00:00Pinagahanda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa harap ng epekto ng bagyong krising sa bansa.
00:08Department of Social Welfare and Development, tiniyak naman ang agarang pagtugon sa mga mga ngailangan nating kababayan.
00:15Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita Live. Kenneth?
00:19Yes, Daniel, mahigpit na pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinaukulang ahensya ng gobyerno ang lagay ng bansa sa harap ng banta ng Tropical Depression krising.
00:34Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, nagbabana ng direktiba ang Pangulo sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.
00:42Atas niya sa mga ito, maging alerto.
00:45Kabilang sa naging direktiba ng Chief Executive ay ang pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment sa NDRRMC, kasabay ang pag-activate nito sa Emergency Operations Center.
00:55Kasama na rin diyan ang utos at ang palagiang paglalabas ng mga impormasyon ukol sa sama ng panahon upang matiyak na maaabisuhan ang mga lugar na posibleng maapektuhan.
01:06May continue sa weather monitoring and provisions of weather updates to all stakeholders, pati po ang DILG, ang DSW.
01:15Hindi ay naka-alerta na po patungkol po dito.
01:17Katunayan, nakataas na sa blue alert status ang DSWD.
01:22Ibig sabihin, Daniel, tutok ito sa sitwasyon sa iba't ibang panig ng bansa upang matiyak ang agarang paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga nangangailangan.
01:30Ayon sa ahensya, mahigpit ang koordinasyon nito sa mga field offices upang mapabilis ang pamamahagi ng mga relief goods at iba pang anyo ng ayuda,
01:39lalo na sa mga lugar na apektado ng kalamidad o emergency.
01:43Tiniyak ng DSWD na nakahanda itong tumugon anumang oras para suportahan ang mga komunidad sa oras ng pangangailangan.
01:50Samantala, Daniel, inanunsyo na rin ng Malacanang na itinalaga na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
01:55si Atty. Francis Saturnino Juan bilang bagong chairperson ng Energy Regulatory Commission o ERC.
02:02Gitang Palasyo, bitbit ni Juan ang mahabang karanasan nito bilang energy expert, kaya tiwala ang Pangulo na pamumunuan nito ang maayos ang ERC.
02:12He has played a key role in operationalizing the wholesale electricity spot market, advocating consumer protection, and promoting renewable energy development through tariff reforms.
02:27With this deep institutional knowledge and leadership, we are confident that Chairperson Juan will steer the ERC toward more efficient, transparent, and pro-consumer decision making.
02:43Itinalaga rin si na Atty. Amante Liberato at Atty. Paris Real bilang bagong mga commissioner ng ERC.
02:50Kinilala naman ng Palasyo ang naging panunungkulan ni dating ERC Chairperson Mona Lisa de Malanta.
02:55We extend our deepest gratitude for her dedicated service to the Commission and to the Filipino people.
03:04We wish her continued success as she returns to private practice.
03:09At yan na muna ang balita mula rito sa Palasyo ng Malacanang. Balik sa'yo, Daniel.