag ang tubig baha sa ilang barangay sa Rodriguez Rizal.
00:05Agad na lumikas po ang mga residente pero may ilan-ilan ding piniling manatili muna sa kanilang tahanan.
00:10Ang update mula kay J.M. Pineda Live. J.M.?
00:16So yan, ilang mga pamilya nga na nanatili pa rin dito sa covered court ng barangay Burgos sa Rodriguez Rizal
00:23dahil halos umabot ng ikalawang palapag na kanilang bahay ang tubig baha.
00:30Hindi na nagdalawang isip ang mga residente ng barangay Burgos matapos makitang umangat na ang level ng tubig sa ilog na malapit sa kanilang lugar.
00:39Lumikas agad na mga ito para di naabutin pa ng mataas na baha.
00:43Ang barangay naman na agad na inihanda ang sleeping tents para sa mga evacuees lalo pa at matagal humu pa ang baha sa lugar.
00:50Pero sa kabila niyan, may mga residente pa rin pinili na lang manatili sa kanilang mga bahay.
00:56Kabilang na nga dyan ang ilang mga individual sa Sterrelli Home Subdivision na halos gabinti ang tubig.
01:01Ayon sa mga residente, palalim ng palalim ang tubig baha sa lugar kapag pumasok.
01:06Bistulang dagat na nga rin ang itsuran ng lugar dahil sa taas ng baha.
01:10Base sa uling bilang ng barangay Burgos,
01:12aabot sa higit dalawang daang pamilya ang lumikas at nanatili sa evacuation center hanggang ngayon.
01:18O katumbas yan ang nasa walong daang individual.
01:20Sa uling bulitin ng pag-asa kaninang alas 5 ng umaga,
01:24nasa ilalim pa rin ang orange rainfall warning ang lalawigan ng dizal.
01:27Kaya asahan pa rin ang malakas na ulan at posibleng pagbaha sa buong probinsya.
01:32Sa ngayon nga ay nagbibigay na rin ng mga stab yung mga pamunuan ng barangay dito sa barangay Burgos.
01:44At sa ngayon nga ay mamaya rin ay pupunta dito si Sekretary Gatsalian
01:50para ibigay yung tulong dito sa mga residente ng barangay Burgos.
01:53Kung nakikita nyo rin sa aking lugar, sa kinatatayuan natin,
01:57nandito pa rin yung ibang mga pamilya at yung mga tents na kanilang tinutuluyan.
02:02Alright, so JM, nandyan ka sa isang evacuation area, tama ba?
02:07Mga ilang mga evacuees or mga residente ng Rizalang Nariyan,
02:11dun sa area kung saan ka nakabantay?
02:17So yan, sa ngayon ay nasa 800 mga katao yung nandito ayon dun sa sinabi ng barangay sa atin kanina.
02:24Katumbas yan ng 200 pamilya na lumikas.
02:27Especially dun sa kanina, tinignan natin yung itsura ng Estrelli Homes.
02:31Medyo mataas na talaga yung bahado at hindi na rin kaya ng lakaran ng ibang tao.
02:37Kung makikita nyo, pag nakita nyo yung pinaka-video, hanggang bewang na yung taas ng bahado
02:41at hirap na hirap na rin yung mga kotse na dumaan doon sa lugar.
02:44So kamusta? Kasi parang meron ba silang komportabling mahihigaan dyan sa binabantayan mong area, no?
02:53At saka since anong oras pa sila nandyan, kagabi pa pa sila na tumungo dyan sa particular evacuation area na yan, JM?
03:00Diyan sa ngayon, nakikita natin may sleeping tents na nandito sa kanilang area.
03:10At kung tinignan naman natin yung loob, komportable yung mga taong nandito sa evacuation center.
03:17Ayon dun sa isang opisyal ng barangay na nakausap natin.
03:20Kahapon ng umaga, pumunta dito yung ilang mga pamilya.
03:24Pero pagdating ng mga tanghali, medyo lumakas na yung bugso ng ulan at tumahas na nga yung tubig dun sa malapit na ilog sa kanilang lugar.
03:31Especially dun sa Australia, sa subdivision, talagang nagsipuntahan na yung mga pamilya dito.
03:36Kahapon daw ng umaga yun. Diyan.
03:40JM, si Patrick ito, ikaw ay nandyan ngayon, tama? Ano? Sa Rodriguez, Rizal.
03:45Pero nung papunta ka dyan, kamusta naman yung daanan nga yung lagay ng kalsada natin dyan?
03:51Papunta dyan sa Rodriguez, sa gaano kataas yung baha na kailangan suungin?
03:56May mga stranded ka bang nakita mga motorista habang papunta ka dyan sa iyong coverage?
04:05Patrick, kanina nung dumaan tayo dito, medyo mayroon pa rin mga kaunting gutter dip na taas ng baha nung time na papunta tayo dito sa Rodriguez, Rizal.
04:14Pagdating naman dun sa Commonwealth, kasi isa rin yung sa dadaanan, papunta dito sa Rodriguez, Rizal.
04:19Wala nang gaanong baha.
04:20Pero may mga motorista pa rin na hirap dahil sa sobrang lakas ng ulan, eh mahirap pa rin bumiyahe.
04:25Lalo na yung mga motorista natin na naka-motorcycle lamang dahil sa lakas ng ulan.
04:30Patrick.
04:32Panguli na lamang, siguro may mga nakausap ka rin dyan, ano na mga evacuees?
04:37Ano yung mga pangunahin nilang pangailang?
04:38Kasi baka mayroon din mga mag gusto mag-abot ng tulong sa mga apektadong residente, JM.
04:42Daya sa huling kausap natin sa kanila, ang pangunahin pangailangan talaga nila ay yung matutuluyan.
04:53At sa ngayon nga, inibigay na rin yun ng barangay dahil may mga sleeping tents.
04:56Pangalawa, syempre yung pagkain na kailangan nila sa pang-araw-araw.
05:00Lalo pati hindi alam ng barangay kung kailan ba.
05:04At huhu pa itong baha, lalo na dun sa Estrele Home, sa iba't-ibang mga barangay pa,
05:08o iba't-ibang lugar dito sa barangay Burgos.
05:10Maraming salamat sa update, JM Pined, at ingat kayo dyan.

Recommended