Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Panayam kay Social Housing Finance Corporation President and CEO Federico Laxa ukol sa community mortgage program

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Community Mortgage Program, ating pag-uusapan kasama si Ginoong Federico Laksa,
00:05ang Pangulo at CEO ng Social Housing Finance Corporation.
00:10Ginoong Laksa, magandang tanghali po.
00:12Magandang tanghali naman, Joey.
00:14Good afternoon, Pa.
00:15At Albert.
00:16Sir, una po sa lahat, maaari niyo po bang ipaliwanan sa amin kung ano itong Community Mortgage Program o CMP?
00:25Yung Community Mortgage Program, ito ay yung programa ng Social Housing Finance Corporation,
00:33ng kung saan tinutulungan natin yung mga komunidad o kaya asosasyon ng mga may bahay dun sa isang community
00:43na hindi nila pag-aari yung kanilang lupain.
00:47At ang Social Housing Finance Corporation ay nagpipinance ng akusisyon ng kanilang lupa
00:55para magkaroon ng katiyakan yung kanilang pagmamay-ari doon sa lupain yung tinitirikan ng kanilang mga bahay.
01:07Opo, ano po yung significance ng revival na sinasabi nitong CMP na ito?
01:12Meron ko na ba dati ito? At sa expanded na pambansang pabahay natin para sa Pilipino Program or 4PH,
01:19ano yung role nitong sinasabi nating programa na ito?
01:22Okay.
01:23Noong una kasi, nagkaroon tayo ng focus doon sa vertical housing sa ating 4PH Program or pambansang pabahay para sa Pilipino Program.
01:33Ngayon, ang ginawa natin, in-expand ito ng bagong Sekretary Aliling sa kautusan ng ating mahal na Pangulo
01:42para mas marami tayong mabibigyan ng beneficyo sa mga nangangailangan ng pabahay.
01:49Yung expanded 4PH na sinasabi nila, kasama na dito yung ibang modalities, kasama yung horizontal development, kasama yung mga ibang programa ng ating mga ANSI,
02:02yung mga resettlement programs natin, at panguli itong Community Mortgage Program.
02:07Yung enhanced CMP na sinasabi natin, re-envive natin ito, pero this time, pinausay pa natin at pinagbute yung Community Mortgage Program.
02:21Kasi noong araw, yung puna ng mga karamihan doon sa Community Mortgage Program,
02:25e binibili lang natin yung mga lupain para dito sa mga informal settlers na wala nang ginagawa afterwards,
02:36e hindi napapabuti yung kanilang kondisyon sa pamumuhay nila.
02:45So, ang ginawa natin, e pinahusay natin at pinabuti natin yung ating Community Mortgage Program.
02:52Ano ba ang ibig sabihin nito?
02:55Ang ibig sabihin nito, e magiging transformative tayo.
02:59Hindi tayo titigil doon sa acquisition lang ng lupa.
03:02Kung hindi, pwede tayong magbigay ng additional loan dito sa ating mga kababayan para mapaayos nila yung kanilang lupa at saka yung comunidad nila.
03:16Yung karagdagang loan na ito ay pwede na lang gamitin sa site upgrading.
03:20Kasi alam mo, kumisan, doon sa mga ganitong klaseng komunidad, kumisan wala tayo yung mahusay na road networks, walang drainage system, at saka walang water and power utilities.
03:33Yun na pwede nating ayusin.
03:35At posibleng darating ang araw, mabibigyan pa natin sila ng home improvement loan para mapagandin na lang kanilang mga bahay.
03:44Sir, sino po ang pwede mag-apply o makinabang dito sa CMP?
03:49Yung mga komunidad na ino-organize nila, yung kanilang sarili, into homeowners association, kailangan organize sila into one community.
04:04Kasi yung programa natin, ito ay papautang doon sa buong community.
04:10It's a community loan.
04:12So, kailangan organizado sila at kailangan mag-register sila sa kakukulang ayan siya, kamukha ng DISUD, Department of Human Settlement and Urban Development, o kaya doon sa Cooperative Development Authority kung siya naman ay cooperativa.
04:30So, hindi po pala sa individual to, sa grupo-grupo pala to?
04:33Hindi siya sa individual initially, yung komunidad ang pinapautang natin, kaya kailangan talaga buo sila at nagsasama-sama sila.
04:43Sir, ano po yung maasahan ng mga benepisyaryo nitong bagong CMP project na ito?
04:50Maganda siya kasi, alam mo, yung mga usual regular pabahay natin, hindi talaga naabot ng ating mga mahirap na kababayan natin.
05:02Yung tinatawag natin nasa lower 10 deciles, talaga hindi natin naabot yung mga yan.
05:09Ito ay talagang abot kaya ng lahat.
05:11Ang amortization siguro rin ito, nagraran lang sa P500 to P600, depende sa lokasyon ng area.
05:20At saka, ito ay abot kaya talaga ng mga kahit na 3,000 lang yung income ng isang pamilya.
05:28E abot na abot nila itong amortization na ito.
05:30Sir, yung P500, P500?
05:32Mga ganun lang ang nakikita natin.
05:33Hindi P500,000?
05:34Mga P500 to P600 amortization, monthly amortization.
05:38Sir, meron po palang 34 na on-site CMP projects na inaprobahan ng Dissoud.
05:47Pwede po kayong magbigay ng detalya tungkol dito?
05:50That's right. Oo.
05:51Noong nakarang linggo, ay pinresenta namin kay Secretary Aling yung mga potential applications na nagpunta na sa amin sa CMP.
06:04Matagal na ito, kaya ngayon rini-review na namin ito at nagpresent kami ng mga 34 possible projects dito sa CMP na posibleng mag-benefit sa maigit 5,000 pamilya.
06:20At ito ay inaprobahan kaagad ng Secretary Aling at ngayon ay nagre-review na kami.
06:27And ang timeline namin na binigay sa amin ng Secretary Aling, dapat sa Oktobre ay makapag-award na tayo.
06:35Wow.
06:35Dating mga pamilyang na nag-apply dito sa programang ito.
06:42May nabangit kayo, CEO, kanina ng iba pang mga programa.
06:45So, bukod po ba dito sa Community Mortgage Program or CMP,
06:49ano nga po uli yun yung mga sinabi nyo na mga proyekto ng Social Housing Finance Corporation?
06:55Meron tayo yung mga vertical housing na ginagawa na natin ngayon.
06:59May nga mga nakatayo na tayong i-rise at sa medium-rise projects dyan sa San Fernando,
07:08sa Tagoluan, Misamis Oriental, sa Davao City, sa Palawan, at sa iba't ibang lugar across country.
07:16Kaya ito ay malapit na namin i-award sa mga beneficiaries.
07:20In fact, yung iba nakapag-occupy na ng kanilang pabahay.
07:24At meron din tayong resettlement programs under SHAPC na kung saan tinutulungan namin natin ang DOTR
07:32doon sa paglilikas ng mga pamilya na naapektuan itong ating South Railway system.
07:38So, kami kagapay ng DOTR naman dito sa mga proyektong ito.
07:44Sir, sa kabuan yan, nabanggit nyo meron na nag-o-occupy ng pabahay.
07:48Meron din kayong i-award na mga pabahay sa mga medium-at-high-rise buildings.
07:53So, overall, mga ilan na po yung natulungan at matutulungan pa po ng Social Housing Finance Corporation
08:01na magkaroon ng kanilang sariling tahanan?
08:03Yung mga natapos na naming mga pabahay, siguro umaabot na ng mga mayigit 10,000
08:12pwede na nating ilikas doon sa mga natapos na pabahay.
08:15Pero, dahil doon sa karagdagang programa na kamukha ng Community Mortgage Program,
08:23ay mapapabilis pa natin at mapaparami pa natin yung ating mga beneficiaries dito sa mga programa natin
08:32under the 4PH or pambansang pabahay para sa Pilipino Program.
08:36Ang dami po pala na nangyayari sa 4PH program ng ating Pangulong Marcos Jr.
08:42CEO, mensahin nila lang po para sa ating mga kababayan na nanonood po ngayon wala sa SHFC.
08:49Okay. Yung pong programa natin na vertical housing na tinatawag,
08:55eh nandyan na po, nakatayo na po yan lahat.
08:58At karamihan po, dinideliver na natin doon sa kanilang mga intended beneficiaries.
09:06At yung iba ay actually nag-occupy na magkakaroon ng formal awarding sa kanila in the next few weeks or months.
09:16Tapos, ito pong bagong inilusad natin na pinahusay at pinabuting Community Mortgage Program
09:24ay makakatulong talaga sa ating mga beneficiaries, lalo na yung nandoon sa lower 10, 1st, 2nd, and 3rd deciles.
09:37Ngayon po, ay nire-review na namin ang mga aplikante para dito.
09:42At by October po, mag-a-award na tayo sa mga pamilya na magkakaroon ng benefits dito sa ating programang Enhanced Community Mortgage Program.
09:56Alright. Maraming salamat po sa inyong oras.
10:00Ginong Federico Laksa, ang Pangulo at CEO ng Social Housing Finance Corporation.
10:06Thank you, sir.
10:06Maraming salamat din, Joey and Albert.
10:09Thank you, pa.
10:09Thank you, sir.

Recommended