Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinaybay ng GMA Integrated News ang bahagi ng Makabebe, Pampanga,
00:05na lubog sa baha dahil sa high tide na mas pinalalapan ng matinding ulan.
00:09Pinasok na ang mga bahay pero may mga residenteng ayaw pa rin lumikas.
00:14May live report si Nico Wahe.
00:16Nico?
00:21Atom, abot baywang na baha ang namemeroisyo ngayon sa barangay sa Plad David dito sa Makabebe, Pampanga.
00:27Pero atom, yung tubig bahana yan ay hindi lang ngayon namemeroisyo na masama ang panahon, kundi mag-iisang taon na pala.
00:37Sa gitna ng dilim, kasabay ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat,
00:42binaybay namin ang kalsadang ito na mistulan ng ilog sa Makabebe, Pampanga.
00:47Mga kapuso, pasado alas 8 na ng gabi at sakay tayo ng bangka na walang katig
00:53at papasok tayo doon sa barangay sa Plad David na ang pinaka-baha ang lugar dito sa barangay Makabebe.
01:01Ayon sa MDRRMO, nasa bandang baywang na yung tubig dito sa barangay sa Plad David.
01:07At titignan natin ang sitwasyon nila na ayon sa kanilang kapitan,
01:11ang tubig sa kanilang barangay, lalo na sa kalsada, ay tumatagal ng hanggang isang taon.
01:17Ang mga residente, sawa na raw sa ganitong sitwasyon.
01:20Sobrang hirap po yung mga ano namin, puro alipungana.
01:24Si Casey, kaligtasan ng mga anak ang inuna matapos pumasok ng tubig sa kanilang bahay.
01:30Lilipat po kami kay nanay. Lubog po, wala na kaming matulugan.
01:36Ayon sa kapitan ng barangay, noong January 9, pahuling nawala ng tubig sa kanilang barangay.
01:41Yung tubig namin dito sa daan namin, ano na yan eh, mag-iisang taon na yan eh.
01:45Matatagdaga siya lang.
01:46Nga pag-aupo, pag gumalan na ganyan, pag may bagyo, lumalaki, lumalaki.
01:51Sa amin pumupunta yung tubig.
01:53Sa ngayon, walong pamilya nang inilikas nila.
01:55Maraming residente ang piniling manatili na lang sa bahay dahil sanay na.
01:59Sa katabing barangay Takasan na una na naming pinuntahan, baharin.
02:03Nakabangka na ang ilang residente.
02:05Pinasok na rin ang tubig ang ilang bahay.
02:07Pero marami sa mga residente, hindi na lumilikas.
02:11Sanay na po kami.
02:13Sa ganito.
02:14Ayun po, nagkataas na mga gamit.
02:17May ilang residente naman, inunang asikasuhin ang kabuhayan.
02:21Ayala, yung mga pispan na lang ang nilalambatan.
02:25Nilalambatan kasi?
02:26Lumalabas yung mga pakawalang tilapya at saka hipon.
02:31Ang ibang tilapya, inuwi na lang nila para may maulam.
02:34Unang-unang po, we are at aulahing town po.
02:39Sa postal town po kami na Pampanga, kasama po natin yung bayan ng Masantol at Saswan.
02:46So kami po ang pagsakan ng tube from the Pampanga River Basin,
02:54using the Pampanga River as the main drainage papunta ang dagat.
03:00Sanay na raw ang mga taga rito kaya hindi lahat gustong lumilikas.
03:0471 individual ang piniling lumikas sa ngayon.
03:07Pero handa raw ang LGU sakaling may kailangan ilikas.
03:11Sa Barangay Santa Maria sa bayan ng Minalin, lubog na ang kalsada.
03:14Maging ang elementary school ng Santa Maria, binahana.
03:18Ang Barangay San Isidro hanggang tuhod na ang tubig.
03:21May ilang bahay na pinasok na rin.
03:22Atom, nakabalik naman na kami rito sa may bandang Barangay Takasan,
03:31yung mas mababang baha na kesa dun sa Barangay sa Plat David.
03:35At mula nung dumating kami dito, bandang alas 5.30, malakas na talaga yung ulan
03:39at magpahanggang sa mga oras na ito ay malakas pa rin.
03:42Kaya yung ilog na nasa aking likuran ngayon ay talagang umapaw na at kapantay na nung kalsada.
03:47Itong tinatayuan ko nga ay punong-punong na rin ng tubig.
03:50Kaya yung barangay, nakastandby para sakaling may gustong lumikas, ay ready sila.
03:55Atom.
03:57Maraming salamat at ingat kayo dyan, Nico Wahe.
04:01Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
04:04Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
04:17Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News sa GMAغ a t-t-t-t-t.

Recommended