Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Bilang ng mga may trabaho, umakyat sa 96.1%, ayon sa PSA

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi Pilipinas, Bayan Ramdam na ang bunga ng mga pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng trabaho ang mga Pilipino.
00:11Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas sa 96.1% ang employment rate, lalo na sa sektor ng servisyo at agrikultura.
00:21Kinilala ng pamahalaan ng ambag ng kabi-kabilang job fair kung saan isa sa pinakamalaki ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Mayo.
00:33Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:37Ikinalugod ng Pangulo ang naging resulta ng pinakahuling labor force survey ng Philippine Statistics Authority o PSA.
00:44Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, masaya ang Pangulo sa ulat na nagbubunga na ang mga hakbang ng pamahalaan na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino.
00:55Base kasi sa report, bumaba ang unemployment rate sa 3.9% itong Mayo kumpara sa 4.1% noong Abril.
01:03Habang ang underemployment naman ay bumaba sa 13.1% kumpara sa 14.6% na italarin ang pagtaas ng employment rate sa 96.1% itong Mayo kumpara sa 95.9% noong Abril.
01:17Sa ating mga pag-uulat noong mga nakaraang araw, marami po talaga tayo na ibigay na job affairs, na conduct na job affairs para ito talaga sa ating mga kababayan.
01:25Gayun man, hindi raw sa mga numerong ito natatapos ang pagpupursigin ng pamahalaan, sa halip ay mas pagbubutihin pa ang mga hakbang para sa pagbuo ng mga trabaho.
01:36Pagpupursigihin pa, hindi ito natatapos dito. Kung baga, hindi ito para magpunagi. Kailangan mas maganda pa ang ipakita ng administrasyon para makapagbigay pa ng mas maraming trabaho sa ating mga kababayan.
01:49Nito lamang May 1 Labor Day, pinangunahan ng Pangulo ang job fair sa Pasay City, kung saan nasa 14,000 na trabaho ang alok sa mga job seeker.
01:58Nang araw na yun, umabot sa 255,000 job vacancies ang naging available sa iba-ibang job fair sa bansa.
02:05Ayon sa PCO, simula ng manungkulan si Pangulong Marcos Jr. noong 2022, mahigit 350,000 trabaho na ang nalikha sa pamamagitan ng iba't-ibang programa ng pamahalaan at pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
02:17Sa usapin naman ng nakaambang pagpapataw ng taripan ng Estados Unidos, sinabi ng Malacanang na patuloy pa ang negosasyon ng Pilipinas ukol dito.
02:26Pero kumpiyansa ang palasyo na nasa magandang kondisyon ng bansa pagdating sa trade deal negotiation sa Estados Unidos.
02:33Sa ating palagay, opo, dahil ang dalawang bansa naman po, ang Pilipinas at ang US, ay nagkaroon po ng pagkakasundo na magkakaroon po ng kooperasyon para sa economic development naman po ng Pilipinas.
02:45Kenneth, pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended