00:00Posible magkaroon na ng bakuna para pigilan ang pagkalat ng HIV sa bansa sa susunod na taon.
00:07Yan ang ulat ni BN Manalo.
00:11Sinabi ng Philippine National AIDS Council na posibling magkaroon ng stocks ng Lena Cafavir sa Pilipinas sa susunod na taon para pag-aralan ng Food and Drug Administration o FDA.
00:21Ang Lena Cafavir ay isang injectable medicine na ginawa ng Giled Sciences, isang American Biopharmaceutical Pharmacy na kayang pigilan ang transmisyon ng Human Immunodeficiency Virus o HIV.
00:35Sa ginawang medical research, lumalabas kasi na may 99.9% efficacy rate ang Lena Cafavir bilang HIV prevention medication.
00:44Dalawang beses lang siyang i-inject sa HIV patients kada taon sa halip na daily preventive pills na kasalukuyang niririseta sa kanila.
00:53Nagkakahalaga ito ng $28,000 o katumbas ng 1.5 million pesos kada taon para sa dalawang injections.
01:01Itong Lena Cafavir, it's more of an injection.
01:04Babalik lang sila every 6 months.
01:07Ang problema, napakamahal nito.
01:09Pero napakaganda ng result ng mga studies nito.
01:15So, in terms of availability sa Philippines, parang wala pa siya.
01:20Wala pa yan sa gobyerno natin.
01:21And pagdating sa presyo, malaking usapan pa yan.
01:25Sabi ko nga, lahat ng mga bagay pinag-aaralan mo naman.
01:28Samantala, mahigpit pa rin ang panawagan ng PINACA na ideklara na bilang National Public Health Emergency ang HIV sa Pilipinas.
01:35Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso nito, ayon sa PINACA, kinakailangan na rin pagtuunan ng pansin ang mga lokal na pamahalaan ang HIV responsa at pagpapaiting ng information dissemination, lalot higit sa mga kabataan.
01:50Nakikipagugnayan na rin ang PINACA sa iba't ibang sektora at maging sa iba pang ahensya ng gobyerno para masugpo ang pagdami ng kaso ng HIV bilang bahagi na rin ng umiiral na hulop government approach.
02:02So bakit EO? Kasi with this, mas may encourage niya natin ang mga local government unit na mag-invest.
02:09Hindi lang po ang mga local government unit, pati ang ating mga national government agency na maglaan ng pondo.
02:16Let's stop the fear. Let's break the silence.
02:20Paano mangyayari yun? Dapat meron tayong alam.
02:23Alam natin ang tamang impormasyon tungkol sa HIV and AIDS.
02:27And then pag alam na natin ang tamang impormasyon, pag-usapan natin ito. Let's be an advocate.
02:33Sa datos ng Department of Health, umabot na sa mahigit limang libong individual ang mga bagong kumpirmadong nagpositibo sa HIV sa unang tatlong buwan pa lang yan ng 2025.
02:44Mas mataas yan ng 50% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
02:50Ibig sabihin, may 57 na bagong kaso ng HIV ang naitatala kada araw.
02:56Sa kabuan, umabot na sa mahigit 148,000 ang bilang ng kaso ng HIV sa Pilipinas.
03:03Kaya payo ng kagawaran, sundin ang mga paalala para makaiwas sa HIV-AIDS.
03:09BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.