Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Ilang kalsada sa Metro Manila, binaha; mga sasakyan at ilang residente, na-stranded

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tila naging isang parking lot ang EDSA nang magsitigil ang mga sasakyan dahil hindi makadaan dulot ng pagbaha.
00:08At hindi lang yan sa EDSA kundi sa iba pang lugar sa Metro Manila na nalubog din sa baha dahil sa walang tigil na buhos ng malakas na ulan.
00:17May ulat si Isaiah Mirafuentes live.
00:21Isaiah, umuusad na ba yung mga sasakyan sa mga oras na ito?
00:25Tama ka dyan, Dominic. Maghapong nakaranas sa malalakas na ulan ang buong Metro Manila ngayong araw na nagresulta rin ng matataas na baha.
00:35Katulad na lamang dito sa G. Araneta Avenue dito sa Quezon City.
00:38Papakita ko sa'yo, Dominic, napakataas ng tubig baha dito.
00:42Ito yung kalsada sa ilalim ng Skyway paglagpas ng Quezon Avenue exit.
00:47Aabot na sa hanggang dibdib ang lalim ng tubig dito ngayon sa G. Araneta Avenue.
00:53Nangangamba ang maraming mga residente dito, Dominic, dahil kung magpapatuloy pa ang pagulan, posibleng mas tumaas pa lalo ang tubig sa kanilang lugar.
01:01Makikita sa video na ito ang tatlong batang naliligo sa Sapa.
01:09Sabado ng hapon sa Road 6, Sitio Comunoy, Barangay Bagong Silangan, Quezon City.
01:15Kasabayan ng malakas na ulan, nadulot ng bagyong kresinia.
01:19Makikita na nagpaanod sa Agos ang isang bata na sinundan pa ng isa pang bata.
01:23Ang dalawang batang nasa video, ngayon nawawala na.
01:28Matapos silang tuluyan ang anuri ng malakas na Agos ng Sapa.
01:32Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap sa dalawang batang nawawala.
01:36Nakaligtas naman ang isang batang nasa video ng kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
01:41Sa Kaloocan, nawawala rin ang isang bata matapos malunod sa isang creek.
01:46Patuloy naman ang sinasagawang search rescue and retrieval operations sa bata.
01:49Samantala, ngayong araw, namamangkana mga residente sa barangay Santo Domingo sa Quezon City
01:55dahil sa abot baywang na taas ng tubig baha.
01:59Hindi nga lang basta bangka.
02:01Ang lalaki nga na ito, naka-jetski pa.
02:04Ayon sa mga residente, ganito ang sitwasyon sa kanilang barangay kapag patuloy ang ulan.
02:10Hindi na rin madaanan ang kalapit kalsada nito na Aroneta Avenue,
02:13magyang ilang kalsada sa paligid nito.
02:16Mabot na rin kasi sa hanggang baywang ng tubig baha doon.
02:18Ang mga batang ito naman, tuloy ang pagtampisaw sa baha.
02:23Kahit pa, naglutangan din ang sandamakmak na basura.
02:27Ang Commonwealth sa Quezon City kanina, hindi madaanan.
02:30Dahil din sa malalim na tubig baha.
02:32Ang epekto tuloy, daloy ng trapiko na walang galawan.
02:37Ang malakas na ulan ngayon,
02:38nagdulot rin ang napakabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
02:42Halos naging malaking parking area ang kahabaan ng EDSA.
02:45Dominic, maliban dyan,
02:49lubog din sa malalim na baha ngayon ang barangay Apoloneo-Samson sa Quezon City.
02:54Ayon sa mga ulat na natatanggap natin,
02:56abot leeg na ang lalim ng tubig sa kanilang barangay.
03:00Maging ang lungsod ng Malabon ay lubog din ngayon sa baha
03:03dahil na rin sa malalakas na pagulan
03:05at sinabayan pa yan ang patuloy na inaayos na navigational floodgate sa Navotas City.
03:12Samantala, Dominic, maliban dyan,
03:14nagpatupad na rin ng libring sakay ang Department of Transportation at ang PCG
03:18para sa mga motorista o mga commuter na stranded dahil sa mataas na baha.
03:24Maging ang MMDA, nagkakaroon na rin ng deklogging operation at paglilinis ng mga kalsada
03:30para kahit pa paano ay makatanggal o makatulong para matanggal ang mga barah sa mga kanal.
03:37At yun mula ang pinakahuling balita mula dito sa Quezon City.
03:40Balik mo na sa iyo, Dominic.
03:41Maraming salamat, Isaiah Mirafuentes.
03:44Ingat kayo.
03:44Maraming salamat.

Recommended