Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kahit na sa official visit sa Amerika, tiniyak ni Pangulong Bombo Marcos na nakahanda ang ating gobyerno para tulungan ang mga kababayan nating apektado ng masamang panahon.
00:09Sa pakikipagpulong naman ng Pangulo sa U.S. Defense Department, pinagtibay muli ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
00:17Live mula sa Washington, D.C. sa Amerika, may unang balita si Sandra Aguinaldo. Sandra?
00:22Yes, Marice, sa gitna nga ng pagbaha sa ilang mga lugar dyan, ay nagpalabas naman ng statement si Pangulong Bongbong Marcos dito sa Washington, D.C.
00:36At bukod dyan, Marice, ay nag-iabala siya sa pulong sa ilang matataas na opisyal ng Amerika.
00:45Sa gitna ng kanyang mga pulong dito sa Washington, D.C., naglabas ng isang recorded video
00:50si Pangulong Marcos Kaugnaysa, nararanasang matinding pagbaha sa Metro Manila at ilang karating na lugar.
00:57Anya, parating na ang tulong para sa mga nasalanta.
01:01Ang relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:08Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:12At tinitiyak natin na merong transportasyon.
01:15At syempre, tinitiyak natin na may sapat na supply ng tubig, sapat na supply ng kuryente.
01:23At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima nitong pagbaha at malakas na ulan.
01:34May panawagan din siya sa publiko.
01:35Paki-usap ko lang po sa inyo ay pakinggan niyo po ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU, ng national government at pakisundan lang po para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
01:51Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng servisyo na kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
01:59Dito sa Amerika, nagtungo si Marcos sa Pentagon, headquarters ng U.S. Defense Department.
02:04Sinalubong siya ni Defense Secretary Pete Hegseth.
02:08Ginawaran siya ng Enhanced Honor Cordon,
02:11seremonya na ibinibigay ng Defense Department sa mga senior officials na bisita nila,
02:16tanda ng pagpapakita ng malaking respeto.
02:19Sa meeting ni Naheg Seth at Marcos, ilan sa nakasama ng Pangulo si na Defense Secretary Gibo Teodoro at National Security Advisor Eduardo Aรฑo.
02:29Dito muling nagpahayag ng suporta ang Amerika sa modernisasyon ng militar ng Pilipinas.
02:35Tiniyak din niya ang commitment ng Amerika sa Mutual Defense Treaty na may probisyon kaugnay sa pag-atake sa puwersa at teritoryo ng dalawang bansa.
02:44The United States is committed to achieving peace through strength and willing to work with all nations who share this desire in the region.
02:52We do not seek confrontation, but we are and will be ready and resolute.
02:59We're proud to support our mutual economic vitality, including your efforts to modernize your armed forces and collective defense.
03:08Nagpasalamat naman si Marcos sa tulong ng Amerika, pati na sa balikatan at iba pang training.
03:13Malaking tulong daw sa puwersa ng Pilipinas sa gitna ng mga banta na kinakaharap nito.
03:18I believe that our alliance, the United States and the Philippines, have formed a great part in terms of preserving the peace, in terms of preserving the stability of the South China Sea, but I would even go as far as to say in the entire Indo-Pacific region.
03:37Maris, bukod dyan ay nagkaharap na rin si Pangulong Marcos at si Secretary of State Marco Rubio.
03:49At pagkatapos po dyan ay inaasahang makakaharap naman ni Pangulong Marcos itong mga business leaders dito sa Amerika.
03:58Maris?
03:58Maraming salamat. Ingat kayo dyan, Sandra Aguinaldo, live na nag-uulat mula sa Washington, D.C. sa Amerika.
04:05Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended