00:00Inataasad ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ehensya ng pamahalaan na maging alerto sa harap ng Bantanang Bagyong Crescine.
00:07Kabilang sa direktiba ng Pangulo, ang mabilis na paglalabas ng informasyon at agarang pagtulong sa mga apektado ng bagyo.
00:15Si Kenneth Paciente sa detalya.
00:20Mahigpit na pinatutukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanda ng bansa sa harap ng Bantanang Tropical Depression Crescine.
00:27Ayon sa Malacanang, nagbaba na ng direktiba ang Pangulo sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.
00:32Atas niya sa mga ito, maging alerto.
00:34Kabilang sa naging direktiba ng Chief Executive ay ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ng NDRRMC,
00:40kasabay ang activation ng Emergency Operations Center nito.
00:44Kasama na rin dyan ang utos ng palagiang paglalabas ng mga impormasyon ukol sa sama ng panahon,
00:49upang matiyak na maaabisuhan ang mga lugar na posibleng maapektuhan.
00:52Pati po dito ang DOST pag-asa, gano'n din po, may continuous weather monitoring and provisions of weather updates to all stakeholders.
01:01Pati po ang DILG, ang DSWD ay naka-alerta na po patungkol po dito.
01:07Kaugnay niyan, naka-blue alert status na ang DSWD.
01:10Ibig sabihin, tutok ito sa sitwasyon sa iba't ibang panig ng bansa upang matiyak ang agarang paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga nangangailangan.
01:18Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit 3 milyong kahon ng Family Food Packs ang nakahanda.
01:26Giit niya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na maging handa ang gobyerno sa lahat ng pagkakataon.
01:32Hindi hinahayaan ng kanilang kagawaran na umabot pa sa worst case senaryo ang mga tatamang kalamidad bago pa umaksyon.
01:38Sa katunayan niya, LPA pa lang ang bagyo ay may nakahanda ng stockpiles at nakastandby na malapit sa lugar ng mga inaasahang maapektuhan.
01:46Bukod sa 3 milyong Family Food Packs sa higit siyam na raang storage facility sa buong bansa, may nakahanda ding higit 773 milyon pesos na halaga ng non-food items tulad ng sleeping kits, hygiene kits, water containers at shelter materials.
02:01Nasa blue alert status na rin ang NDRRMC.
02:03Ibig sabihin, ang detailed duty officers ng AFP, BFP, PCG at PNP ay activated habang inatasan ang regional offices ng Office of the Civil Defense ng mahigpit na koordinasyon.
02:15In-alerto na rin ng OCD ang mga lokal na pamahalaan at mga komunidad mula sa inaasahang malalakas na pagulan, dulot ng bagyo, na inaasahang magpapalakas din sa epekto ng habagat.
02:25Binigyang diin din ang ahensya ang kahalagahan ng pagiging handa habang inabisuhan ang publiko na makinig at sumunod sa abiso ng mga otoridad.
02:32Ramdam na rin sa ilang bahagi ng Bicol Region at Calabar Zone ang epekto ng bagyong krising.
02:37Pero bago pa man ito, ay nagkasana ng paghahanda ang Office of the Civil Defense sa mga naturang rehyon.
02:42Sa Bicol Region, isa sa binabantayan ang pusibling pagkakaroon ng lahar mula sa bulkang mayon at bulusan kapag nagtuloy-tuloy ang pagulan.
02:49Sa Calabar Zone naman ay nagtaas na rin ang alerto at fully activated ang mga unit na kinakailangan sa pagresponde.
02:55Sabi ng Padasa ay 50 to 100 mm lang naman ang ulan na inaasahan namin sa ngayong araw.
03:04So hindi pa po yan. Ngunit nakahanda po kami anytime na kailangan po namin ilikas yung ating mga kababayan sa areas po ng bayon at saka bulusan.
03:15Continuous ang monitoring natin sa weather advisories, pati po yung sa Alvolcano in case na magkaroon po ng pagpusnat o pagsativity.
03:25Habang nagkakabang vlog yun, mayroon na rin po tayong mga inihahanda para siyaan.
03:29Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.